6

402 17 5
                                    

#Mahal

We drove from the resort to Kristina's house. When we arrived,I saw people in the backyard, mostly mga pamilyar na mukha na nakita ko sa resort. Everyone is busy doing each of their chores,may umuusok sa gilid ng bahay,may malaking lutuan,may mga naghihiwa ng karne sa long table na naroon,may naglalagay ng white cloth sa mga bilog na mga mesang naroon at may nag fofloral arrangement din sa mga crystal vase na nasa gitna ng mga mesa. 

Sa tingin ko may malaking okasyon na gaganapin ngayong araw. 

Napansin ko ang bahay,it's like a modern type of mansion,nirenovate lang ang ibang bahagi ng bahay dahil may aura pa rin itong parang spanish house noon. 

"Put me down."Ani Six. 

Binaba ko siya at agad naman itong tumakbo papasok sa loob ng bahay. 

"Salamat ulit."Ani Kristina. 

"Okay lang,si-sige ah,alis na ako."

She pressed her lips and nod. 

"Si-sige." 

Hinawakan niya ako sa kanang palapulsohan. 

Pinipigilan niya  ba ako? 

Bumaba ang mga tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa palapulsohan ko hanggang sa mag-angat ako ng tingin at magtama ang mga mata namin. 

"Di-dito ka lang."aniya,sabay lunok. 

"Ah,invited ba ako?"

Ngumiti siya.

I bit my lip and nod."O-okay.Sabi mo e."

Nanliit na naman ang mga mata niya sa pagkakangiti. 

"Mommy!"

Sabay kaming napalingon kay Six na nakahalukipkip ng nakatayo sa bungad ng pinto. 

"Ah,sorry,sige,maupo ka lang muna diyan ha?babalik ako agad.Mukhang hinahanap na ako ni Enrique."

"Ah,si-sige.Dito lang ako."

"Okay."Aniya,nakangiti pa siya ng iwan ako.

Bumuga ako ng hangin,kinagat ang labi at kinalma ang sarili.Siguro tutulong nalang akong magluto? mag--

"Congressman!"Saad ng may edad na lalaki. 

Nakipagdaop palad ako.

"Hello po."Sabi ko.

"Buti naman po at nakapasyal kayo dito."

"Oo nga e.Ano po bang okasyon?"

"Ah,death anniversary ng mga magulang ni Sir Enrique."

"Ah..I'm sorry."

"Okay lang ho iyon.Magkakilala ba kayo ni Maam?"

"Ah,not really."

"Dito na pala si Maam.Hello po Maam Karry!"bati ng matandang lalaking kausap ko.

"Hello po Mang Ador,magkakilala kayo?"

"Sikat po si Congressman,Maam Karry.Sa lahat ng kadalagahan sa buong mundo."

"Ganun po ba?"She smiled.

"Hindi naman po."Nahihiyang sagot ko.

"Hindi naman imposible."Ani Karry.

"Sabi ko na sayo Cong di ba,kahit si Maam Karry sang ayon sa akin."Ani Mang Ador.

"Karry?"

Sabay-sabay kaming napalingon.

Isang lalaki,may itsura,at mukhang kaidad ko lang.Mabait ang awra niya at halatang may sinabi sa buhay.

Lumapit agad si Karry.

"Mahal?bakit bumangon ka pa di ba masama ang pakiramdam mo?"

Mahal?
Ang lalaking to ba si Enrique?

Nakatingin ako sa mga kamay ni Karry na nakayapos sa beywang ni Enrique.

Kinagat ko ang labi at nag iwas ng tingin.

"Sino siya?"

"Ah,si Congressman Sandro Marcos,hindi mo siya kilala?"

Humarap ako at nakipag daop palad sa kanya.

"Hi,"I said.

"Hello,I actually heard about you,I'm so sorry I didn't recognize you, it's just that I am not into socials so..."

"No it's okay.Its fine,really."

"So you met my fiancee,I don't have to introduce you na pala sa kanya?"

I shook my head."Nagkita na kami kahapon,sa resort."

"I hope,hindi siya nagdala ng pagkain sa room mo?or did she--"

"Mahal,gusto ko lang naman makatulong e,at tsaka na bo-bored ako kaya--"

He kissed Karry's temple,muntik na akong mapamura.

"Nako Sir lalanggamin tayo niyan e."Saad ni Mang Ador.

Karry and Enrique looked at each other and smile bago humarap sa amin.

"Bakit kasi hindi mo sinama si Aleng Nena Mang Ador at ng may kapareha ka."

Nagkamot sa ulo si Mang Ador."E Sir,mainit ulo sa akin e."

Enrique smiled."Ikaw Congressman,do you have a girl with you?"Enrique asked.

Umiling ako.

"Sayang naman,para sana may magiging kakwentuhan naman tong magiging future wife ko."

My jaw tightened.

"Ano bang ideal girl mo Congressman?my cousin is a doctor pwede kitang ipakilala sa kanya."

"Simple lang ang babaeng gusto ko."I answered.Nakatingin ako kay Karry.

Nagkatitigan kaming dalawa.I don't know how many seconds but I don't care.

Enrique cleared his throat."Just like my future wife ba ang ideal girl mo?"

"What?"

"Kidding."He inhale and held Karry's left hand and kissed the back of her palm.

Tumaas ang isang kilay ko,I dont know pero parang sinasadya ni Enrique ang ginagawa niyang paglalambing kay Karry sa aking harapan.

"Daddy?Mom?I am hungry!"Saad ni Six na nakatayo na sa likuran nilang dalawa.

"Oh excuse us for a while.Congressman,lets go Mahal,pakainin muna natin ang baby natin."He said.

Tumalikod sila at naiwan naman kaming dalawa ni Mang Ador.

"Tara na po Cong,ipapasyal ko po kayo sa malawak na palaisdaan sa dako roon."

"Si-sige Mang Ador.Lead the way."Sagot ko.

Tumalima si Mang Ador ako naman ay nag iwan ng sulyap sa nakabukas na mansyon bago sumunod sa kanya.


Ikaw,Ako,Tayo (SANDROMARCOSFANFICTION) CompletedWhere stories live. Discover now