Kabanata 15

46 2 0
                                    

"BAANNGG!"

"BAANNGG!"

Dalawang putok ang pinakawalan ni Trina para kay Brian at Aira sana ngunit...

"No....Nooo....!" malakas na sigaw ni Trina ng biglang ihinarang ni Jhon ang katawan sa mag asawa at sa kanyang likod lahat tumama ang dalawang bala.

Agad namang natumba ang katawan ni Jhon sa harapan nila Brian habang buhat ang wala paring malay na asawa at si Alex na akay ang matandang Samonte na kapwa di makahuma ang dalawa sa nangyari.

Napaluhod  naman si Trina sa nakabulagtang asawa.

"Honey I'm sorry. Hindi ko sinasadya.
Honey wake up please." hiyaw ni Trina.

Pilit niyuyugyog ang katawan ng asawa ngunit hindi na ito gumagalaw dahil tuluyan na itong binawian ng buhay dahil diretsong tumama sa puso nito ang bala.

Sa galit ni Trina sa pagkamatay ni Jhon ay itinutok niyang muli ang baril kina Brian.

"Mga hayop kayo! Papatayin ko kayong lahat!" sigaw nito. Kakalabitin na sana nito ang gatilyo ngunit agad naman siyang dinaluhong ni Alex at nakipag-agawan sa baril. Hindi na inalintana  ng binata na nabitiwan niya ang walang malay na matanda basta ang mahalaga ay maagaw niya ang baril kay Trina.

Nagtagumpay naman si Alex at agad niyang hinawakan patalikod ang dalawang kamay ni Trina at pinosasan habang galit na galit na nagwawala si Trina.

"Mga hayop kayo! Papatayin ko kayong lahat! Bitiwan mo ako hayop ka! Papa! Papa! Tulungan mo ako!" sigaw ni Trina sa kanyang walang malay na ama na pinagtulungang buhatin ng dalawang agent.

Maya-maya lang ay nagsidatingan na ang mga ambulansya at wala silang sinayang na oras. Agad nilang isinakay si Jhon at ang matandang Samonte sa iisang ambulansya at si Aira naman ay sa kabila na sinamahan ng asawa.

Samantalang si Trina ay diretsong dinala sa presento at ikinulong. Patuloy parin itong nagwawala at nagbabanta.

Sa hospital naman ay dineklarang D.O.A. si Jhon habang ang matandang Samonte ay naka confine ito dahil sa dami ng bugbog na natamo ngunit pinosasan ito para hindi makatakas. May mga police din na nakabantay sa labas ng silid at nakakulong na din ang mga tauhan ng matanda.

Samantalang si Aira ay hindi parin nagigising. Alalang-alala na si Brian. Napasugod na din si Manang Mila sa hospital matapos tawagan ni Brian. Napaiyak ito pagkakita sa kalagayan ng among babae.

"Diyos kong mahabagin! Kaawa-awa naman ang sinapit ni Aira mabuti na lang at mabilisan kayong kumilos hijo." puno ng pag-alalang turan ng matanda.

"Oo nga po Manang, mabuti at naabutan ko ang kawalang-hiyaang gagawin sana ng hayop na matandang iyon!" galit na wika ni Brian.

"Bakit hijo?"

"Balak na sanang gahasain ni Mr. Samonte si Aira Manang. Mabuti na lang at naabutan ko."

"Diyos ko!" tanging usal ni Manang Mila.

Kinagabihan ay biglang nagising si Brian at Manang Mila dahil sa biglang nagsisigaw si Aira.

"Huwag! Huwaag po! Maawa ka sa akin bitawan mo ako! Bitawan mo ako!"

Bakas sa mukha nito ang takot. Agad naman siyang niyakap ng kanyang asawa.

"Hush...hush..sweetheart your safe now. Wala ng makakapanakit pa sa'yo mahal ko, nandito na ako." pang-aalo ni Brian sa asawa.

Hindi naman napigilan ng matanda na maiyak sa kanyang nakita kaya lumabas na lamang siya ng silid.

Nang magising ang matandang Samonte at nalamang nasa kulungan na ang anak at doon din siya dadalhin na hindi niya kayang tanggapin na makukulong siya ay bigla itong inatake sa puso at naging fatal ang atakeng iyon na naging sanhi ng kanyag pagpanaw.

Sabay ibinurol ang mag biyenan at hindi din ito pinatagal at inilibing kaagad.

Samantalang si Trina ay tila nawawala na sa katinuan dahil palagi na lang itong umiiyak, tumatawa at nagsasalitang mag-isa kaya inilipat na lamang ito sa mental hospital.

Makalipas ang isang linggo ay nakalabas na ng ospital si Aira. Masaya siya at nakauwi na rin siya sa mansyon. Naging okay na din ang matandang driver dahil daplis lang naman ang natamo nito.

Samantalang si Alex pagkatapos ng kanyang misyon ay napagdesisyonan na muna niyang magbakasyon na sinang ayunan naman ni Brian.

"Maraming maraming salamat sa lahat ng nagawa mo sa amin pare. Malaki ang utang na loob ko sa'yo."

"Para ano pa't naging mag bestfriend tayo pare. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang."

Sabay silang nagtawan.

"Hmpp ang saya niyo naman yatang dalawa." wika ng kakababa pa lang na si Aira na bakas parin sa mukha nito ang mga galos na gawa ni Trina.

"Nagkatuwaan lang kaming dalawa sweetheart." sabay halik sa labi ng asawa.

"Weeww! I'm out of here. Pinapainggit niyo na ako. Aalis na ako para hanapin ang kalahati ng aking tigang na puso."

Sa sinabi ni Alex ay napuno ng halakhakan ang loob ng mansyon na animoy walang mga pinagdaanang unos.

Nang makaalis na si Alex ay hinarap ni Brian si Aira.

"I love you with all my heart Aira." buong pusong wika ni Brian sa asawa.

"And I love you more Brian."

Saka sinilyuhan ni Brian ang naghihintay na labi ng asawa  ng isang halik na puno ng pagmamahal.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon