SOPHIE'S POV
Ilang buwan na ang nakakalipas. Pero hindi pa rin nawawala ang sakit. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tanggap.
Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa tuwing inaalala ang mga nangyayari noong gabing iyon.
Miss na miss ko na si Eros.
Pagkatapos kong kumain ay may narinig akong bumusina sa labas ng bahay.
Nandiyan na sila.
"Bye ma! Nandiyan na po sila." Paalam ko kay mama at niyakap siya.
"Ingat kayo baby girl! Enjoy your first day as a Senior Student!"
Lumabas ako ng bahay at nakita ang mga kaibigan ko na sakay ng van. Agad akong lumapit sa kanila.
"Sophie sakay na! Excited na ko!" Sigaw ni Erin.
Buti pa sila excited. Ako kasi hindi.
Hindi katulad noon na alam kong makikita ko si Eros.
Pero ngayon imposible na.
Nginitian ko na lamang siya at sumakay na sa van.
Ang ingay ingay nilang lahat! Masayang masaya sina Vince, Nathan, Zia, Erin st Tristan. Buti pa sila. Pinipilit ko na lamang ngumiti para sa kanila.
"May bago na tayong kaklase na mabubully!" Pang aasar ni Vince kay Tristan. Lilipat na siya ngayon sa Kingston.
Noong isang linggo naging sila na ni Erin. Masaya ako para sa bestfriend ko kasi alam kong masaya siya ngayon.
Lagi man silang nag aasaran at nagkukulitan, hindi ko pa rin maiwasang hindi kiligin dahil kitang kita sa mga mata nila ang pagmamahal nila para sa isa't isa.
"Sige subukan mo Vince! Ako ang makakalaban mo!" Pagbabanta naman ni Erin kaya lahat kami ay napatawa.
Nagpapasalamat ako kasi mayroon akong mga kaibigang gaya nila na hindi ako pinapabayaan at iniiwan kahit na noon ay ilang beses ko silang pinagtulakan palayo dahil sa sobrang depresyon dahilan ng pagkawala ni Eros.
Masaya na rin sina Zia at Nathan. Ang cute nga e, magbestfriend na mag bf/gf pa. Odiba! San ka pa!
Si Vince, ang alam ko may pinopormahan na siya e. Sana naman seryoso na siya. Hahaha.
Mabilis kaming nakarating sa school.
Eto na! First day of classes bilang 4th year student.
Bigla na naman akong nalungkot nang maalala kong wala na si Eros.
First day of classes last year nung magsimula ang love story namin. At ngayon, wala na. Hindi na siya babalik.
"Guys tara na! Sugod sa bulletin board!" Masiglang sigaw ni Vince.
"Sana magkakaklase pa din tayo no?" Sabi ko naman sa kanila habang naglalakad kami.
Hinawakan ni Erin ang kamay ko at nginitian niya ako. Siguro nahalata niya nag lungkot sa mga mata ko."Sophie do the honors." Sabi sa akin ni Zia. Osige na nga! Ako na magtitingin ng sections nyo!
Nung makarating kami sa bulletin board para tingnan ang section namin, parang naghawi ang mga estudyante para makadaan ako.
Huh?
Lumapit na lang ako dun para tingnan kung anong section namin.
"Miss nakaharang ka."
Shit shit shit! Yung boses na yun! Shit!
Napako ako sa kinatatayuan ko.
Ang boses na yun.
Sa matagal na panahon, ngayon lang ulit lumundag ang puso ko sa saya. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko dahil sa kaba. Kinurot ko ang sarili ko para malaman kung nananaginip ba ako o hindi. Nasaktan ako. Ibig sabihin gising ako! Shit! Shit! Shit!
Dahan dahan akong lumingon sa likuran ko para makasigurong siya nga iyon.
"E-eros?" Naluluha na ako sa sobrang saya dahil nakita ko na ulit siya.
Nakangiti siya sa akin at kitang kita ko ang saya sa mga mata niya. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Hindi ka multo." Yun lang ang nasabi ko sa pagitan ng aking mga hikbi. Tiningnan ko ang paligid. Lahat ng estudyante may hawak na lobong korteng puso. May nagpapatakang mga rose petals kaya napatingin ako sa taas. Nandun si Mrs. Perez kasama ang ibang teachers na siyang nagpapatak ng mga rose petals sa amin.
"Ano ka ba Sophie. Nagpagamot lamang ako sa America kaya ako nawala. Hindi ako namatay." Tumatawa niyang sagot. Namiss ko talaga siya. Ang boses niya, ang amoy niya, ang lahat sa kanya. Lalo tuloy akong naiyak habang nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya.
Napatingin ako kay Erin ay sinamaan siya ng tingin. Agad naman siyang nag peace sign sa akin! Gaga talaga yun!
"Hinding hindi na kita iiwan Sophia." Kumalas ako sa yakap ng makita kong papalapit si Zia.
May binigay siya sa aking heart na puso na may nakasulat na SOPHIA. Hindi siya nagsalita at niyakap niya lang ako ng mahigpit.
Pagkatapos ay si Nathan naman ang lumapit sa akin. Ibinigay niya sa akin ang heart na lobo na may nakasulat na WILL. Nginitian ko na lamang siya at niyakap.
Si Vince naman ang sunod. Ganun din ang inabot niya sa akin. Ang nakasulat naman sa lobo at YOU.
Pagkatapos ay lumapit naman sa akin si Tristan. Ang nakasulat naman sa lobong ibinigay niya sa akin ay BE.
Sunod na lumapit sa akin si Erin at ang hawak naman niyang lobo ay may nakasulat na MY.
"Peace tayo bes. Planado ang lahat." Aniya sabay yakap sa akin. Agad ko siyang binatukan noong kumalas ako sa yakap.
Nakita ko namang sunod na lumapit sa akin si Eros. Napakagwapo niya. Lalo siyang pumuti at gumwapo.
May hawak siyang mic at lobo. Inabot niya sa akin ang lobo na may nakasulat na GIRLFRIEND.
Hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingin siya ng diretso sa aking mga mata at sinabing,
"Sophia. Will you be my girlfriend?"
Agad nabalot ng malakas na tilian ang buong school.
Napaluha ako sa sobrang saya. Niyakap ko siya ng napakahigpit. Hindi ko akalaing mangyayari to. Hindi ko akalaing makakasama kong muli si Eros.
"Yes." Sagot ko sa kanya at pinagdikit namin ang mga noo namin.
Sobrang saya ko ngayon. Akala ko talaga nawala na siya ng tuluyan sa akin.
Totoo pala talagang kapag nagmamahal ka, kaakibat nung ang salitang sakit*
Hindi mo masasbaing nagmamahal ka ng tunay kung hindi mo naranasang masaktan at kung hindi ka marunong MAGSAKRIPISYO at MAGTIWALA.
At si Eros, nagawa niyang saluhin ang balang iyon para sa akin. Nagawa niyang magsakripisyo para sa akin kahit na bago yun ay pinagtulakan ko siya palayo.
END OF STORY
OMG! Natapos na! ^___^ Sabog floor waxxx!!! Thank you sa lahat ng bumasa nito! Salamat sa inyong lahat! Sana ay nagustuhan niyo ang resulta ng kaboringan ng buhay ko. Hahaha. Sorry kung lame. Sorry sa mga typos and grammatical errors. Beginner phoezx! Hahaha. Labyuuuu all!!!!
Nagmamahal,
Airisha <3
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Fiksi RemajaNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.