Sabrinna POV
Pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko sa sobrang inis. Gusto ko siyang sigawan, gusto kong agawin ang gamit ko, at gusto ko siyang paalisin.
But I choose to be calm. The fact that she knows the password of Prime's condo means she must be a relative or a close friend.
Calm down, Sabrinna...
"Cy!!" excited na bati niya kay Prime.
Hindi kumibo si Prime, salubong ang kilay nitong nakatingin sa babae na para bang nagtataka kung bakit narito siya ngayon sa loob ng condo niya.
"What are you doing here, Rafael?"
Lumipat ang tingin ko sa babaeng nagngangalang Rafael, nagtataka na rin akong napatingin sa kaniya. Ano bang meron?
Natawa ito, "Come on, Cy. Hindi ka ba natutuwang makita ulit ako?"
"You trespass in my condo, Rafael. Sino ang matutuwa sa ginagawa mo? You even use things that don't belong to you."
Napaiwas ako ng tingin at tumikhim para kunin ang atensyon nilang dalawa upang magpaalam.
"Maiwan ko muna kayo." Pakiramdam ko ay nasasakal ako sa tensyon at parang wala akong lugar dito ngayon.
"Hindi ko naman akalaing hindi mo pa pala pinalitan ang password ng condo mo eh. Kaya akala ko welcome pa ako sa condo mong dati ko ring naging bahay."
Napatigil ako sa pagbukas ng kwarto. Dati siyang nakatira dito?
Gustung-gusto ko nang pumasok para hindi na makarinig ng usapan, pero ayaw ng katawan ko kumilos.
"Are you serious? We already talked about it. After what you did to me, you still expect that you're welcome in my condo?"
"Cy... Alam mo namang madali lang ako madala sa emosyon ko. Alam mong hindi seryoso ang mga sinabi ko."
"Gago ka ba?"
Saglit na katahimikan. Nagulat ako sa biglang pagmumura ni Prime, halatang galit ito.
"Rafael, you did the most disgusting thing! You said the most horrible and hurtful words a man can bear and then sasabihin mong hindi ka seryoso?"
Kumunot ang aking noo, ano ba ang ginawa at sinabi niya para umasta ng ganyan si Prime, at ano bang meron sa kanila? Gusto ko pang makinig pero mas pinili ko na lang pumasok sa kwarto. Ayoko mangialam at kung may history man sila, gusto ko si Prime mismo ang magsabi sa akin.
At kung hindi man niya sasabihin, wala na sa akin yun. Dalawang buwan na lang din naman at matatapos na ang kontrata naming dalawa.
Ilang minuto pa akong naghintay bago may kumatok sa pinto ng aking kwarto. Hindi pa man ako nakakatayo ay bigla na itong bumukas.
"Can I come in?"
"You're already inside and sitting on my bed, you idiot."
Ngumuso lang ito at nahiga sa kama ko, ginawa niyang unan ang hita ko habang ako'y nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama.
"Are you mad at me, babe?" He suddenly asked.
Nagtataka akong napatingin sa kaniya, "Bakit naman ako magagalit?"
Sa totoo lang hindi ako galit, pero may kakaiba akong nararamdaman sa dibdib ko at hindi ko iyon gusto. Hindi ko maipaliwanag kung saan nanggagaling ang sakit na nararamdaman ko.
"Kasi pumasok si Rafael sa condo natin?"
Natin...
Lihim akong napangiti, "Prime, condo mo ito at nakikituloy lang ako." Sana hindi na bumalik yung Rafael na yun.
BINABASA MO ANG
Ashford Series 1: Loveless Vows
RomanceLife is hard, but it suddenly changed when Prime Cyril Ashford met a happy-go-lucky woman named Sabrinna Martinez. One fateful night, their lives changed dramatically, leading them to get married and utter loveless vows in front of the altar. Cover...