Chapter 1

12 0 0
                                    

       -Billie's Pov -

"Make sure you go home after this. Do not go anywhere, understand?" sambit ng teacher namin habang nililigpit ko na ang mga gamit ko

"Yes, Ma'am!" duet ng mga kaklase ko

"Ok. Dismiss.

Agad akong nagtaas ng isang kamay ko para kunin ang atensyon ng teacher namin, pati tuloy atensyon ng iba kong kaklase ay nakuha ko. Maraming tumingin sa'kin.

"Yes, Billie?" Tanong ng teacher namin

"Ma'am, pwede po sumabay palabas ng school?" Pakiusap ko

Lumarawan ang pagtataka sa mukha ng teacher namin. Siguro ay napapasin niya na madalas akong sumasabay sa kanya.

"Ahm, gusto ko lang po kayo kasama. Hehehehe." Dagdag ko na lang para maiwasan ang iba pang tanong

Umiiwas ako ng tingin sa mga kaklase ko. Gusto kong sumabay sa teacher namin para walang mang-away at manggulo sa'kin habang palabas ng school.

"May gagawin pa ako sa faculty, Billie. wala ka bang pwedeng kasabay?" tugon sa'kin ni teacher tapos tumingin siya sa

mga kaklase ko, "Sinong gustong sabayan si Billie palabas ng school?" Bigla ay tanong pa ni teacher

Nataranta ako. Ayokong sumabay sa kahit kaninong kaklase ko.

"Ma'am huwag na po---"

"AKO PO, MA'AM!" Malakas na sagot ng isang lalaki sa likod na pumutol sa sasabihin ko

Si Westly. Ang ayokong tao sa lahat!

"Oh, Westly. Can you promise me na ihahatid mo si Billie hanggang sa gate ng school?"

Sunod-sunod ang naging pangtungo ni Westly na ayokong mangyari talaga Hanggang sa

Mag paalam na ang teacher namin at nauna ng umalis ng classroom.

"Hoyyy Billie Lapida. Tara na!" Sigaw ni Westly

Agad akong tumayo at lumabas ng room namin. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko habang isinisigaw ang pangalan ko.

Araw-araw nila akong inaasar na Billie Lapida at sumusulat ng pangalan ng mga patay dahil 'yun ang business ng family namin.

"Billie Lapida!
Billie Lapida!
Billie Lapida!
Billie Lapida!"

Sigaw sila ng sigaw habang

Habang sinasabayan akong maglakad.
Ang iba ay may pagtulak pa sa'kin at may pagdila dila kaya naman maiiyak na naman ako.

Grade 9 na kami pero inaasar parin nila ako. Sobrang napapahiya ako sa ibang istudyante na nakakakita sa'min.
Hindi ko alam kung bakit gan'yan parin sila umakto.

"Iyakin Hahahahaha"
Pang aasar pa ni Westly sabay tingin sa mukha ko, "Ang pangit mo umiyak, huy! Kawawa ka naman. Whahahahaha" dagdag niya pa

Gusto ko syang upakan sa mukha niya pero hindi ko magawa dahil hindi namana ako nananakit talaga. Isa pa, lagi siyang

sinusundo ng lola niya kaya baka magsumbong pa siya.

Nilagpasan ko na lang siya at hindi pinansin ang mga sinasabi niya. Pero siya ay sumasabay pa rin sa paglalakad ko at siya ay may pinakalakas na boses.

Napatungo na lang ako habang naglalakad. Tuloy, alam ng buong school na ang business namin ay paggawa ng lapida ng mga patay. Ano ba ang nakakatawa du'n? Maayos naman ang trabahong ginagawa ng magulang ko.

"What if mamatay si Billie?
Hindi na niya problema ang lapida at libingan niya. Hahahahaha!"

Napalingon ako sa nagsabi

The bully i Hate, The bully i loveWhere stories live. Discover now