AGAD nagpunta si Aira sa pantalan ng ferry boat na siya niyang sasakyan patawid sa Isla. Habang naglalayag ay muling nanariwa sa isipan niya ang kaganapan sa opisina ng asawa na siyang dahilan kung bakit siya napilitang lumayo.
Pagkadating sa Isla ay hindi mapigilan ni Aira ang mapahanga dahil sa napakaganda ng paligid at napakapresko ng hangin na siyang nakakabuti sa kanyang pagbubuntis. Bigla siyang napahawak sa kanyang tiyan kahit hindi pa halatang dinadala niya ang anak nila ni Nrian.
"Baby pasensiya ka na sa Mama mo ha kung iniwan ko man ang Papa mo. Kailangan ko lang makalimot sa sakit na aking nararamdaman ngayon.
Mahal na mahal kita anak." naluluhang wika ni Aira habang himas himas ang tiyan.Dali-dali siyang sumakay sa pampasaherong sasakyan at nagpahatid sa isang beach. Nang makarating sa kanyang destinasyon ay agad siyang umarkila ng isang cottage. Balak niya mag-stay doon ng isang linggo.
Kinahapunan ay napagpasyahan ni Aira na mamasyal sa dalampasigan.
"Ang sarap siguro ng pakiramdam kung kasama kita Brian dito sa napakagandang Isla. Miss na miss na kita Brai." hindi mapigilang wika ni Aira.
'Kahit labis mo akong sinaktan ay hindi parin nawawala ang pagmamahal ko sa'yo at wala ng makakapalit pa sa'yo dito sa puso ko. Palalakihin ko ang anak natin na puno ng pagmamahal.'' naluluhang sambit ni Aira.
Labis ang pagkagulat ni Brian isang gabi ng madatnan niya ang kanyang mga magulang na prenting nakaupo sa sala at halatang hinihintay siya.
"Where have you been hijo?' tanong ng kanyang ina.
"Ma, Pa biglaan yata ang pag-uwi ninyo?" pag-iwas ni Brian sa tanong ng ina.
"Kailangan pa bang itanong iyan hijo?Siyempre uuwi kami dito dahil nandito ang aming unico hijo." sagot ng kanyang ama.
"What happen to you son?"
"Nothing Mom."
"Nothing? Try to look at yourself in a mirror son, ni hindi ka na nag-aahit at ang haba na ng buhok mo para ka nang ermitanyo." mahabang litanya ng kanyang ina.
Inakbayan naman siya ng kanyang ama at iginiya sa sofa para maupo.
"Son we know everything, kaya biglaan kaming napauwi dahil labis kaming nag-alala sa'yo." paliwanag ng kanyang ama.
"Pansamantalanv ako muna ang mamahala sa kompanya para makapag focus ka sa paghahanap sa asawa mo."
dagdag ng matandang lalaki."At ako naman ang bahala sa lahat ng preparation para sa church wedding niyo anak. Hindi ako papayag na hindi kayo makasal ulit ni Aira at isa pa nakakatampo ka, nag-asawa ka na pala hindi mo man lang pinaalam sa amin." nagtatampong sabad ng ina ni Brian.
"But she's gone Mom. Iniwan na niya ako."
Napailing naman ang kanyang ama.
"Hindi ganyan ang pagkakilala ko kay Brian Terrona. Nasaan na iyong Brian na matapang at hindi sumusuko? Ibang-iba na sa Brian na kaharap namin ngayon." dismayadong wika ng ama ni Brian.
"Anak alam kong mahal na mahal mo ang asawa mo. Huwag ka mawalan ng pag-asa anak. Hanapin mo siya, hanapin mo ang manugang ko." utos ng kanyang ina.
Napangiti na lang si Brian sa mga inakto ng kanyang mga magulang at bigla siyang nabuhayan ng loob.
