Chapter 7

732 22 9
                                    

Concern 

Alam kong sakit ng ulo ang aabutin ni Russel Hermedilla dahil sa ginawa ko... at sa kasinungalingang sinabi ko. Tinulungan niya ako, pero hindi ko mapigilan ang sama ng loob ko dahil mukhang hindi siya naniwala sa sinabi ko.

"Umuwi ka na?! Ba't nawala ka? Bakit... nagkakagulo rito?"

Dinig ko ang taranta at pagkakalito sa boses ni Denise mula sa tawag. Nakaupo ako sa sahig, nakasandal sa gilid ng kama.

Nagkakagulo roon?

Napapikit ako nang mariin nang mapagtanto kung gaano kalala ang ginawa ko. Sinuntok ko si Don Paulo! Tapos sinabi ko pa na girlfriend ako ni Russel Hermedilla sa mga guards. Talagang magkakagulo roon!

"Ang daming guards dito sa drawing room. Mukhang walang alam sa nangyayari 'yong ibang bisita. Pinalabas na rin kami..."

Sinapo ko ang noo ko. Malala ang ginawa ko, pero malala rin ang ginawa sa akin. The woman accused me of something without proper investigation, and she humiliated me in front of everyone. I didn't punch the old man for fun or out of petty reasons. I punched him because he touched me, and he showed no remorse!

Kung sasabihin nila sa akin na sana nireklamo ko na lang, talaga bang maniniwala ako na pakikinggan ako kapag nireklamo ko ang isang maimpulwensiyang tao sa industriya?

Bahala na kung masisante ako. Nag-iipon ako para makapag-aral na next year pero gaya ng dati, gagawan at gagawan ko ng paraan. Maghahanap ako ng sandamakmak na trabaho!

"May mga dumating din na tauhan si Russel Hermedilla. Guards yata 'yon? O sekretarya niya? Basta ang daming mga unipormadong tao! Nag-uusap sila roon noong lumabas kami!"

"Pasensya na, Denise. Oo, nasa bahay na ako."

"Ayos ka lang ba? Pupuntahan ka namin d'yan! Gamutin natin ang tuhod mo-"

"Hindi na," agap ko. "Matutulog na ako. Ipapahinga ko lang 'to. Tawagan na lang kita bukas."

Agad kong pinatay ang tawag. Napahilamos ako sa mukha ko. Ako ang naagrabyado nang husto ngayong gabi, pero ako ang namomroblema nang husto. Paniguradong hindi nila palalagpasin ito. Lalo na ng mga Arguelles.

Hindi na ako magugulat kung kasuhan nila ako. O may pulis na kumatok sa akin para kunin ako. Paniguradong pinag-uusapan ako ng lahat. At baka... sisantehin din ako ni Miss Marielle dahil hindi ako magandang imahe sa mga kliyente niya.

But then, I woke up the next day to a strangely peaceful day. Halos tanghali na ako gumising pero wala pa ring kumakatok sa pintuan ko? Walang mga pulis? O guards?

Kinuha ko ang cellphone ko. Puro missed calls iyon nila Denise, Audrey, Ronnie, at Loco. Walang kahit ano mula sa mga Arguelles... o kay Anita?

Sinubukan ko ring isearch ang pangalan ko sa google at sa social media, walang kahit ano tungkol sa nangyari kagabi.

Kumunot ang noo ko. Pinoproseso pa lang ba nila ang kaso? Pinapahanap ba nila ang bahay ko? Pero sa yaman at impluwensiya nila, kayang kaya nilang gawin iyon sa isang pitik lang ng daliri.

"Uy, Imara, ayos ka lang?" tanong ni Bibo.

Tumango lang ako. Kanina pa ako pinagtitinginan ng mga kasamahan ko sa restaurant pero hindi ko pinapansin.

Hindi ako nakauniporme dahil wala akong balak na pumasok. Pumunta lang ako para maayos na kausapin ang manager, humingi ng paumanhin, at magresign na rin. Tutal sisisantehin din naman ako.

"Imara, pasok ka na raw..."

Taas-noo akong pumasok sa opisina ng manager. I was expecting her to shout at me the moment I stepped into her office, or at least flash a grimace look. But she looked calm.

The Lies of a Kiss (Casa Fuego Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon