This story will be completed first in Patreon and VIP Group.
THIS WILL BE THE LAST CHAPTER THAT WILL BE POSTED HERE FOR THE MEAN TIME.
Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group.
☀️☀️☀️
The dinner went well eventually.
Hindi lang maunawaan ni Kate kung ano ang ibig sabihin ng mga ikinilos ni Wynn nang bumalik ito sa bahay nila matapos silang mag-usap na dalawa sa may greenhouse. Suddenly he became nicer... and sweeter.
Matapos nitong hayagan na sabihin sa kanya na may motibo silang iba sa pagpapakasal niya sa lalaki. Kung iniisip nito na pumayag lang din siya basta, nagkakamali ito. She also asked her parents about the agreement. Kahit naman sino ay hindi papayag na basta na lang magpakasal sa hindi naman nito kasintahan.
Hindi maikakaila na gwapo ang lalaki, maganda ang katawan, matangos ang ilong, magaling magsalita, matalino, baka nga lahat ng magandang katangian na kay Wynn na, pero hindi naman talaga siya basta na lang pumayag.
She likes him, yes. Maybe more than that and she feels really stupid for feeling that towards him. Nakaramdam siya ng lungkot nang sabihin ng mga magulang niya na si Wyatt ang papakasalan niya dahil si Wynn ang gusto niya... pero nakaramdam din naman siya ng takot nang sabihin na si Wynn na ang papakasalan niya.
Dahil lang sa simpleng insidente noon, hindi na nawala sa isipan niya ang lalaki at hindi niya na rin napigilan na magustuhan ito kahit na hindi naman talaga siya kilala nito.
"So, how was the dinner?" tumabi sa kanya si Fatima para makakain na silang dalawa. Sabay palagi silang kumakain ng tanghalian dahil hindi naman lahat ng kasama niya sa trabaho ay sumasabay sa kanya.
Naisip niya noon na baka ayaw ng mga ito sa kanya pero nalaman niya rin naman na naiilang ang mga ito sa kanya. She's an Esquillona and that actually means something. Isa lang din naman ang pamilya niya sa may malaking pera na nasa bangko na iyon...
Iniisip ng mga ito na kapag hindi niya nakasundo ang mga ito, mawawalan ang mga ito ng trabaho.
She sighed and shrugged her shoulders. "It went well, I guess. They were all there, wala lang si Wyatt," sabi niya nang magsimula na rin siyang kumain ng baon niya.
She actually likes packing her own lunch. Nakakatipid siya ng oras sa pagbili ng pagkain sa labas.
"Girl, I wish I was there! Sobrang ganda siguro nilang tignan na magkakapatid no? Busog na busog ang mga mata ko! Alam mo ba, kahit 'yung bunso nilang si Wren, napaka raming may crush 'don?" sabi naman nito sa kanya. Napangiti siya dahil hindi naman nakakapagtaka ang bagay na iyon.
Kung si Wynn pa lang ay napaka lakas na ng appeal, mas iba ang dating nilang magkakapatid kapag nagsasama-sama. Para silang mga bida sa teleserye o kaya naman mga modelong hinugot sa magazine at binigyan ng buhay.
"Nagkausap naman kayo ni Wynn?" tanong nitong muli sa kanya. Hindi kaagad siya nakapagsalita at muling naalala niya ang engkwentro nilang dalawa ng lalaki.
Maybe he was just really upset and didn't want the wedding.
Marahan siyang tumango at muling kumain. Hinawakan naman ni Fatima ang kamay niya kaya nilingon niya ang babae.
"So? What happened? Sinabi mo na gusto mo siya?" malaki ang ngiti na sabi nito sa kanya. Bakas din sa mukha nito ang excitement na malaman kung may nangyari ba sa pag-uusap nilang dalawa ng lalaki.
"Of course not!" binawi niya ang kamay mula sa babae at naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya. "I can't say those words towards him. Mas lalo lang niyang iisipin na gustong-gusto kong magpakasal sa kanya..."
BINABASA MO ANG
BOF 1: WYNN RAVEN
RomanceWynn is the second son of Arturo Montes de Oca and Marisol Samaniego-Montes de Oca. After his brother left their home two years ago, he has been the person their parents are trusting to manage the business and fulfill an agreement that was long agre...