#Worried
"Nasaan ka?" agap na tanong ni Vincent sa kabilang cellphone, napabuntong hininga ako nang marinig ang nag-aalala niyang boses. Dahil na naman siguro 'to kay Tatay, hinahanap na ako non panigurado.
"Nagwawala na 'yung Tatay mo sa bahay! Hindi ka raw umuwi dalawang araw na," sambit nito. Napatingin ako kay Doc Cutler na ngayon ay may inaayos na naman sa laptop niya. Hindi naman siguro siya makikinig kung anong sabihin ni Vincent sa akin.
"Nagtrabaho ako, hindi ko sinasabi sa kaniya...." sagot ko naman dito.
"Mahihigh-blood kami rito, uwi nang uwi ng mga kaibigan niya...." sambit nito at halatadong frustrated na siya.
Buti nalang pala wala ako sa bahay, noon muntikan niya na akong ibenta sa mga kaibigan niya eh. Buti nalang hindi natuloy dahil kay Nanay, nagmamakaawa siya kay Tatay dahil kayang kaya naman daw bumuhay ng anak nila.
"A-anong mga sinasabi?" kinakabahang tanong ko.
Lumayo kaagad ako sa sofa at pumunta muna sa labas ng office niya, hindi ko mapigilang kabahan dahil sa tono ng pananalita ni Vincent ay halata namang hindi siya nagbibiro. Kagat kagat ko pa ang pang-ibabang labi ko para hindi ako makapagsalita ng labag sa batas.
Gawin niya na lahat huwag lang siyang mag-eskandalo rito sa hospital dahil hindi ko na alam ang magagawa ko sa kaniya, lubos na ang ginagawa niya sa aking pagpapahirap. Hindi ko narin kayang tiisin ang pagmamaltrato niya sa akin.
Napagpasyahan kong kuhanin ang aking gamit nang hindi nagpapaalam kay Doc Cutler ngayon, gusto ko sanang makausap si Tatay na hindi na muna ako uuwi sa bahay. Hindi ko pa kayang humarap sa kaniya pero sana lang hindi ko siya maabutan doon.
"Sure ka bang pupunta ka? Baka mamaya masaktan ka na naman, isama mo na kaya si Tito Kailer," nag-aalalang sambit nito.
"Hindi na, baka madamay lang siya sa gulo."
"Pero nag-aalala ako sa 'yo bes, hindi ko kayang maulit na naman ang nadatnan ko non sa bahay niyo," sambit nito.
"Hindi pwede ang sinasabi mo, kaya ko namang humarap sa Tatay ko ng mag-isa!" sagot ko na naman dito.
Nagmamadali akong pumunta sa bahay at sumakay muna sa jeep bago makauwi roon, hindi madaling makapunta sa bahay dahil malayo layo rin ito. Buti nalang binibigyan pa ako ng time ng Diyos para maghanda.
Sana lang gabayan niya ako, huwag na sanang maging mainit ang ulo ni Tatay sa akin at huwag na siyang humingi pa ng pera para sa kabit niya.
"Tay!" tawag ko.
Kaagad akong pumasok sa kwarto at nagulantang nang makitang may ibang babae na namang kinakalantari si Tatay, buti nalang may saplot pa sila at ang babae ay halatang taga rito lang. Bakit nasisikmuraan niyang gumawa ng ganito kahit na mahal siya ni Nanay?
Samantalang si Nanay ay nag-aagaw buhay doon sa hospital at ako ay nagpapakasasa sa trabaho magampanan ko lang ang tungkulin ko bilang anak pero sa oras na ito ay mas napuno ako.

YOU ARE READING
The Doctor Affection (De Viola #2)
RomanceDoctor Hudson Cutler De Viola is the second son of the rich and wealthy family of Nueva Ecija; he's opposite his brother, who collects all girls, while Hudson Cutler is the one who has no interest in other girls. Until he met Lesha Liesiah, who had...