NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
KALALAPAG pa lamang ng eroplanong sinasakyan nina Aira, Brian at Alex mula sa Davao. Habang naglalakad ang tatlo palabas ng paliparan ay hindi kaila kay Brian ang pananahimik ng asawa.
"Sweetheart, is there a problem?"
"Don't mind me Brai. Kinakabahan lang talaga ako kung ano ang magiging reaksiyon ng mga magulang mo pagdating natin doon."
"Sweetheart wala kang dapat ikabahala as i said mababait ang mga magulang ko, okay? At alam kong magugustuhan mo sila."
"Sana nga Brai matanggap nila ako."
"Kahit ano at sino ka pa Aira basta't mahal ko ay tatanggapin nila, okay!"
Hinalikan ni Brian ang asawa para mawala na ang agam-agam nito. Napapailing naman si Alex sa kasweetan ng dalawa ng biglang tumunog ang kanyang cellpone. Sinagot niya ang tawag at maya-maya pa ay kinausap niya ang mag-asawa.
"Pare hindi na ako makakasama sa inyo kasi tumawag si Papa at pinadidiretso na ako sa mansyon. May importante daw kaming pag-uusapan. Pakisabi na lang kay tita na dadalawin ko na lang sila some other time."
"Okay pare. Ikumusta mo na lang ako kay tito Lucio, at maraming maraming salamat sa tulong mo."
"Makakarating pare at saka huwag mo na isipin iyon para na rin kitang kapatid kaya dapat lang na magtutulungan tayo."
Nagyakapan ang magkaibigan ng magsalita si Aira.
"Magpapasalamat din ako sa'yo Alex sa lahat. Hindi ko alam kung paano kami makakabayad sa lahat ng tulong na nagawa mo sa amin ni Brian."
"Na huwag mo na isipin iyon Aira, ang mahalaga ay magkasama na kayo ulit.
Hmmp, pwede rin gawin niyo na lang akong ninong sa magiging anak niyo at bayad na kayo.""Oo ba at ikaw ang nangunguna sa listahan pare."
Sabay na lang silang nagtawanan. Maya-maya pa ay naghiwalay na din sila.
Magkahawak kamay ang mag-asawa habang papunta sa kinaroroonan ng driver nila Brian na siyang sumundo sa kanila.
Samantala abalang-abala naman sa paghahanda ang mga tao sa mansyon sa pagdating ng mag-asawa. Maraming putaheng pinaluto ang ina ni Brian. Maaga pa lang kasi ay tinawagan na ni Brian ang kanyang ina na sila ay uuwi na at sa mansyon na sila manananghalian kaya halos hindi na magkaundagaga ang ginang. Excited kasi siyang masilayan ang kanyang manugang.
Pagkahinto ng kotseng sinasakyan ng mag-asawa ay agad bumaba si Brian para pagbuksan ng pinto ang asawa. Hindi naman makapaniwala si Aira sa kanyang nakita. Nakangiting magulang kasi ni Brian ang una niyang nasilayan sa bukana pa lang ng mansyon.
"Napakaganda mo nga pala talaga hija. Masaya ako at sa wakas ay nagkita na din tayo. Ako nga pala ang ina ni Brian at mula ngayon Mama Victoria na ang itawag mo sa akin."
Niyakap si Aira ng kanyang biyenan.
"Salamat po Mama sa mainit na pagtanggap niyo sa akin."
"Hindi ka dapat magpasalamat hija. Mahal ka ng anak namin at masaya kami para sa inyong dalawa."
"Tama ang iyong Mama hija. Ako naman ang iyong Papa Dino at kung sakaling gagawa na naman ng kabulastugan itong anak ko huwag ka mahiyang magsumbong sa akin at ako na ang bahalang magparusa sa kanya."
"Papa naman ginagawa niyo naman akong masama sa asawa ko."
"Mabuti na iyong sigurado hijo."
Napuno ng halakhakan ang loob ng mansyon dahil sa kulitan ng mag-ama.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...