Prologue

40.1K 556 12
                                    

************

"WOW!" Bulalas ko habang tinitingala ang napakalaking mansyon sa aking harapan. Napakagalante at sosyal na sosyal talaga ang itsura. Halatang milyonaryo talaga ang may-ari.

Ano nga bang ginagawa ko dito? Mag-a-apply ako bilang kasambahay sa bahay na ito. Dito ako inirekomenda ng agency na pinuntahan ko kahapon. Mayaman talaga. Sa agency ka muna dadaanan bago sila makadaupang-palad.

Pinindot ko ang doorbell na nasa may poste ng gate. Ultimo ito sosyal na sosyal. Sa tabi nito ay isang rectangle na speaker.

"Yes, what can I do for you?" Lumabas ang ma-awtoridad na boses sa may speaker. Wow! Inglisero pati guards!

"Am, I am Rosalia Magdaong. Ako po yung mag-aapply na kasambahay." Sagot ko din sa speaker. Ang taas na tao siguro ng mga taong 'to.

"Okay." Sagot din nito at biglang nagbukas ang malaking gate. Lumunok ako ng laway at binigyan ng huling sulyap ang kabuuan ng mansyon.

"Montemayor Residence" ito ang nakalagay sa arko nila. Pumasok na ako ng gate. Dire-diretso ang daan. Puro bermuda grass naman sa gilid. Madami ding iba't-ibang uri ng mga bulaklak. Kumatok ako sa frontdoor. Mayroong hagdaan bagi makarating sa frontdoor ng bahay. Hinawakan ko ang bakal na bilog at ikinatok sa pintuan.

Ang astig talaga grabe! May sumilip na mata sa may bilog na butas. Ngumiti ako dito. Ngunit walang ekspresyon ang kanyang mata. Nagulat pa ako ng biglang bumukaa ang pinto.

"Tuloy ka." Anang ng matanda na tila katiwala dito sa bahay.

"Ah. Salamat po." Inginiti ko ang kaba ko sa nakakatakot niyang awra. Pinasadahan niya ako ng tingin. Tumikhim siya. Nakasuot lamang ako ng simpleng t-shirt at pantalon. Tsinelas naman ang pansapin ko sa paa. Bitbit ang isang malaking itim na bag at envelope. Muli niya akong pinasadahan ng tingin.

"Sumunod ka sa akin." Masungit niyang utos sa akin. Okay. Masungit siya. Katakot!

Umakyat kami sa hagdanan. Napaka-eleganteng hagdanan. Wala akong ginawa kundi ang mamamangha sa bahay na ito. Hindi ko namalayan na pumasok kami sa isang silid.

Umupo siya sa may lamesa. Ikinumpas niya ang kanyang kamay. Nung una ay hindi ko pa siya maintindihan yun pala ay hinihingi niya ang envelope na naglalaman ng akinh biodata at kung ano-ano pa.

Binasa niya ang mga impormasyong nandoon. Inaayos niya ang kanyang salamin.

"Okay. You're hire now." Ngumiti ako sa kabila ng kaba.

"Salamat po Ma'am." Tuwang-tuwa kong sinabi sa kanya.

"Ikaw ang tagalinis ng kwarto ng anak nila Don at Donya." Pagpapaliwanag niya. Itinuro niya din sa akin kung saan ang kwarto nito. Siya pala ang Mayordoma dito sa mansyon ng mga Montemayor. Napag-alaman ko ding Liza Cruz ang kanyang pangalan.

Pinapunta niya ako sa nagngangalang Manang Lilia. Mabait ang mga kapwa kasambahay ko dito. Kinuha ko ang unipormeng ibinigay nito sa akin.

Nagtungo ako sa kwarto ng unico hijo ng amo ko. Ang paliwanag sa akin ni Ma'am Liza ay nasa kadulu-duluhan daw ito sa second floor. Madalang na ang tao dito ay medyo hindi na nga yata napapansin.

Weird. Nakarating ako sa pinakadulong kwarto. Mukhang ito na 'yon. Bahagyang nakaawang ang pinto nito. Dinaluhan ko ang pinto at sumilip dito. Binkusan ko pa ng medyo malaki. At..... at..... napasinghap ako sa nakikita ko!

Ang ungol ng babae ang nagpapaingay sa buong kwarto. Tumindig ang balahibo ko. Ni hindi pa ako nakakapanood ng ganito kahit sa cellphone. Pero napakaswerte ko na makapanuod ng live show!

Nabitawan ko ang hawak hawak kong tambo na siyang nagpatigil sa kanila.
Napatingin silang dalawa sa akin. Mas lalo akong natunaw sa tingin ng lalaking tila kabababa lamang galing sa langit.





His Bed Warmer (MS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon