Hindi ko gusto na saktan ka
Hindi ko gustong malaman na ika'y nagdurusa
Sana noong umpisa palang nagsawalang kibo na sa motibong ipinapakita
Nang sa ganoon sitwasyon mayroon tayo ngayon ay wala.Sana'y 'di nalang pinansin pa
Ngayon, tayong dalawa'y nagdurusa
Oh baka ako lang pala.
Sa iyo kasi'y wala nang balita.
'Diba?
Hindi ko naman kasi inakala na sa huli'y magustuhan pala kita.Ang masaklap lang,
Noong una palang alam kong hindi ko prayoridad ang pagpasok sa relasyon.
Ito'y sinabi sa iyo noon.
At ito'y dala-dala ko parin hanggang ngayon
Sana'y hindi iisipin na ito'y binitawan lang para ika'y paalisin.
At kung talaga rin lang ay alam mo sanang ako'y 'di nagsinungalingSa ala-ala nating dala-dala na ng kahapon
Masaya akong nakasama ka kahit sa konting panahon
Kahit sabihing walang tayo
At tanging naroon lang ay ikaw at akoNgayong tayo'y magkalayo
Minsan ay sumasagi ka sa isipan ko
Gusto kitang makita at makausap kahit isang minuto
Ngunit sa kabilang banda'y ayaw kong landas natin ay muling magkatagpo.Kayliit lang ng mundo ika nga ng mga tao
Pero sana kapag tayo'y muling pinagtagpo
Ika'y umiwas na tila ako'y naligaw lang sa paningin mo.Bakit pa nga ba sasabihin
Gayong alam ko namang yun din ang gagawin moNakakalito, nakakaloko
Sana malaman ko nang ika'y maybago
Dahil sa tingin ito lang ang paraan para mapanatag ang loob ko.Nawawalan na ng direksyon itong gawa ko
Pero sana kahit ganon,
May direksiyon parin ang buhay nating pareho.
Gaya ng sabi ko, kung tayo
Kahit magkalayo tayo
Kahit isang dekada pa ang lumipas.
Sa huliti magiging tayo.Ingat ka para hindi ka ulit maligaw sa maling tao.
Paalam nalang sa ala-ala nating pareho.Desyembre uno, dosmil baente dos
Huwebes
YOU ARE READING
PIYESA
PoesiaMga katha ni Binibining Benits Para sa mga mahilig sa tula. Sorry for the wrong typo and grammars. 🍀