Ang pag-ulan ng apoy“Tabi!” sabay tulak saʼkin ni Lucas kasabay dumaan sa harapan ko ang bolang apoy.
“Bilisan mo na tumayo dyan.”
Hindi ako makakilos sa bilis na pangyayari. Lumapit siya sa'kin upang alalayan sa pag tayo. Bigla ako binuhat ni Lucas na parang bagong kasal aayaw sana ako subalit muntik na kami tamaan ng apoy kung hindi tumakbo si Lucas.
“Anong nangyayari?”
“Kasalukuyang ginamit ni Itim ang pinagbabawal na kapangyarihan sa apoy upang mas madali burahin tayo. Huwag kang mag alala makakaligtas tayo sa oras na makarating tayo sa palasyo.”
“Bakit kailangan natin mag tungo sa palasyo? Kung kaya naman natin tulungan sila talunin ang itim na Engkanto.”
“Hindi ka ba nag iisip? Labanan iyong sa pamagitan ng Taga-bantay, lubhang mapanganib kung sakali makisali pa ta—”
Hindi na tuloy ang sabihin ni Lucas na may malaking buhawi ang dumaan sa himapapawid patungo sa pinangyarihan.
“Lagot dumating ang tagapangalaga ng Hangin mas lalong gugulo ang lahat.”
Tumingin naman ako sa babae tinutukoy niya sa himapapawid. Nanlaki ang mga mata ko na makilala ito, “Sonia?” mahinang sambit ko.
Kung ganon isa siyang tagapangalaga ng hangin. Nong una ko siya makita taglay niya ang kapangyarihan ng hangin at may gabay na malaking ibon.
“Ang bigat mo, Sabrina,” reklamo ni Lucas.
Napasigaw ako na bigla niya ako hinagis sa direksyon ng higanting puno. Napalingon ako sa kaniya saglit, hindi ko maiwasan muli sumigaw na masilayan ang kaniyang katawan na puno ng sugat habang tumilapon sa kung saan.
Bumagsak ako ligtas sa ilalim ng puno. Nagmamadali ako mag tungo sa direksyon ni Lucas subalit bigla ako tumilapon na lumitaw ang harang na gawa sa enerhiya ng kalikasan.
Bumagsak ako sa lupa na sobrang nanhihina. Ngayon ko lang napagtanto marami akong pasa sa iba't ibang parte ng katawan sa hindi ko malaman dahilan kung saan ko ito nakuha.
Gusto ko man bumangon subalit hindi ko na kaya. Nakalimutan ko isa pala ako mortal, ito ang sinapit ng katawan ko.
“Lucas bakit mo ginawa yun? Bakit?” tanong ko sa kawalang.
Natigilan ako sa kakaiyak na masilayan sa himapapawid ang pag banggaan ng Hangin ni Sonia at Apoy ni Itim na sanhi na pag sabog. Pag sabog na naging dahilan pag-ulan ng apoy.
Kitang-kita ng dalawang mata ko nahihirapan si Liwayway at ang mga Diwata na pigilan ang apoy kahit binuhos nila ang lahat subalit marami pa rin nakalagpas na patak ng apoy.
'Sabrina nandyan ka na sa loob ng sagrado puno. Pagkakataon muna malaman kung sino ang pumatay sa kapwa mo tao sa pamamagitan sa pag sanib sa katawan ng punong iyan,ʼ seryuso sambit ni Liwayway sa akin isipan.
“Pero paano ko yun magagawa? Paano kayo? Mukhang kailangan niyo ng tulong ko,” naiiyak na sambit ko.
'Huwag ka mag alala sa amin, hindi kami pababayaan ng Reyna at Hari. Unahin mo ang iyong misyon na alamin kung sino ang nasa likod ng patayan. Nasisiguro ko sa mga oras na 'to kasalukuyang pinatay ang mga mortal. Isipin mo ang iyong sarili kung nais mo pa bumalik sa iyong pinanggalingan. Hin—ʼ
Hindi na tuloy ang sabihin ni Liwayway na sunod sunod tumama ang apoy sa lupa na sanhi na sunod sunod na pag sabog ang naganap.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Del Pasado Romantico (Completed)
De TodoIsang babaeng nag mula sa kasalukuyang subalit dinala siya ng mga kababaihan sa nakaraan ngunit sa mundo ng Engkanto. Isang babae mula sa nakaraan ang misteryuso nag laho. Sa kaniyang pag dating hindi niya inaasahan may naghihintay na misyon dahil...