MATAPOS ang pangyayaring iyon ay mas lalo pang minahal ni Brian ang asawa. Hindi lang talaga siya makapaniwala na ganoon pala katapang ito. Napapangiti siya sa tuwing maalala ang ginawa ng kanyang mahal na asawa.
Abala si Aira sa paglilinis ng kanilang silid mag-asawa ng mapansin niya ang kanyang mga lumang gamit na dala-dala pa niya mula Davao. Kinuha niya ito at isa-isang binuksan. Napapangiti na lamang siya ng maalala ang mga lumang bagay na pinaka ingat-ingatan niya na bigay pa ng kanyang namayapang ina. Nang bigla niyang maalala ang huling sinabi ng kanyang biyenan noong naghapunan sila kasama si Alex.
"Don Lucio Montiero. Ang pangalang iyon ang palaging binabanggit ni inay bago siya binawian ng buhay. Sino kaya siya sa buhay ni inay?" nalilitong tanong ni Aira sa sarili.
Biglang sumagi sa isipan ni Aira ang matalik na kaibigan ng kanyang ina na nakatira parin sa Davao. Kailangan niya itong makausap. Sigurado siyang may alam ito tungkol sa nakaraan ng kanyang ina. Kailangan niyang umuwi ng Davao para madalaw din niya ang puntod ng kanyang inang si Josephine.
Kinagabihan ay kinausap ni Aira ang kanyang asawa.
"Sweetheart."
"Hmmm, ano iyon sweetheart?"
"Maari bang magpunta muna ako ng Davao? Gusto ko sanang dalawin ang libingan ni inay. Matagal-tagal na din kasi akong hindi nakapunta doon."
"Ganoon ba mahal ko, walang problema magpapabook ako ng ticket natin sa sekretarya ko bukas para sa ating apat."
"Apat?"
"Oo, hindi naman yata maganda na umalis kang mag-isa. Siyempre sasama kami ni Gab at isama na din natin ang yaya ni Gab na si Sally para naman makadalaw din kami kay inay."
"Thank you so much sweetheart. Napakasaya ko."
"Siyempre gagawin ko po lahat ng makapagpapasaya sa'yo mahal ko."
"I love you so much mahal ko."
"And i love you more sweetheart."
Ginawaran ng halik ni Brian ang labi ng asawa at magkayakap na natulog ang dalawa na kapwa may mga ngiti sa labi.
Kinabukasan ay naging abala na si Aira sa paghahanda ng kanilang mga gamit na dadalhin papuntang Davao. Gustong-gusto sana ng kanyang mga biyenan na sumama ngunit walang maiiwan sa kompanya at ang ginang naman ay nagiging abala na din para sa paghahanda sa kasal nina Aira at Brian. Malapit na kasing matapos ang pinagawang simbahan.
"Naku hija, gustong-gusto kong sumama ngunit hindi ko maaring iwan ang ginagawa ko." wika ng ginang
"Sa susunod na lamang po Mama, tayong buong pamilya pupunta ng Davao."
"Magandang ideya iyon anak. Pagkatapos ng kasal pupunta tayong lahat doon para makapag relax." excited na wika nito."
"Oo nga Mama."
Kinabukasan ay maagang umalis ang mag-anak papuntang airport. Inihatid sila ng mga magulang ni Brian.
"Naku mamimiss kita apo ko. Sally alagaan mong mabuti ang apo ko ha. Huwag na huwag mo siyang pababayaan."
"Opo senyora, huwag po kayong mag-alala aalagan ko pong mabuti si baby Gab." sagot ni Sally dito.
"Brian, Aira mag-ingat kayo doon ha at huwag kayo magtatagal dahil baka susugod ako bigla doon. Alam niyo naman na ayokong malayo ng matagal sa apo ko."
"Opo Mama sandali lang kami doon." wika ng natatawang si Brian.
"Hijo, tawagan niyo agad kami kung may problema, at gaya ng sinabi ng Mama niyo huwag kayo magtatagal kasi mamimiss ko ang apo ko." sabad ng papa ni Brian.
"Senyora sumama na lang kaya kayo ni senyor para hindi na kayo malungkot. Ang drama niyo kasi eh ang lapit lang naman ng Davao." sabad ng natatawang si Sally.
"Heh! Tumahimik ka diyan Sally. Huwag mo akong pagtawanan alam mo namang mahal na mahal namin ang aming apo." wika ng ginang na ikinatawa ng lahat. Natigil lamang ang kanilang tawanan ng tinawag na ang kanilang flight number.
"Sige Mama, Papa alis na kami baka maiwan pa kami ng eroplano."
"Okay anak mag-ingat kayo ha."
Hinalikan muna ng mag-asawa ang kanilang apo bago nila pinaalis ang mga ito.
Davao International Airport,
Masayang-masaya si Aira pagkalabas nila ng airport. Agad silang pumara ng taxi at nagpahatid sa isang hotel. Hindi muna sila tumuloy sa kanyang bahay dahil kailangan pa itong linisan sa tagal na itong hindi natirhan. Siguradong puno na ito ng alikabok.Nagpahinga muna sila ng araw na iyon. Kinabukasan na ang plano nilang paglilinis bago sila magpunta sa puntod ng kanyang ina ngunit kailangan din niyang puntahan ang bahay ng matalik na kaibigan ng kanyang inay na si Maribelle Quintana Gallaron, para kausapin tungkol sa nakaraan ng kanyang ina at ni Don Lucio Montiero.
Habang magkatabing nakahiga sa kama ng mag-asawa ay inopen ni Aira ang kanyang planong pakikipagkita sa kaibigan ng kanyang inay at pumayag naman si Brian ngunit sasamahan umano siya nito at kukuha na lamang sila ng tao na maglilinis sa kanyang bahay..
Madaling araw na ngunit hindi parin dalawin ng antok si Aira. Tulog na tulog na ang kanyang asawa kaya nagpasya na lamang siyang bumangon at naupo sa may couch at malalim na nag-isip.
"Paano kung siya ang ama ko? Paano kung anak ako ni Don Lucio? Ibig sabihin kapatid ko si Alex?"
"Kahit minsan ay hindi ko nakita ang aking ama. Ang palaging sinasabi lang ni inay ay nasa malayo daw."
"Hay naku sumasakit na ang ulo ko. Bukas malalaman ko din ang katotohanan kung sino talaga ang aking ama."
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomansaISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...