ARAW ng paglabas ni Aira sa ospital. Kahit hindi pa siya lubusang magaling ay nagpupumilit na itong makalabas at makauwi ng mansyon dahil pakiramdam niya ay mas lalo siyang manghihina pag magtagal pa siya sa ospital. Wala na ring nagawa si Brian kundi sang ayunan ang gusto ng asawa. Nag hire na lang siya ng private nurse para masiguro ang mabilisang pag-galing ng pinakamamahal na asawa.
Napag-usapan na din ng buong pamilya na sa susunod na taon na lamang ipagpatuloy ang naudlot nilang kasal dahil marami pa ang kailangang ayusin. Kagaya ng pagpapatayong muli sa sumabog na simbahan.
Ang pamilya nina Brian na ang gumastos sa lahat ng kakailanganin para maipatayong muli ang simbahan at gusto rin ni Aira na sa simbahang iyon parin sila ikakasal kaya puspusan ang mga trabahador sa pagtatrabaho para matapos sa tamang oras ang simbahan.
Sina Brian na din ang nagpalibing kay Trina dahil wala na itong ibang pamilya na mag-aasikaso sa bangkay nito. Itinabi nila ito sa puntod ng kanyang ama at asawa.
Kasama si Alex sa pagsundo kay Aira sa ospital ng araw na iyon.
"Alex maraming-maraming salamat sa pag donate mo ng dugo sa akin. Utang ko sa'yo ang buhay ko."
"Huwag mo nang isipin iyon mare. Ayaw mo noon para na tayong magkapatid dahil dugo nating dalawa ang nanalaytay diyan sa katawan mo. Ganito na tayo ka close ngayon oh." biro ni Alex na pinagdikit pa ang dalawang daliri nito na ikinatawa nilang dalawa.
Napasimangot naman si Brian sa nakikitang closeness ng dalawa.
"Heeep, Pare pano naman ako? Dapat kami ang magkadikit ng asawa ko ikaw ang sa likod ko." nakangusong pahayag ni Brian at hindi napigilan ng tatlo ang mapahalakhak.
Binuhat ni Brian ang asawa palabas ng kwarto nito sa hospital at si Alex naman ang nagdala ng kanilang mga gamit.
"Sweetheart ibaba mo na lang ako. Kaya ko namang maglakad eh. Nakakahiya sa mga tao na nakakakita sa atin. Isa pa tingnan mo si Alex halos oh hindi na magkaundagaga sa dami ng dala niya.
"Hmmp hayaan mo siya. Sweetheart kaya na niya iyan. Isa pa ayaw kong mapagod ka, okay! Diba pare?"
"Ang alin pare?" biro namang sagot ni Alex kahit naririnig niya ang pinag-usapan ng dalawa.
"Ikaw talaga mahal ko. Mahal na mahal lang kasi kita asawa ko."
"Pare ang dami naman yatang langgam na nakasunod sa'yo." pigil tawa ni Alex
"Ha! Asan pare?" umiikot na tanong ni Brian habang buhat-buhat ang asawa.
Hindi na napigilan ng paghagalpak ng tawa ni Alex pati si Aira ay natawa na din sa reaksyon ni Brian.
Nang mamalayang gino good-time lang pala siya ng kaibigan ay natawa na din si Brian.
"ULOL!"
"Anak ka ng talaga ni Don Lucio like father like son."
"Hep! Hep! Mas gwapo ako doon."
Walang tigil ang kulitang ng magkaibigan hanggang sa makasakay na sila sa sasakyan at makarating sa mansyon.
Tuwang tuwa naman ang ang mga tao sa mansyon ng makarating sila Brian. Maraming pagkain ang pinahanda ng mama ni Brian bilang pasasalamat sa pag-galing ng manugang. Mahigpit na niyakap ng ginang si Aira ng makaupo na ito sa sofa.
"Hija masayang-masaya ako at magaling ka na. Labis mo kaming pinag-alala noong bigla ka na lang nawala sa silid mo."
"Pasensya na po kayo Mama. Depress lang kasi ako masyado nang panahon na iyon sa pag-aakalang wala na kayo." naluluhang saad ni Aira.
"Naku huwag na nga nating pag-usapan iyan kasi naiiyak na naman ako eh." natatawang saad ng ginang pero hindi parin napigilan ang pagtulo ng luha.
"Mama bukas po darating dito ang private nurse na nirekomenda ng ospital para mag-alaga kay Aira kaya ipahanda niyo na lang iyong isang guest room."
"Bakit ba kasi nagkuha ka pa ng nurse sweetheart eh kaya ko naman. Isa pa magaling na ako."
"Oo nga naman hijo, nandito rin naman kaming dalawa ni Manang Mila mo. Kaya naman naming alagaan ang manugang ko."
"Mama mas mabuti na po iyong nurse talaga ang mag-alaga sa asawa ko dahil mas alam po nila ang kanilang gagawin."
"Oh siya ikaw ang bahala. Ipapahanda ko na lang mamaya sa katulong ang isang guest room."
"Salamat Mama. Maghahanap din tayo ng magiging yaya ni Gab at walang aangal!" maawtoridad na wika ni Brian.
"Hay ano pa nga bang magagawa namin eh inunahan mo na kami." reklamo ni Aira na ikinatawa ng lahat.
"Maalala ko nga pala hijo, nasaan na ba si Alex eh nandito lang iyon kanina."
"Oo nga Brai pati po si Papa at baby Gab ay hindi ko nakikita." nagtatakang tanong ni Aira.
"Oo nga hindi ko rin napansin. Napadako na lang ang tingin nila sa may kusina ng nag-iingay bigla ang mga kobyertos."
"Hmmmpp, mukhang alam ko na." wika ng ginang at inaya na rin niya ang dalawa na pumasok na sa komedor para kumain.
"Langya ka naman pare oh kala pa naman namin kung nasaan na kayong tatlo." reklamo ni Brian ng maabutang kumakain na pala sina Alex at ang kanyang ama habang kalong si Gab sa hita nito.
"Paano nagkukwentohan pa kasi kayo eh nagugutom na kami." sagot ng ama ni Brian.
"Pare, Mare, Tita upo na kayo. Huwag na kayo mahiya, kain na tayo." natatawang wika ni Alex na ikinatawa ng lahat.
"Hindi talaga maipagkakaila na anak ka ni Don Lucio Montiero Alex." natatawang wika ng ginang na ikinabigla naman ni Aira pagkarinig sa pangalang binanggit ng kanyang biyenan ngunit hindi niya ito pinahalata sa kanila.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...