Chapter 15
Sa tinagal-tagal naming hindi nagkita 'yan talaga ang unang tinanong niya sa akin? Walang ka kwenta-kwenta. Ni hindi niya man lang tinanong, kung kamusta ako nitong mga nakaraang taon?
Napaawang ang bibig ko nang magsync-in sa akin ang ibig niyang sabihin, mas lalong lumaki ang ngisi nito dahil sa reaksyon ko.
Nang makabawi ako ay inayos ko ang tindig ko, at pinagkrus ang mga braso. Just to look like I'm sort of annoyed.
"Hindi ko alam saang parte ka ng mundo napadpad nitong mga nakaraang taon, pero kung ang tinutukoy mo ay si Cian, matagal na akong walang gusto sa kanya. That was like what? Six years ago?" I said like my confidence was in hundred percent, bahagya pa akong lumapit sa kanya.
Umayos ito ng tayo, ngunit hindi niya inalis ang mga kamay sa bulsa, he just swifted his position so that he can look and focus on me.
"Really? You didn't know he won't come?" He sounded like he was accusing me. I rolled my eyes.
"I didn't. To be honest I just heard about this dinner kaninang umaga. I just agreed to come, I didn't asked where or who will be here." saad ko sa mukha niya, nakasalubong ang mga kilay nito at parang hindi nagustuhan ang sagot ko.
"Is that why you are dressed up tonight? Because you don't care who will come?" he eyed me from head to toe, then he went back to my face, down to my red lips.
I don't know what kind of feeling it is, but I shivered a little when he did that. Nawala agad ang ngisi ko.
"Saang bundok ka ba nagtago ng ilang taon? Ganito na ako manamit ngayon. I am not a teenager anymore, I will wear what I want." pabalang kong sagot.
Hindi siya sumagot ng ilang segundo kaya dahil doon ay para kaming naglalaban ng tingin habang napaka tahimik, my heart is pounding like crazy, that I need to catch my every breath.
Because of anger.
He sighed, mukhang nakabawi na. "Then you must be happy instead, Cian is getting divorced."
Kung kanina nakokontrol ko pa ang dugo ko, ngayon parang nag-akyatan na lahat ng dugo sa ulo ko, kulang na lang ay uusok ito.
Parang naputol na pati pagpapasensya ko sa kanya, kung pwede lang ay hinampas ko na siya ng dala kong bag kung hindi ko lang naisip na kagagaling niya sa coma.
I gathered all my strength bago nagsalita.
"Uulit-ulitin ko ba? Hindi ko na gusto si Cian! The last time I heard about him was when he got married, ni hindi ko nga alam kung kailan at saan iyon naganap dahil hindi naman ako pumunta! And the last time I saw him was when your family migrated abroad when you were unconscious!" tumaas na ng tuluyan ang boses ko.
Wala akong pakialam kung mabingi siya sa sobrang lapit namin, mabuti nga iyon para dama niya yung inis ko sa kanya.
Bakit niya ako pinagbabaraan ng kung ano-ano? Naiintindihan ko naman na ang huli niyang balita sa akin patay na patay ako sa kuya niya, pero highschool pa kami noon!
Ngunit umusok na ng tuluyan ang ulo ko nang bigla siyang ngumiti, it was brief that it didn't last for a second. But I saw it, the side of his lips raised.
Nagtiim bagang ito at bahagyang yumuko.
Pinagtatawanan niya ba ako? Ano'ng nakakatawa sa sinasabi ko? Hindi siya naniniwala?
Lalong humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko, isang maling galaw mo pa Caden ihahampas ko na talaga to sa'yo. There's really something about him, that I hate, I can't explain what is it. Akala ko dahil ilang taon na ang nakalipas ay nawala na iyon, pero ngayon na nasa harap ko na siya ulit. I might be mistaken, at parang lumala pa nga.
BINABASA MO ANG
Under the Stars (Tonjuarez Series I)
RomanceAyara Terrise Monterio a fresh graduate, trying to find herself in the world of filming. Not knowing that following her dreams will lead her to the person she avoided the most. Because of their past, and the trauma it brought her, the only defense m...