ERIN'S POV
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Tumingin ako sa direksyon ni Sophie at nakahinga ako ng maluwag nung makita kong ayos lang siya.
Pero si King. May tama siya sa paa! Sino naman ang bumaril noon?
Dali daling kinuha ni Eros si Sophie habang namimilipit pa sa sakit si King.
Lalabas na dapat kami ng building ng biglang may sumulpot sa mula sa likod.
Si Tristan. Ha? Teka? Anong ginagawa niya dito?
Siya pala ang bumaril kay King!
"King tama na! King alam mo ba sa ginagawa mo lalo lang napahamak si Maxine?" Galit na galit na sigaw ni Tristan. Kami naman ay parang napako sa kinatatayuan namin.
"A-anong ibig m-mong sabihin?" Pagtataka ni King.
"Nalaman ni Maxine ang ginawa mong pagdukot kay Sophie! King dahil sa sobrang sama ng loob ni Maxine inataki siya! King dahil sa ginawa mo, ngayon nasa bingit ng kamatayan si Maxine!!" Nagulat kami sa narinig namin mula kay Tristan. Bigla naman umagos ang mga luha sa mga mata ni King na para bang galit na galit!
Tumingin siya sa direksyon ni Sophie at itinutok dito ang baril na kanina pala niyang hawak!
"Hindiiiiiiiii!!!!! Ikaw ang may kasalanan nito Sophia!" Buong lakas na sigaw ni King kasabay ang napakalakas na alingawngaw ng putok ng baril.
"Waaaaagggg!!!!" Napaluhod na lamang ako habang umiiyak.
Kitang kita ko!
Kitang kita ko kung paano tamaan ng bala sa sikmura si Eros!
"Eros!!!!!!!" Kalong kalong ngayon ni Sophie ang duguang si Eros at tinabihan namin siya ni Zia na katulad ko ay umiiyak na rin. Habang sina Nathan at Vince naman ay sinugod si King.
SOPHIE'S POV
Umalingawngaw ang napakalas na putok ng baril.
Tanggap ko na na katapusan ko na ito. Pumikit na lamang ako ng napakariin. Ilang sandali kong hinintay ang pagtama sa akin ng bala ngunit wala akong naramdaman.
Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko ang duguang si Eros .
Sinalo niya ang bala para sa akin!
"Eros!!!!!!"
Agad kong ipinatong ang kanyang ulo sa aking hita. Hinaplos ko ang kanyang mukha habang nakatingin sa kanyang mga matang lumuluha.
"Eros wag kang bibitiw! Eros wag mo akong iiwan. Parang awa mo na Eros hindi ko kaya! Hindi ko kayang mawala ka ng tuluyan sa akin! Eros lumaban ka. Mahal na mahal kita! Pakiusap wag mong ipipikit ang mga mata mo!" Sinabi ko iyon sa kanya sa pagitan ng mga hikbi ko. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Ikamamatay ko.
"Sophia. M-mahal n-na ma-hal k-ita. B-baboy k-ko. Ka-yanin mo h-ha p-pag nawala a-ako? I love you." Kahit hinang hina na at nagawa pa din niyang haplusin ang mukha ko.
Bigla siyang napabitaw kasabay ng pagpikit ng mga mata niya.
Hindi ko kaya.
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Teen FictionNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.