BISPERAS ng kasal nina Aira at Brian. Kampanteng nakaupo sa may hardin ang buong pamilya at kalong-kalong ni Aira ang kanyang anak at masaya silang nagkukwentohan.
"Aira hija, ikwento mo nga sa amin kung paano kayo nagkakilala nitong si Brian." clueless na tanong ng ama ni Brian.
Nabigla naman si Aira sa tanong ng biyenan kaya agad syang tumingin kay Brian upang magpasaklolo.
"Sweetheart it's about time to tell them everything." saad ni Brian sa kinakabahang asawa.
"Sa ano po..." nauutal na wika ni Aira. Kaya nagtataka naman ang kanyang mga biyenan.
"Hija, kung hindi ka pa handa magkwento don't force yourself okay. Kalimutan mo na ang tinanong ng iyong Papa."
"Ikaw naman diyan Dino ayusin mo iyang pagtatanung mo." sita ng ginang sa asawa.
"No Mama it's okay."
"Nagkakilala po kami ni Brian dahil sa isang pangyayaring..."
"Niloko po siya ng dating boyfriend niya Mama na sa kasamaang palad ay tauhan natin sa kompanya. Pinaasa siyang pakakasalan ngunit pinagpalit siya nito sa isang anak mayaman na si Trina Samonte, anak ng dati nating kasosyo. Nakita ko siya sa simbahan na umiiyak kung saan nagaganap ang kasal ng taong nanloko sa kanya mula noon hindi ko na siya tinantanan at inofferan ko siya ng kasal para makapaghiganti siya sa nanloko sa kanya but deep inside in my heart gusto ko lang siyang icomfort. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi kawalan ang dating nobyo niya dahil nandito ako na magmamahal ng tapat sa kanya." madamdaming sabad ni Brian sa sasabihin ng asawa.
Naluha naman si Aira sa katotohanang ngayon lamang niya nalaman ang tunay na motibo ni Brian kaya siya inofferan ng kasal noon.
Nakaramdam naman ng awa ang mag-asawa kay Aira ngunit masaya sila para sa dalawa dahil nakikita at naramdaman nila pareho na kapwa nagmamahal ng tapat ang dalawa.
"Parte lang iyan ng pagmamahal hija. Hindi mo makikita ang tunay na nagmamahal sa'yo kung hindi ka dadaan sa isang pagsubok gaya ng mabigo at masaktan."
"Tama ka diyan Mama. Wala akong pinagsisihan nang tinanggap ko ang alok ni Brian noon dahil sa kanya ko lang naramdaman ang walang hanggang pagmamahal." seryosong wika ni Aira na sa asawa nakatingin.
Bigla siyang hinalikan ni Brian sa labi kaya agad siyang namula dahil nahihiya siya sa kanyang mga biyenan.
"Aysus, huwag ka na mahiya hija kasi ganyan din kami ng Mama mo dati parang mga manok kahit saan nagtutukaan."
"Heh! Tumahimik ka nga diyan Dino!"
Napuno ng halakhakan ang harden dahil sa pagkukulitan ng mag-asawa.
Ngunit biglang natigilan si Aira ng mapadako ang paningin niya sa labas ng gate. Parang may nakita siyang babae na nanglilisik ang mata habang nakatingin sa kanila ngunit ng tingnan niya ulit ay wala na ito. Napansin naman siya ni Brian.
"Sweetheart may problema ba?"
"Ahmm wala naman sweetheart may naalala lang ako. Mauna na akong umakyat sa inyo Mama Papa kasi patutulugin ko lang po si Gab."
"Okay hija take your time."
Hinalikan ng mag lolo at lola ang kanilang apo bago umalis si Aira. Patuloy namang nagkwentohan si Brian at ang kanyang mga magulang.
Samantala hindi naman mapakali si Aira sa loob ng kanilang silid. Iniisip parin nuya ang kanyang nakita kanina kaya nagulat na lamang suya ng biglang pumasok ang kanyang asawa at agad suyang niyakap.
"Sweetheart may bumabagabag ba sa'yo?"
"Wala naman sweetheart. Bakit mo naman naitanong iyan?" pagsisinungaling ni Aira sa asawa.
"Wala naman, bigla ka kasing namutla kanina."
"Hmmp kalimutan mo na iyon sweetheart. Don't worry okay lang ako mahal ko."
"I can't help it sweetheart. Mahal na mahal lang po kita at isa pa kasal na natin bukas kaya ayokong nalulungkot ka."
"Hmmm ang sweet naman ng asawa ko. Mahal na mahal din kita Brai."
Kusang niyakap ni Aira ang asawa ngunit hindi parin maalis ang kabang kanyang naramdaman.
Kinagabihan habang masaya ang lahat sa loob ng mansyon ay may isang nilalang naman na kahinahinalang umaaligid sa labas. Hindi ito mapapansin dahil nakabalot ng itim ang buong katawan nito at naka bonnet pa ang ulo. Nang makalayo ito ay bigla na lamang itong humahalakhak na para bang wala ng bukas.
"Kunting tiis na lang Trina at mapapasakamay mo na ang iyong tagumpay hahahahahaha!"
"Hala sige magdiwang kayo ngayon dahil bukas ako naman ang hahalakhak. Samantalahin niyo na ang mga buhay niyo ngayon habang may oras pa dahil bukas lupa ang makikinabang sa inyong mga katawan! Hahahaha!" malademonyong tawa ni Trina habang nagmamaneho pabalik sa kanyang pinagtataguan tapos na niyang ihanda lahat ang kanyang mga kakailanganin. Ang tanging gagawin na lamang niya ay maghintay ng takdang oras.
Kausap naman ni Alex ng mga oras na iyon ang mga taong kanilang inopahan.
"May balita na ba kayo sa pinapahanap namin?"
"Boss pasensiya na pero hindi talaga namin makita. Halos nahalughog na namin ang buong siyudad ngunit wala talaga."
"Ganoon ba, sige bukas patuloy lang kayong magmanman sa paligid ha. Alam niyo na ang mga dapat niyong gawin."
"Yes boss."
"Okay sige pwede na kayo magpahinga para may lakas kayo bukas."
"Salamat boss."
Nang makaalis ang mga inupahan nina Alex ay agad niyang tinawagan si Brian.
"Pare anong balita?" bungad na tanong ni Brian.
"Pare negative, hindi nila nakita. Pero nag command na ako sa kanila na ipagpatuloy ang pag mamatyag bukas."
"Okay pare maraming salamat."
"Walang anuman pare, sige magkita na lang tayo bukas sa simbahan."
"Okay pare. Bye!"
Nang maputol ang tawag ay nahulog sa malalim na pag-iisip si Brian.
"Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa pamilya ko. Sana maging okay ang lahat bukas."
Hanggang sa makatulog na si Brian. Magkahiwalay sila ng silid ni Aira ng gabing iyon ayon na rin sa kagustuhan ng kanyang mga magulang.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
Lãng mạnISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...