"Huy teh ano na! nakatulala ka na naman jan!" sabi ni zai saakin at pinitik ako sa noo.
"Aray! ano ba kase pinag uusapan nyo?! " sambit ko sakanya at binawian sya ng hampas dahil masakit din ang pitik nya saakin.
"Tungkol kase sa birthday ni elly, isusurprise sana natin sya kaso wala kaming maisip na pang design, ikaw ba meron ka bang naiisip?" tinanong naman ako ni belle.
Nag isip ako kung meron pa bang pang decor sa bahay at naalala ko yung pang decor na binili ko para sa kapatid ko mgutin hindi din nagamit dahil ayaw nya noon.
"Meron ako sa bahay, dadalhin ko nalang bukas at ibibigay ko sayo belle" sabi ko kay belle habang nag lalakad kami pauwi.
"Sige sige salamat, mauna na ko hinahanap na ko ni mama!" sigaw ni belle habang na takbo papalayo sa amin ni zai.
"May gagawin ka ba sa wednesday zai?" tanong ko kay zai habang kumakain kami ng kikiam sa loob ng simbahan at nakatambay doon.
Tumingin pa sya sa taas na para bang nag iisip. "Wala naman ata akong gagawin ng araw na iyon, bakit?" sagot nya sa tanong ko at tinanong din ako pabalik.
"Gala tayo doon sa may HSES bisitahin natin si elly" sagot ko dahil galang gala na ako noong nakaraang araw pa.
"Sigesige sabihan nalang natin si belle para kasama natin sya" agad namang sabi ni zai saakin.
Naglakad na kami pauwi. Hinatid ako ni zai sa bahay namin at nag lakad nalang sya pauwi, malapit lang din naman ang bahay nila dito saakin.
Makalipas ang dalawang araw, miyerkules na. Nag chat ako sa gc namin nila zai na sunduin nila ako at sabay sabay nalang kami pumunta sa HSES.
Zai: @belle sunduin mo ko ah.
Belle: oo na punyeta naman may delivery fee pagsundo sainyo ah.
Zai: luh parang di kaibigan ah.
Belle: sige na nga wala ng delivery fee putcha lugi eh.
Sinabihan ko nalang sila na mag ayos na dahil maya maya ay aalis na kami. Sinundo na ako nila zai at belle sa bahay.
Naka ripped jeans lang ako at naka T-shirt na white, may design ito na moon sa gilid.
Nang nakarating na kami sa HSES para bisitahin si elly ay nasaktuhan naman na nasa labas siya.
Nakita kami agad ni elly dahil ang ingay ni belle. Niyakap nya kami kaagad at nag beso pa. Niyaya nya kami kumain sa isang food court sa school nila. Ang laki ng school nila ah.
Tinanong nya ang mga order namin at aalis na sana ng ngunit sabi ko ay sasama ako upang hindi sya mahirapan mag bitbit ng mga order namin.
Nag order lang kami ng waffles ngunit iba't ibang palaman. Kumain na kami at nag chikahan.
"Elly wala ka pa bang crush? Ang dami daming pogi dito oh, lalo na yun oh!" sabi ni zai kay elly.
Tinawanan muna iyon ni elly bago sumagot. "Meron na kong bagong crush and ayun? Si cj?!?" sabi nya saaming tatlo.
"WAHH! SINO?!? SPILL THE TEA SIS!" sigaw ni belle at walang pake dun sa sinabi ni zai na pogi sumigaw pa si belle kaya napatakip kami ni zai sa tenga at pinigilan naman sumigaw ni elly si belle.
Napatingin lang ako kay zai at nakita kong nakangisi sya dahil nalaman nya na ang pangalan ni cj, friends kami ni cj pero di masyadong close.
"Mag ccr lang ako" paalam ko kila zai. Hinahanap ko ang cr nila sa school ngunit napatigil ako sa pag lalakad ng makita ko ang pamilyar na mukha.
Andito sya. Andito ang sumira saakin.
"Excuse me" sabi ko sakanya dahil nakaharang sya sa dadaanan ko.
"Oh sorry miss" malamig nyang sabi.
"miss" huh parang di ako minahal kung makapag salita ng "miss" parang di ako kilala at hindi kami nagsama ng ilang taon.
YOU ARE READING
The Greatest Love
Teen FictionIt's about a woman who fell in love with a man that can broke her heart into pieces and gave her a trauma.