20

19 1 0
                                    

Ang Pagdating Ng Reyna

Kahit anong gawin ko para mapansin ni Lucas ngunit sa kasamaan palad ay na bigo ako. Balak ko sa ulitin ang aking ginawa pero natigilan ako na masilayan ang mukha ni Lucas na naging bungo ng panandaliaan.

Nakatitig ako ng ilang minuto sa kaniyang mga mata. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa niya.

“Sino ka?”

“Ako ba ang tinutukoy mo?”

Palinga-linga sa palibot si Lucas. Hindi mapalagay sa kaniyang kinatatayuan hangga't hindi niya mahanap ang nag may-ari ng tinig subalit nagtataka ako bakit hindi niya ako makita. Kung talagang isa siyang Sundo dapat nakita niya na ako.

“Oo, ikaw ang tinutukoy ko. Hindi kita makita subalit nararamdaman ko ang presensya mo, nandito ka lang sa paligid. Sabihin mo sa akin isa ka bang Engkanto o Kaluluwa na hindi ko makita?” takang sambit nito.

“Sa tingin ko kaya hindi mo ako nakita sapagkat buhay pa ako. Nandito ako upang malaman kung sino ang pumatay sa kapwa ko tao. Hindi ko inakala ikaw ang may gawa, ano ang pakay mo? At bakit mo iyo ginagawa?”

Kahit narinig at nasaksihan ko ang nangyari ngunit gusto ko ipaliwanag niya sa akin ng deretso.

“Sinusundo ko na sila sapagkat labis na ang kanilang paghihirap sa mundong ito. Dalawang beses na sila namatay at nasaksihan ang magulong kaisipan ng mga nilalang. Mas mabuti Sunduin ko sila ng maaga bago nila maranasan ang dahan-dahan pagkamatay dito.”

Ngayon alam ko na kung sino ang may gawa ngunit hindi ko alam kung anong nangyari sunod nito.

“L-Lucas,” mahinang sambit ko.

Parang hindi ko kaya mawalay sa kaniyang tabi. Talagang nahulog na ako sa kaniya noong una ko pa lamang masilayan ang kaniyang mukha.

“Sabrina, ikaw ba yan?”

Hindi makasagot sa kadahilanan ayaw ko malaman niya na ako ito. Kusang lumapit ako sa kaniya upang yakapin kahit isa ako kaluluwa gusto ko ipadama sa kaniya ang pagmamahal ko.

Sa maikling panahon nakasama ko siya. Alam ko na sa akin sarili na siya ang hinahanap ko na pag-ibig ngunit masakit isipin mula siya sa nakaraan samantala ako nag mula sa kasalukuyang.

Tumilapon ako sa sobrang lakas ng hangin ang tumama sa direksyon namin. Akala ko babagsak ako sa lupa ngunit hindi ko inaasahan lumutang lang ako sa eri.

Tulala ako nakatingin sa direksyon ni Lucas na kasalukuyang na dahan-dahan nag bago ng wangis. Bumagsak sa kaniyang harapan ang itim na Engkanto na puno ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan.

“Tulungan mo ako...!” huling na sambit ni Itim bago mawalang ng malay.

Na hati ang lupa sa kinalagyan ni Lucas at Itim. Lumabas ang mga banging habang mabilis gumapang patungo sa katawan nila ngunit tumadyak sa lupa si Lucas upang umangat sa eri.

Nag laho si Lucas na parang usok sa hindi ko malaman dahilan.

Kaawa awa ang kalagayan ni Itim mahigpit na pumuluput ang mga banging habang walang tigil sa pag angat ang mga banging patungo sa kalangitan.

Napansin ko ang pag dating ng tatlong taga-bantay. Si Sonia, Liwayway at Apostol nakahanda ang tatlo mag pakawala ng huling atake  subalit na pigilan sila ng bagong dating.

Isang magandang babae ang nakasuot ng may apat na hiyas ang nakadikit sa korona na sumisimbolo sa apat na elemento.

“Itigil ang kaguluhan ito. Akala ko nong una maging mapayapa ang kaharian pinamamahalaan ko. Kung maging tagapangalaga o taga-bantay kayo apat subalit binigo niyo ako,” seryusong sambit ng Reyna.

Walang magawa ang apat kundi ang nanahimik habang abala ang mga mata nito nakatingin kay Itim.

“Cuniculum!” sigaw ng Reyna.

Lumitaw ang isang lagusan sa kaniyang tabi na lubos nag pa gulo sa akin. Sapagkat pamilyar sa akin ito, hindi ko lang maaalala kung saan ko ito nakita.

“Paumanhin mahal na reyna sania kung kami ay nagkasala. Sana ay mapapatawad mo kami,” sabay na tugon ng tatlo.

Itutuloy...

Del Pasado Romantico (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon