THE WEDDING
ISANG napakagandang araw, maaliwalas ang panahon, malamig ang simoy ng hangin na sinasabayan ng mabangong halimuyak ng mga bulaklak na galing sa loob ng simbahan.
Araw ng pinakahihintay ng lahat ang pag-iisang dibdib nina Aira at Brian. Puno ng naggagandahang bulaklak na pinasadya pa talaga ng mama ni Brian sa ibang bansa. Ang perpektong pagkakaayos ng bagong simbahan na hindi mababakasan ng mumunting sira dulot ng nakaraang trahedya. Ang napakagandang altar kung saan haharap at magsumpaan sa harap ng Panginoon ang ikakasal.
Mababakas sa mukha ni Brian habang nakatayo malapit sa altar, ang walang pagsidlan na kaligayahan while waiting for her bride to come. Katabi nito ang matalik na kaibigan at bayaw.
"Nervous? " puna ni Alex sa kaibigan.
"Yeah."
"You shouldn't have pare. They're coming now."
"I'm just worried pare."
"There's nothing to worry pare. They are safe i assure you that."
"Thank you pare, for everything."
"No need to thank Brian. I did this not only for you but for my only sister too."
"I dont know how can i pay you back Alex for everything."
"Just love and take good care of my sister pare and you're already paid." wika ni Alex kay Brian.
Niyakap ni Brian ang kaibigan bilang pasasalamat.
Samantala sa mansyon kung saan inaayusan si Aira.
"Napakaganda mo Miss Aira." puri ng umaayos sa kanya.
"Hindi naman magaling ka lang talaga." nakangiting sagot ni Aira.
Maya-maya lang ay nakarinig na sila ng katok.
"Are you done hija?" silip ni Don Lucio.
"Yes papa. You can come inside." yaya niya sa ama.
"You're so beautiful my princess. You really look like your mom." naluluhang puri ng ama.
"Thank you papa. Oopps bawal umiyak papa."
"I'm sorry hija. Now come on let's go baka magwala pa ang groom mo pag magtagal pa tayo."
"Okay papa." agad umabrisiyete si Aira sa ama at sabay lumabas ng mansyon papunta sa bridal car.
Napansin ng Don na tila kinakaban ang anak.
"Hija, huwag kang kabahan okay. Everything will be alright at isa pa nag-hire ako ng mga militar to escort us."
"Thank you papa." nakangiting turan ni Aira sa ama.
Napansin nga niyang may mga nakasunod sa kanila kaya napanatag na ang kanyang loob.
Nang makarating sa simbahan ang mag-ama ay hindi pa muna bumaba si Aira dahil inayos pa ng coordinator ang mga brides maid para sa pagmartsa.
Maya maya lang ay nag umpisa na.
Si baby Gab ang ring bearer ng mag-asawa na inalalayan ni Sally sa paglalakad sa aisle. Sumunod naman ang iba pati ang limang brides maid at ang kani kanilang partner na mga kaibigang agents ng mag-asawa at ni Alex sina:
Jabban at Blew Berry
Abel at Wela Johnson
Gran at Grace Lauron
Charlie at Erly Jean
Chino at Blue FortesPagkatapos nila ay ang maid of honor naman ni Aira na si Norjean Quiatchon na nirekomenda ng kanyang papa. Next ang mga cute na flower girls na pinuno talaga ang aisle ng mga nagagandahang petals saka pa lamang lumabas si Aira sa sasakyan at pumuwesto na ito para umpisahan ang paglalakad na hudyat upang mag-umpisang kumanta ang hired singer na si Raihanah Pamikirin sa awiting FROM THIS MOMENT ni Shania Twain.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...