Elish pov:
Ako si Elish at graduating na ako sa kolehiyo, sa ngayon ay nagrent muna ako sa isang maliit na apartment na malapit sa university na pinapasukan ko, dahil si mama ay pinadala ng company nila sa ibang bansa at 6 months sya magstay doon, medyo malayo rin ang house namin sa university kaya kaya pumayag na rin si mama na magrent ako ng apartment malapit sa school ko hanggang sa makatapos ako sa aking pag-aaral. Ang tita ko na kapatid ni mama ang naiwanan na muna na magbantay sa bahay namin.
Sa ngayon ay kakauwi ko lang mula sa aking half day of classes at nakita ko ang isang nagtitinda ng dirty ice cream na nakatambay mismo sa tapat ng inuupahan kong apartment building. Nagtaka pa ako dahil karamihan sa bumibili ay mga babaeng teenager na katulad ko at hindi mga bata, nang makalapit ako ay nakita ko ang lalaking nagtitinda, dahil hindi sya katulad ng iba na may edad na, aba gwapo ang sorbetero na ito, nakasuot sya ng maong na pantalon at puting tshirt na hapit sa katawan nya kaya naman kita or halata ang laki ng chest part nito lalo pa kung nababasa ng pawis.
Nang matapos nyang pagbilhan ang mga babae ay napatingjn sya sa akin dahil nakatitig ako sa kanya at nagkangitian kami. "Bibili ka ba, miss?" tanong nya, bigla akong bumalik sa katinuan ko at tumango ako.
"Anong flavor gusto mo?" tanong nya.
"Ikaw kuya" mahinang wika ko, at nagulat ako nang nagtawanan ang mga babae na nakapaligid na kumakain ng ice cream.
"Naku si ate pasimple pa" sambit ng isang babae at muling nagtawanan silang lahat.
"Ay naku naku, di pa kasi ako tapos magsalita, ang sasabihin ko kasi, ikaw kuya ano bang masarap na flavor ng ice cream mo?" paliwanag ko at isa isa na silang nag alisan, nahihiya tuloy ako kay kuyang sorbetero pero nakangiti rin naman sya na may hawak na apa at hinihintay ako na makapili ng flavor.
"Lahat naman ito masasarap, vanilla, cheese and avocado flavors" sabi ni kuyang sorbetero.
"Ah sige yung vanilla flavor na lang" pagpili ko, hindi kasi ako mahilig sa cheese at avocado kaya vanilla na lang din para naman di na ako mapahiya pa kung di ako bibili sa kanya.
Nagprepare na sya at binigay sa akin ang vanilla flavor na may four scoops na nasa isang apa, pagtikim ko ay napapikit ako sa sarap at natawa si kuyang sorbetero. "Naku kuya ang sarap nitong ice cream mo kahit vanilla flavor malasa sya, may secret ingredients ka ba dito?" tanong ko at tumawa naman sya.
"Simpleng vanilla ice cream lang iyan, pero ako mismo gumagawa ng mga ice cream na ito, dyan lang ako nakatira, sabay turo nya sa isang pintuan sa mismong apartment building kung saan din ako nakatira. "Nagbebenta talaga ako ng ice cream na personally made ko" namangha ako sa sinabi ni kuyang sorbetero, kaya naman pala may kakaiba sa vanilla flavor na ito.
"Wow ang galing naman, sige kuya aabangan na kita dito every after school ko" sambit ko. "Dyan lang ako nakatira din sa third floor" dugtong ko.
"Aba, dyan ka lang din pala nakatira, kahit di mo ako maabutan basta gusto mo kumain ng ice cream, katukin mo lang ako sa apartment ko at bibigyan kita ng ice cream ko" saad nya at napangiti naman ako gayundin sya. Aminado ako na maganda ang ngiti nya at may itsura sya kahit papaano, hmm, parang di naman din sya katandaan.
"Sige kuya sabi mo yan ha, ano nga name mo?" tanong ko.
"Max, e ikaw, ano ba name mo?" balik na tanong nya.
"Call me Elish" nakangiting wika ko at tumango naman sya. Putik, bakit parang kinilig ako sa ngiting ng kuyang sorbetero na ito, makaalis na nga.
Nagpaalam ako sa kanya at saktong may mga bumili ulit ng ice cream nya, mukhang dinudumog talaga si kuya Max dito dahil sa ice cream at plus na rin siguro ang total features nya na kakaiba sa ibang magsosorbetes.
itutuloy...
BINABASA MO ANG
Ako At Ang Sorbetero
RandomTungkol sa masarap na ice cream ng isang gwapong sorbetero Matured content inside Read at your own risk Enjoy