NAPAG-USAPAN na nila Brian, Alex at Jhon na sa araw na iyon ay gagawin na nila ang napagplanohan ngunit kinakailangan parin nila ng ibayong pag-iingat dahil alam nilang tuso ang ama ni Trina. Kailangang isaalang-alang nila ang kaligtasan ni Aira.
Sa hideout nila Trina habang printing nakaupo ito sa sofa at nanonood ng telebisyon ay nagulat ito sa balita na ipinapalabas sa isang sikat na istasyon.
Ayon sa ulat ay nakatakas umano ang bilanggong nagngangalang JHON CORDOVA NA ASAWA NI TRINA SAMONTE.
Dahil sa nalaman ay labis na natuwa si Trina ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone ng makita kung sino ang tumawag ay biglang nagliwanag ang kanyang mukha.
"Hello Jhon honey, nasaan ka? Nakita ko sa balita na nakatakas ka." excited na wika ni Trina.
"Oo hon, nakatakas ako pero hindi ako pwede lumabas dahil baka papatayin ako ni Brian o ng mga police." sagot ni Jhon sa kabilang linya.
"Huwag kang mag-alala pupuntahan kita kung saan ka man ngayon."
"No hon, baka mapahamak ka lang."
"Don't worry hon, isasama ko ang ilang mga tauhan ni Papa. Sabihin mo lang kung nasaan ka."
Nang malaman ni Trina kung nasaan si Jhon ay agad din siyang kumilos. Inipon niya ang ilang tauhan ng kanyang ama. Nagpaalam siya sa kanyang ama ngunit nagalit ito sa kanya.
"Naloloka ka na ba Trina? Ipapahamak mo lamang sarili mo, baka matunton pa tayo dito!"
"Huwag kang mag-alala papa, isasama ko ang ilang mga tauhan mo at bago iyon ay may sorpresa ako sa'yo. Halika papa may ipapakita ako sa'yo."
Sumunod naman ang ama ni Trina.
Pagkapasok sa silid kung nasaan nakatali sa kama si Aira ay naabutan nila itong nakatulog na nakadipa dahil ang dalawang kamay nito ang nakatali pataas at ang mga paa naman ay magkahiwalay na nakatali sa baba ng kama.Kumuha ng isang timbang tubig si Trina at agad ibinuhos niya ito kay Aira.
Nagulat si Aira saka sunod-sunod na napaubo dahil sa dami ng tubig na pumasok sa kayang ilong.
"Hayop ka talaga Trina! Pakawalan mo ako dito!" sigaw ni Aira kahit hirap na hirap na siya.
"Hahahahahaha hindi ka na makakawala pa diyan Aira. Saka bago nga pala kita papatayin ay pagsasawaan ka muna nila!" malademonyong wika ni Trina.
"Sige papa ikaw na ang bahala sa kanya ngunit huwag niyo muna siyang papatayin dahil gusto ko ako mismo ang papatay sa kanya."
Sa sinabi ni Trina ay labis na nahintakutan si Aira ngunit kabaliktaran naman kay Mr. Samonte.
Masayang-masaya ito ng makita si Aira lalo pa't nababakat sa basang damit ng babae ang kanyang katawan. Lalong nag-uulol ang matanda ng mahagip niya ang napaka kinis na binti nito.
"Hon papunta na kami diyan, maghanda ka na."
"Mag ingat ka hon."
"Okay hon, ilove you."
"Love you too hon." sagot ni Jhon.
Walang kaalam-alam si Trina na isa lamang itong patibong para lumabas siya sa kanilang lungga at ng matunton nila Brian ang pinagdalhan nila kay Aira.
FLASHBACK
"Brian handa akong tumulong para mailigtas natin si Aira, sa ganitong paraan man lang ay makabawi ako sa lahat ng nagawa ko sa kanya."
"At ano naman ang magagawa mo Mr. Cordova? Sa tingin mo pagkakatiwalaan pa kita?" galit na wika ni Brian.
"Alam na alam niyo na ako ang kahinaan ni Trina."
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...