The Promise

18 1 0
                                    

A promise is a commitment by someone to do or not to do something. As a noun promise means a declaration assuring that one will or will not do something. As a verb it means to commit oneself by a promise to do or give. It can also mean a capacity for good, similar to a value that is to be realized in the near future.

_____


Una pa lang niyang nakita Si Mathew alam niyang siya na ang taong ipinadala ng Diyos para tupadin ang kanyang mga hiling. Araw-araw ipinagdasal niya na makilala ito at magpapatunay sa kanya na hindi lahat ng panahon magiging talo tayo sa laro ng pag-ibig.


Nahulog siya sa taong ito at umikot ang kanilang mundo sa isa't-isa. Hindi niya akalain na ang minsang akala niyang fairytale na nakikita niya lang sa mga Disney movies ay kasalukuyan niyang nararamdaman, na siya ang prinsesa at si Mathew ang prinsipe.


Takot siya sa commitment sapagkat binibigyan lang natin ang ating sarili ng dahilin upang manghinayang sa huli. Ngunit sa kanilang pagbuo ng kanilang love story nabago ang kanyang pananaw.


Natutu siyang magtiwala, magmahal at paniwala sa mga pangako. Promises that are made to be come true today & to the future. Lalo silang naging matatag dahil sa mga pangako nila sa isa't-isa.


"I'll be standing there and watching you walking with your beautiful white long gown." turo ni Mathew sa may altar habang nagsisimba sila.


Halos hindi niya makalimutan ang mga sandaling iyon, bawat bigkas niya ng mga salita ay nahuhulog siya ramdam niyang siya na ang taong mamahalin niya sa buong buhay niya. Seeing them they look so perfect together, very inlove with each other as if they find the real happiness of living.


On the day of there graduation, wala man lang siyang na received na txt galing kay Mathew. Pagising niya iba ang nararamdaman niya hindi niya ito maipaliwanag. HIndi niya inakala na ganun ang mararamdaman niya, dapat sa araw na yon ay maging masaya siya dahil matutupad ang kanilang pangako na makapagtapos ng sabay.


Pagkatapos ng Graduation rites, agad niyang pinuntahan si Mathew. Bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan na makita ito at mayakap. Pero habang naglalakad siya bumibilis ang tibok ng puso niya.


"Ma..t..t.thew............." sabay pagbagsak ng mga luha niya.


Parang binuhusan siya ng malamig na tubig, at napagtanto niyang kailangan na siya gumising dahit tapos na ang kanyang masayang panaginip.


Araw-araw naghahanap siya ng sagot kung bakit, kung bakit nahulog lang lahat ng pangako sa ganon. Na makita niya na ang pinakamamahal niya ay may mahal ng iba at kaya siyang isuko na lamang.


Masakit pa sa salitang sakit ang kanyang nararamdaman, hindi maubos-ubos ang mga luha, hindi maubos-ubos ang mga tanong sa utak, hindi maubos-ubos ang mga masasayang nangyari sa kanyang buhay.


Hindi niya kayang kalimutan, kaya kinulong niya ang sarili niya sa mga pangakong binitawan ni Mathew. Na balang araw babalik siya at tutuparin lahat ng pangako.


Mahigit limang taon ang nakalipas. Ganon parin, ang sakit at kirot sa unang araw ay nararamdaman parin niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Promise (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon