9:45 AM
NASA LOOB na ng simbahan ang buong pamilya ni Brian pati ang kanilang anak ni Aira na si Gabriel na karga-karga ng mama ni Brian pati ang mga bisita ay nagsidatingan na din kasama na ang mga kaibigang agent ni Alex. Tanging ang bride na lamang ang hinihintay para simulan ang seremonya ng kasal pagsapit ng alas-diyes ng umaga.
Napakagwapo ni Brian sa suot nitong tuxedo at mababakas din sa mukha nito ang labis na kasiyahan sa pagpapakasal nilang muli ni Aira. Hindi rin pahuhuli ang tindig at porma nang kanyang bestman na si Alex.
"Pare relax lang, mukhang pinagpapawisan ka na diyan. Kanina ka pa hindi mapakali."
"Kinakabahan lang ako pare."
"Excited ka lang pare at wala kang dapat ikatakot dahil siguradong sisipot ang bride mo." biro ni Alex para mapakalma lang ang kaibigan.
"Ulol ka talaga pare." natatawang saad ni Brian.
"Bakit hindi mo na lang tawagan ang asawa mo?"
"Oo nga pare."
Habang nagdadial ay hindi parin nawawala ang naramdamang kaba ni Brian sa mga oras na iyon.
Samantala nasa loob na ng bridal car si Aira ng mga oras na iyon at tumawag si Brian.
"Sweetheart nasaan ka na?"
"Paalis na kami ng mansyon sweetheart papunta diyan."
"Okay sweetheart take care. I love you."
"I love you too Brai, see you there."
Nang maputol ang tawag ay medyo gumaan na ang pakiramdam ni Brian.
Sa kabilang banda habang lulan ng sasakyan si Aira ay bigla na lamang bumundol ang kaba sa kanyang dibdib. Naalala na naman niya ang nangyari noong nakaraang araw at iyong babaeng nakita niya kahapon. Nakaramdam siya ng kakaibang takot sa kanyang katawan at para sa kanyang pamilya.
Hindi pa sila nakakalayo sa mansyon ng biglang huminto ang kotse.
"Manong bakit po tayo huminto?"
"Ma'am mukhang naflatan po tayo. Sandali lang po at papalitan ko lang ang gulong."
"Ganoon po ba. Pakibilisan lang po Manong."
"Opo Ma'am."
"Hijo bakit wala pa si Aira?"
Parating na po siya Mama, kakatawag ko lang sa kanya."
"Ganoon ba, oh siya sige babalik na lamang kami ni baby Gab sa upuan."
"Okay Mama."
Lalong lumala ang naramdamang kaba ni Brian ng mga oras na iyon kaya tinawagan niya uli ang asawa.
"Sweetheart bakit wala pa kayo?"
"Sandali lang sweetheart. Pinalitan pa ni Manong ang gulong ng kotse, naflatan kasi kami. Huwag kang mag-alala okay. Darating ako diyan mahal ko."
"Labis lang kasi akong nag-alala sa'yo sweetheart."
"Okay sige sweetheart mukhang tapos na si Manong."
"Okay sweetheart, take care."
"I will sweetheart."
Medyo kumalma na si Brian.
"Relax lang pare."
"Salamat pare."
Walang kaalam-alam ang lahat na sinadya ni Trina ang pagbutas sa gulong ng kotseng sinasakyan ni Aira.
Nang makapasok sa sasakyan ang driver ay agad din nitong pinatakbo ng matulin ang kotse paalis sa lugar na iyon.
"Manong dahan-dahan lang po sa pagpapatakbo baka mabangga pa tayo."
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...