#Red
Nakatulog naman ako ng mahimbing, hindi ko alam na soundproof pala ang kwarto kapag ganitong mansyon. Pero kapag binukas ang pintuan tyaka ko lang naririnig ang mga ingay sa ibang sulok. Grabe, parang maaddict yata ako pumunta punta rito ah.
Kasalanan naman niya 'yon eh, pinapunta punta niya ako rito at magdusa siya! Tumingin ako sa orasan at doon ko lang napagtantong mag-aalas nuwebe na pala. Panigurado akong hinahanap na ako nila Azel kapag hindi nila ako naabutang katabi niya.
Ano kaya ang ipapalusot ko?
"Maam, umalis po ng maaga si Sir Cutler. May aasikasuhin daw po muna siya," sambit ng matandang babae na hindi ko alam ang pangalan.
Pero mas maganda 'yon diba? Makakapaglagi ako rito at kakain ng gusto ko, hindi baleng mamroblema si Doc sa akin ayos lang 'yon wala pa naman akong kain simula kagabi. Mamaya maya nalang ako dadalaw kay Nanay, hindi pa naman tumatawag si Vincent para magbantay sa kaniya.
"Naku, Manang oks lang sa akin 'yon. Uhm, ako po pala si.... Lesha Liesiah, Leslie for short," pakilala ko rito at naglahad ako ng kamay.
Naiilang na kinuha niya ang aking kamay para tanggapin 'yon, pero sa akin naman walang wala ako kumpara sa kaniya. Baka nga akalain niya na may relasyon kami ni Doc pero sana nga meron eh, huwag na sa iba.
"Melchora po ang pangalan ko, Maam. Melchor for short," sambit naman nito at parang ginaya rin ang kung paano ko binigkas ang salitang 'short'.
Natawa ako at kaagad na ngumiti, kapag naging mag-asawa kaming dalawa ni Doc mas tataasan ko pa ang sweldo nito. Hindi naman nagtagal at hindi na ako nangangapa sa mga trabaho rito. Mas maganda pa yatang maglinis nalang dito dahil libre ang pagkain, hindi ka pa nababastos.
"Maam, may relasyon po ba kayong dalawa ni Sir Cutler?" tanong niya habang nagluluto ito. May mga dumadaang katulong at parang masama yata ang tingin nila sa akin. Hindi ko naman sila inaano, napairap naman ako sa kawalan. Pero hindi ko intensyong ipakita 'yon kay Manang Melchor.
"Opo, Manang." Tumingin pa ulit ako sa babaeng napabagal sa ginagawa. "Uhm, girlfriend niya po ako."
"Kaya pala, ngayon lang po kami nakakita ng babaeng inuwi niya gabing gabi. Bukod po kay Maam Rosset hindi na po siya nagpapapasok ng ibang babae, ngayon ay alam ko pong napakaganda ng girlfriend niya," kwento niya pa.
Kung alam mo lang, masungit 'yon sa akin. Kulang na nga lang tarayan niya ako buong araw, sa sobrang sungit dinaig pa may regla.
"Opo, si Maam Rosset po 'yung kaibigan ni Doc? 'Yung malaki po ang dyoga?" tanong ko pa ulit dito at napatawa habang umiiling naman.
"Opo, Maam. Hindi baleng maliit ang dyoga, may magpapalaki naman niyan."
Napathumbs-up ako sa sinabi niya, at medyo kinabahan ako ron. Naalala ko na naman kasi ang nangyari sa amin nung sixteen years old palang ako, lalo na kapag mag didisi-otso na ako sa isang linggo.
YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...