Kabanata 26

28 2 0
                                    

KINABUKASAN habang nasa loob ng banyo si Brian ay bigla na lang nagising si Aira na tulala at wala sa sariling tinanggal niya ang dextrose na nakakabit sa kanyang kamay at agad na bumaba sa kama at diretsong naglakad palabas ng silid habang nag-uunahang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Pagkalabas ng silid ay ang daang paakyat sa hagdan papuntang rooftop ng ospital ang kanyang tinatahak. Pagkarating sa taas ay bigla na lamang siyang napahagulgol at nagsisigaw habang nakaluhod.

"Briiiaaaaannn!"

"Gabriiieeelll!"

"Huwag niyo akong iwan!" hinagpis ni Aira sa pag-aakalang wala na ang kanyang mag-ama.

"Mahal ko sasama ako sa inyo. Hintayin niyo ako. Wala nang saysay ang buhay ko kung wala kayo sa tabi ko Brian, Gabriel anak ko."

Biglang tumayo si Aira at dahan-dahang naglakad papunta sa gilid ng rooftop. Mas gugustuhin pa niyang mawala sa mundo kaysa mamuhay na wala na ang dalawang pinaka importanteng tao sa kanyang buhay.

Samantala pagkalabas ni Brian sa banyo ay labis ang takot na kanyang naramdaman ng hindi na niya makita ang asawa. Agad siyang tumakbo palabas ng silid at nagpunta sa nurse station para magtanong.

"Nurse nakita niyo ba ang asawa ko? Nawawala kasi siya sa kanyang silid!"

Tarantang-taranta na si Brian.

"Naku hindi po sir!" gulat na wika ng nurse.

Agad tumakbo si Brian palapit sa guard.

"Guard may nakita ka bang pasyente na lumabas dito?"

"Wala po sir, wala pa pong lumabas na pasyente kahit isa ngayong araw."

Halos masiraan na ng bait si Brian dahil hindi niya makita ang asawa. Agad niyang tinawagan ang kanyang Mama at si Alex para ipaalam sa mga ito ang pagkawala ni Aira.

Tumulong na din ang mga guwardiya at nurses sa paghahanap ngunit hindi talaga nila makita. Hanggang sa maisipan ni Brian na puntahan ang rooftop. Halos liparin na niya ito para lang makarating kaagad sa taas.

Pagkabukas ni Brian sa pinto ay sobrang takot ang kanyang naramdaman ng makita ang kanyang asawa na nakapatong na sa harang at handa na sanang tumalon.

"Huwaaaaaagg!" sigaw ni Brian na ikinalingon naman ni Aira.

"Sweetheart please bumaba ka diyan. Huwag mo akong iwan."

Umiiyak na si Brian habang dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ni Aira.

Hindi naman makapaniwala si Aira sa kanyang nakita.

"Briaann." mahinang usal ni Aira at nag-uunahan ng pumatak ang kanyang mga luha at dahan-dahang bumaba para lumapit sa asawa.

"Mahal ko buhay ka. Hindi mo ako iniwan."

Ang iyak ni Aira ay naging hagulgol na habang hinahawakan ang mukha ng asawa.

"Hindi mahal ko. Kailan man ay hindi kita iiwan Aira. Mahal na mahal kita."

Mahigpit na niyakap ni Brian ang humahagulgol na asawa.

"Pero nakita ko Brai, nakita ko ang pagsabog ng simbahan." nagawa paring magsalita ni Aira sa gitna ng kanyang paghikbi.

"Oo sweetheart pero bago pa sumabog ang simbahan ay nakalabas na kami lahat pati ang mga bisita. Napansin kasi ng isa sa mga kasamahang agent ni Alex na may mga bomba sa loob kaya agad kaming lumabas lahat bago pa ito sumabog." mahabang paliwanag ni Brian.

"Si Trina mahal ko, siya ang may kagagawan ng lahat. Siya ang dumukot sa akin. Nang makita kong sumabog ang simbahan ay para na akong nasiraan ng ulo at nakipag agawan na ako ng baril kay Trina at sa kasamaang palad ay ako ang natamaan ng pumutok ito."

"Alam ko mahal ko at huwag ka nang mag-alala kasi wala ng manggugulo sa atin kasi patay na si Trina."

"Patay na si Trina? Napatay ko si Trina mahal ko! Isa na akong mamatay tao. hindi! Hindiiiiii!" pailing-iling na sabi ni Aira.

"No Aira, hindi ka mamamatay tao. Aksidente lamang mahal ko ang pagkamatay niya. Nahulog siya mula sa rooftop na siyang ikinamatay niya."

"Tinulak ko siya Brai. Tinulak ko siya!" nanghihinang saad ni Aira.

"Hindi mahal ko self-defense lamang ang ginawa mo, okay! Wala kang kasalanan sweetheart."

Hinagkan ng mariin ni Brian ang umiiyak na asawa at mahigpit na niyakap.

Bigla namang nawalan ng malay si Aira dahil sa hindi pa ito lubusang magaling kaya agad itong pinangko ni Brian at dali-daling bumaba papunta sa silid ng asawa para matingnan ng Doctor.

Pagkababa ni Brian ay siya namang pagdating ng kanyang mga magulang dala ang kanyang anak at si Alex. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang labis na pag-alala. Pagdating sa silid ay agad niyang inihiga sa kama ang walang malay na asawa.

Agad namang dumating ang Doctor at mga nurses upang suriin si Aira. Lumabas si Brian upang puntahan ang kanyang mga magulang.

"Son ano ba talaga ang totoong nangyari?" nag-alalang tanong ng ginang

"Ma, balak sanang magpakamatay ni Aira sa pag-aakalang hindi tayo nakaligtas sa pagsabog. Buti na lang naabutan ko. Kunting-konti na lang talaga Ma, Pa kung nahuli pa ako baka isa ng malamig na bangkay ang asawa ko ngayon." umiiyak na kuwento ni Brian.

"Diyos kong mahabagin. Kawawa naman ang manugang ko." niyakap ng ginang ang anak.

Hindi ko kakayanin Mama kung nawala talaga sa akin ang aking asawa. Kasalanan ko ito kasi hinayaan ko siyang mag-isa."

"No, anak hindi mo ito kasalanan. Walang may kasalanan sa inyong dalawa. Biktima lamang kayo pareho." alo ng kanyang Papa.

Awang-awa naman si Alex sa kaibigan. Tinapik na lamang niya ang balikat nito bilang suporta habang karga niya ang anak nitong si Gabriel.

Nang makalabas ang Doctor ay agad din pumasok ang tatlo at diretsong nilapitan ni Brian ang natutulog na asawa at hinawakan ang kamay at dinala sa kanyang labi upang halikan.

"Magpagaling ka na mahal ko.
Namimiss ka na namin ni Gab."

Naluluha naman ang ginang habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Ilang sandali pa ang lumipas at nagising na si Aira.

"Brian mahal ko."

"Sweetheart is there something wrong? May masakit ba sa'yo at tatawagin ko ang Doctor?" puno ng pag-alalang tanong ni Brian sa asawa.

"No wala naman. Gusto ko lang masiguro na buhay ka nga. where's Gabriel?"

Lumapit ang ginang sa higaan ni Aira dala-dala ang anak nito.

"Gabriel anak ko, buhay ka! Ang saya-saya buo parin ang pamilya ko."

Umiiyak si Aira habang pinapaliguan ng halik ang anak. Hindi naman nakatiis si Brian at niyakap niya ng buong higpit ang kanyang asawa't anak.

Hindi rin napigilan ng mga magulang ni Brian pati si Alex ang mapaluha sa nasaksihan.

"Salamat at tapos na din ang unos sa buhay pamilya ng kanyang matalik na kaibigan na si Brian." sa isip ni Alex.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon