Masalimuot!

7 0 0
                                    

Etoooooo na guuuuuyzzzzzz part 2!


Grade 4. Lumipat ulit kami ng bahay, Bumalik lang ulit sa dati namin bahay nung grade 2 ako para malapit ulit kami sa pinag aaralan kong school. Magpapasko non lagi ako sumasama sa mga kaibigan ko na mag carolling tuwing mga 5:30 nagsisimula na kami mag bahay bahay para mag carolling nakakauwi kami sa mga bahay namin 9pm or 10pm na minsan ok lang sa nanay ko minsan pinapagalitan ako hindi na ako pinapapasok sa bahay. Iniipon ko mga nalilikom kong pera non sa pag cacarolling namin tapos ibibili ko ng jacket uso kasi noon yung jacket na varsity alam nyo yon? Basta usong uso yong jacket nayon kaya iniipon ko talaga yung mga pera ko galing sa carolling umaabot pa kami non sa ibat ibang mga lugar para makarami lang ng carolling. Ipon na ipon ko yung mga pera ko nayon para lang makabili ng varsity jacket kuno, pero nung dec 23 na ng umaga nag hahagilap si mama ng mauutangan para lang may pang handa kami sa pasko kasi kahit kuryente wala kami putol ang kuryente nmain kaya ibinigay ko nalang sa nanay ko yung mga ipon ko para lang may maihanda kami sa pasko kulang kulang 500 din yung na ipon ko non sabi sakin ni mama non. 

 Mama : Toy hiramin ko nalang muna ang ipon mo kasi walang wala tayo, Wala tayong handa para sa pasko bibilhan nalang kita ng jacket na sinasabi mo pag nagka pera ako.

 Ako : Sige ma basta bilhan mo po ako nun ah ang ganda kasi non ih gustong gusto ko yon.

 Mama : Oo bibili nalang tayo pag nagka pera na ako. 

 Ako : Sige ma bili ikaw basta mama may spaghetti ha. 

 Mama : Oo sige bibili din ako. 

 Dec 24 sinama ako ng nanay ko na mamili ng iluluto para may handa kami. Nakauwi kami at nag simula na syang magluto para may handa na kami mamayang alas dose para makasabay kami sa pagsalubong sa pasko. Kahit wala kaming kuryente basta may spaghetti ang saya ko non tsaka kahit dalawa lang kami ng nanay ko non na kumakain nong disperas ng pasko.

Makalipas ang ilang taon grade 6 na ako, Araw ng graduation tinatawagan ng nanay ko yung tatay ko upang humingi ng pang kain pagtapos ng graduation ko. Nakapag bigay naman yung tatay ko non ng 500 pesos binilhan ako non ng nanay ko ng isang alice ng pizza at isang soft drinks kasi wala pa akong almusal non araw ng graduation ko. Kahit papano nakaraos din kami natapos na ang graduation namin uuwi na kame ng kanya kanya naming mga bahay kaming magkakaklase masaya yung araw nayon as in napaka saya ko non kasi graduate na ako ng grade 6 kahit mababa lagi mga grades ko non. 

Nag enroll naman ako ng junior highschool ( grade 7 ) sa graceville sa san jose del monte bulacan parin sa una masaya pero nung tumagal na may mga nang bubully na hanggang sa naging grade 8 ako pati yung teacher namin sa TLE na lalaki binubully rin ako palagi ako inaasar parang wala syang pake parang hindi nya alam na nasasaktan na ako sa mga sinasabi nya kaya ginagaya nalang din sya ng mga kaklase ko na bullyhin ako noon. Isang araw nabalitaan ng nanay ko na pumanaw na ang lolo ko ( tatay ng papa ko ) umuwi kami noon ng bicol sa camarines norte upang makiramay sa lolo ko na pumanaw. Halos isang linggo din akong absent non sa school hindi din ako nagpaalam sa mga teachers ko na pupunta ako ng bicol para makiramay sa pumanaw kong lolo.

Fast forward..... Isang araw bago ang aming moving up nagkayayaan kaming mga magkakaklase namag swimming muna bago mag moving up yung araw nayon din ang last na rehearsal para sa moving up pero hindi kami nag si attend para lang makapag bonding kami agadbago magka watak watak ang mag kakaklase. Masayang araw nanaman ang nangyari sa buhay ko noong mga panahon nayon dahil kasama ko yung mga kaklase ko bago kami mag hiwa hiwalay ng tatahakin sa buhay.

Kinabukasan moving up na. Kasama ko yung nanay ko. Syempre sya lang naman palagi ang kasama ko kahit gustuhin ko man na tatay ko naman yung kasama ko para umakyat ng stage wala eh. Talo tayo naagawan tayo ng kabit eh nanalo yung kabit sa kinasal eh. HAHAHAHAHA. 

Fast Forward again....... Naghahanap na ako ng eenrollan ko ng senior high school kasi hanggang junior high lang don sa dati kong school. Nahihirapan ako maghanap ng school na eenrollan dahil nakakahiya mag enroll sa kadahilanang napaka baba ng mga grades ko average ko is 75 lang. Dba sino bang hindi mahihiya dyan. Pero buti nalang may tumanggap sakin na school private pa! ayun binigyan ako ng uniform kasi libre lang tsaka p.e uniform nadin. Dalawang buwan na nakalipas nagulat ako meron pala kaming allowance mga galing sa private school na nag enroll sa school nayon 200 per month ang saya ko non nung nakakakuha ako ng 200 pesos kada buwan. Isang araw field trip hindi ko alam na pwede pala ikaltas yung allowance mo don sa presyo ng field trip 1500 pesos kasi yung field trip namin kaya nagbabayad ako ng 1500 pesos para makasama kung alam ko lang noon na pwede yon eh 500 nalang yung ibabayad ko para sa field trip.

By the way first time ko makasama ng field trip noong grade 8 ako tapos dalawa lang kami magkasama ng isa kong kaklase na si mark. As in dalawa lang kami sa mga magkakaklase na sumama kaya noong nandon na kami sa star city lahat ng horror house pinasok namin dalawa may taga ibang school pa nga noon na napayakap sakin tapos bigla nya na realize na hindi nya ako kilala tawa kami ng tawa non ni mark kasi biglang may yumakap sakin non ang nakakatuwa pa don beki pala yung napayakap nayon. hahahahahahaha.

Dito nadin nagsimula na tumaas ang mga grades ko grade 11 ako may mga line of 8 na ako tapos noong nag grade 12 na pang hapon na ako mas ok kasi ako mag isip pag hapon ang pasok kesa pag umaga kasi napaka sabaw ko wala akong maisip pag may nagtuturo na teacher.

tapos noong 1st sem ng grade 12 isa nalang line of 7 ko (79) sa calculus. tapos pinakita ko sa mama ko yon tapos binigyan ako ng 50 pesos kasi isa lang line of 7 ko napaka saya ko non kasi may pang computer na ako. laman kasi ako ng computeran eh walang araw na wala ako sa computer shop. Wala akong absent sa computer shop. 

Then ayun graduation na namin mga grade 12. Kaklase ko ulit yung dati kong kaklase na babae na si angelica classmate kami noong grade 1 kami tapos naging classmate ko ulit sya grade 12 na manghang mangha ako don sa babae nayon kasi napaka talino nyang nilalang nung nag graduate kami ng grade elementary hakot nya yung mga parangal tapos nag graduate nadin kami ng senior high school humakot nanaman sya ng mga parangal tapos may certificate pa na binigay sa kanya na worth of 100k pesos para sa pangpapaaral nya para sa college.

Hanggang dito nalang ulit muna :3 Bitinin ko muna ulit kayo. 

buhay ko ( part 2)Where stories live. Discover now