Pagkatapos nilang mag-usap na tatlo at nagpasya ng magpahinga ang kanyang mga magulang dahil sa pagod pa ang mga ito mula sa napakahabang biyahe. Nagpasya na din siyang umakyat sa kanyang siid para magpahinga. Nakapag desisyon na din siyang pumunta ng Davao para doon hanapin ang asawa.
Kinabukasan, maaga pa lang ay nakahanda na si Brian para sa kanyang pag-alis papuntang Davao. Pagkababa niya ay naabutan pa niyang nag-aalmusal ang kanyang mga magulang.
"Magandang umaga for both of you Mom and Dad."
"Morning too son." sabay na wika ng dalawa.
"Come, join us hijo." yaya ng kanyang ama.
Habang nag-aalmusal ay hi di na napigilan magtanong ng kanyang ina.
"You're leaving son?"
"Yes Mom. Susubukan kong hanapin ang aking asawa sa Davao."
"Well, mabuti naman at nakapag desisyon ka na ng maayos." sabad ng kanyang ama.
"I need to Dad. Hindi ko hahayaan na tuluyang mawala si Aira sa buhay ko."
"Mabuti naman kung ganoon anak.
Just take care of yourself. If you need anything huwag kang magdalawang-isip tumawag, okay?""I will Mom. And thank you sa support ni binigay niyong dalawa ni Daddy sa akin."
Ngiti na lamang ang binigay na ganti ng kanyang mga magulang sa kanya. Pagkatapos kumain ay agad ding umalis si Brian.
Nang araw na ding iyon ay magkasamang nagpunta ang mga magulang ni Brian sa kompanya at laking gulat ng mga empleyado sa kanilang pagdating. Agad namang inipon ng matandang Terrona ang lahat ng empleyado upang ipaalam na siya muna ang pansamantalang hahawak sa kompanya habang busy pa ang kanyang anak. Ikinagagalak naman iyon ng lahat dahil alam nila kung gaano kabait ng matanda.
Habang busy si Mr. Terrona sa pakikipag meeting ay naiwan naman sa opisina ang ina ni Brian. Abala ito sa kakabuklat ng magazine. Naghahanap siya ng maganang traje de boda para sa kanyang manugang ng biglang bumukas ang pinto.
"And who the hell are you? Bakit ka nakaupo diyan sa upuan ni Brian?" nakataas kilay na wika ni Patricia.
Bigla naman sumunod ang sekretarya ni Brian.
"Ma'am sorry po pero nagpupumilit po siyang pumasok." paliwanag nito.
"It's okay, I can handle her."
Agad tumayo ang matanda at hinarap ang babae.
"And may i know kung sino ka?" tanong ng matanda kahit may hula na siyang ito ang dahilan kaya nagkagulo ang pagsasama ng kanyang anak at si Aira.
"I am Patricia, fiancee ni Brian. And you?" taas noong sagot niya sa kaharap.
"Pakkkk..." isang malutong na sampal ang binigay ni Mrs. Terrona dito.
"What the fuck!" wika ni Patricia habang sapo ang mukha.
"Ang kapal ng mukha mong sabihin na fiancee ka ng anak ko! Ganyan ka ba ka disperada at pumapatol ka sa taong may asawa na?" galit na wika ng matanda.
Bigla namang napahiya si Patricia dahil hindi niya akalain na ito pala ang ina ni Brian. Napakabata pa kasi itong tingnan.
"I...I'm sorry tita. Hindi ko kasi alam.."
kandautal na dipensa ni Patricia."Tantanan mo na ang anak ko dahil ako ang makakabangga mo pag patuloy mo pa siyang ginugulo! Maliwanag?" may diing wika ng matanda.
"I will tita, and I'm sorry."
Agad-agad itong lumabas ng opisina at walang lingon-lingon dahil sa sobrang pagkapahiya.
Napapangiti naman ang matanda dahil nagtagumpay siya sa pagdispatsa sa babaeng dahilan ng paglalayas ng kanyang manugang. Kahit hindi pa niya nakikita si Aira ay alam niyang mabuti itong tao.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...