Chapter 9

232 10 1
                                    

Sabrinna POV

Nagising ako mula sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Kinusot ko ang mga mata ko at napatingin sa taong katabi ko matulog. I could still remember what happened last night.

He's gentle, and I could feel he's trying his best to control and stop himself from being rough. Wala sa sariling hinawakan ko ang buhok na tumatakip sa kanyang noo, tinitigan ko ang kanyang buong mukha.

Ngayon ko lang siya nakita nang ganito kalapit at kaliwanag. Pipisilin ko na sana ang kanyang ilong nang bigla siyang nagising. Pakiramdam ko ay namumula ang aking pisngi sa sobrang hiya.

Akmang babangon na ako nang bigla niya akong hilain at yakapin. "Mhm, where do you think you're going?"

"B-babangon na ako. Magluluto ako ng breakfast."

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin. Naamoy ko na tuloy siya dahil bumaon ang mukha ko sa kanyang leeg.

"5 more minutes. Don't worry, ako ang magluluto ng breakfast."

Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya hanggang sa nagsimula na namang gumapang ang kanyang kamay sa aking katawan hanggang sa dumapo yun sa aking puwitan.

"P-Prime... Maaga pa. Nagugutom na ako, bangon na tayo please," kinakabahang sabi ko.

Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang sensasyong naramdaman ko. I didn't expect that Prime is capable of doing things like this.

He has an innocent-looking face with an angelic personality! Hindi ko in-expect na sobrang galing niya.

Magaling na magaling.

Tinigil na niya ang paghaplos sa katawan ko na ikinahinga ko ng maluwag. Nanggigigil siyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin, pagkatapos ay hinalikan ang aking noo bago bumangon.

"Clean yourself up. I'll cook our breakfast."

I hummed. Nang makalabas sa kwarto si Prime, doon na ako nagsimulang kumilos at maglinis ng katawan. Dahil nasa kwarto ako ni Prime, wala akong damit na maisusuot kaya pinakialaman ko ang kanyang closet at kumuha ng polo at boxer.

Kaagad akong bumaba at amoy na amoy ko ang agahang niluluto ni Prime. Dumiretso agad ako sa kusina. Kita ng dalawang mata ko ang buong katawan ni Prime dahil wala itong suot na damit, tanging pajama lang ang suot niya habang nagluluto.

Wala sa sariling napatingin ako sa matitipunong katawan ni Prime habang nagluluto ng agahan. I still can't believe something happened between us last night.

Hanggang sa matapos siyang magluto, nakatitig pa rin ako sa kanya, iniisip ko kung paanong nagbago bigla ang kanyang ugali.

I mean, he's always like this. But the clingy side of him was what I'm talking about.

"Stop staring at me, babe. Do you really like me that much?"

Napangiwi ako. "Assuming," bulong ko.

Inilapag niya ang platong may kanin at ulam na sa harap ko, pagkatapos ay binigyan niya ako ng kutsara at tinidor.

Nagsimula akong kumain habang si Prime naman ay nagtitimpla ng gatas para sa akin.

Inilapag niya ang gatas sa harap ko, pagkatapos ay umupo sa aking harapan. Hindi para kumain, kundi para panoorin ako.

"Naiilang ako," biglang sabi ko.

"Why?" inosenteng tanong niya.

"Wala lang. Nahihiya ako," sabi ko habang ngumunguya.

"Hmm?"

Lihim kong kinagat ang aking labi at nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko na lang siya pinansin at nagkunwari na lang na hindi siya nakikita.

Ashford Series 1: Loveless VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon