Kabanata 25

28 2 0
                                    

NAGISING si Aira sa isang hindi pamilyar na silid. Saka pa lang niya napagtanto na nasa hospital siya ng may nurse na pumasok. Nang maalala niya ang mga nangyari ay bigla na lamang nagwawala at nagsisigaw at  pinagtatanggal niya ang lahat ng aparatong nakakabit sa kanyang katawan. Agad namang tinawag ng nurse ang Doctor na naka assign kay Aira at pinagtulungan nila itong hawakan.

"Bitiwan niyo ako! Gusto ko nang mamatay! Wala ng silbi ang buhay ko dahil wala na ang pamilya ko!" histirikal na sigaw ni Aira.

Agad naman siyang tinurukan ng pampakalma at pampatulog ng Doctor. Maya-maya lang ay unti-unti ng nanghina si Aira at dahan-dahang pumikit ang kanyang mga mata ngunit bago tuluyang sumarado ang talukap ng kanyang mga mata ay may isang bulto ng tao siyang naaninag na palapit sa kanya na may kargang bata.

"Brii...aan."

"Gab..riel."

Nakuha pang bigkasin ni Aira ang pangalan ng kanyang asawa at anak habang unti unting bumababa ang kanyang mga kamay para sana abutin ang mga ito ngunit tuluyan na siyang ginupo ng antok.

Alalang-alala naman si Brian sa kanyang asawa dahil bigla itong nagwawala kaya dali-dali siyang bumalik sa silid nito at naabutan nga niyang tinarakan na ng pampatulog ng Doctor ang asawa saka muling ikinabit ang mga aparatong pinagtatanggal ng kanyang asawa.

Mahigit isang linggo na ding walang malay si Aira matapos itong maoperahan at matanggal ang bala sa kanyang tagiliran.

FLASHBACK

"Pare may dapat kang makita."

"Pare wala na akong panahon sa anu pa man. Kailangan kong hanapin ang aking asawa."

"Pare napaka importante nito." giit ni Alex kaya napilitang sumunod si Brian sa kaibigan papunta sa kinaroroonan ng ibang agent.

"Pare you must see this."

Nanlaki ang mata ni Brian ng tingnan niya ang itinuro ng kanyang kaibigan.

"Oh my God!"

"At hindi lang iyan nag-iisa. Lahat ng parti ng simbahan ay may nakatanim na bomba and we have only five  minutes to evacuate."

"Shit!"

"Kailangan ipaalam na natin sa lahat pare."

"Okay pare let's go guys. We have no more time kaya kailangan nating magmadali."

Nang malaman ng mga bisita na may mga bomba sa loob ng simbahan ay agad silang nagpanic ngunit inalalayan parin ng mga agent ang mga bisita para makalabas ng simbahan. Hinanap din ni Brian ang kanyang ina at ama at ng makita ito ay agad niyang kinuha ang kanyang anak. Iginiya ang mga ito sa paglabas.

Inalalayan naman ni Alex ang matandang pari at mga sakristan para makalabas ng simbahan bago matapos ang kanilang oras.

Sakto namang nakalabas at nakapagtago na ang lahat ng sabay na sumabog ang simbahan at ang mga sasakyang naka hilera sa harap nito. Maya-maya lang ay nakarinig din sila ng isang putok ng baril at hindi nagtagal ay may bumagsak na katawan mula sa rooftop ng lumang building kung saan sila naroon.

Dali-daling binigay ni Brian ang kanyang anak sa kanyang mama at nilapitan ang katawan. Laking gulat niya ng makilala ito.

"Trina!"

Nakahandusay ang wala ng buhay na katawan ni Trina at sa tabi nito ay ang kalibre 45 na baril. Agad tinakbo ni Brian ang hagdanan papunta sa rooftop nagbabakasakaling makikita doon ang asawa ngunit bigla na lang siyang nanlumo dahil sapatos na lamang ng kanyang asawa ang nandoon. Agad siyang sumilip at tiningnan ang baba ng simbahan at ganoon na lamang ang panggilalas ni Brian ng makita ang kanyang asawa na nakahandusay sa harap ng sumabog na simbahan. Mabilis ang ginawang pagtakbo ni Brian pababa papunta sa kinaroroonan ng asawa.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon