21

22 0 0
                                    


22: Ang Pagdating Sa Preaso

“Mahal na Reyna Sania may pakiusap sana ako sa iyo.”

“Ano yun Liwayway?”

“Nais ko sana bisitahin ang aking kaibigan sa sagradong puno, ang punong yun ang tinutukoy ko.” sabay turo ni Liwayway.

“Anong ginawa ng kaibigan mo doon? Sa pagkakaalam ko, lubhang mapanganib ang punong iyong lalo na sa tao, hindi ko tiyak ang kaniyang kaligtasan.”

“Tama ba yun  narinig ko Mahal na Reyna?”

“Hindi ko na kailangan ulitin pa ang sinabi ko Liwayway, hindi ba?”

“Bakit tila gulat na gulat ka Liwayway? May hindi ka ba sinasabi samin?”  takang sambit ni Apostol base sa kaniyang reaksyon.

“Hula ko. Ang babaeng kasama ni Corazon ang tinutukoy  na kaibigan  mo?”

Hindi ko maintindihan ang kanilang pinag usapan sapagkat, parang may hindi magandang mangyari saʼkin.

“Paumanhin Mahal na Reyna. Ang babaeng tinutukoy ko ang ka mukha ni Binibining Cecilia. Kung naalaala mo siya, minsan na kayo nag usap tungkol sa misteryusong nilalang na pumatay sa mga tao naninirahan sa mundong ito.”

“Si Cecilia? Ang babaeng dinukot ng nilalang. Umaasa ako buhay pa siya noong una ko masilayan ang kaniyang kapangyarihan sa palasyo. Kahit ganun pa man walang kasiguraduhan,” gulat na sambit ng Reyna.

“Kung ka mukha niya si Cecilia, Liwayway. Sino siya? At bakit naririto sa kaharian ng mga Engkanto? Ako ang taga-bantay ng himapapawid ngunit wala ako nabalitaan may ka mukha si Cecilia,” takang sambit ni
Sonia.

“Ang Binibining iyun na kilala ko sa sayawan,” mahinang sambit ni Apostol.

Kahit malayo ako sa kanila subalit malakas ang aking pandinig na aking ipinagtaka. Hindi ako sigurado sa aking hinala.

“Mahal na Reyna isa siyang tao at isang Engkanto na mula sa kasalukuyang panahon. Ang hinala ni Corazon kung bakit siya na punta dito. Dahil sa isang misyon na alamin kung sino ang pumatay sa mga tao. Kagaya lang siya ni Cecilia na ang mithiin ang Kalayaan ng mga tao sa kaharian ito.”

Biglang nag bago ang ekspresyon ng Reyna na marinig ang nilahad na katotohanan ungkol sa aking pag katao.

Parang may biglaan pwersa ang humila pabagsak sa kanilang tuhod hanggan sila ay napaluhod.

“Liwayway...!”

Nakakatakot na tinig ang lumabas sa bibig ng Reyna. Parang ibang Engkanto ang nasa harapan nila.

“Hindi dapat nakapasok ang isang kalahating Engkanto sa sagradong puno. Baka ito ang maging sanhi na pag ka sira ng balanse ng aking kaharian…!”

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Gusto ko malaman kung anong mangyari sa akin subalit hindi nila ako nakikita sapagkat isa na lamang ako kaluluwa.

Hindi ko maintindihan ang sinabi ng Reyna. Gusto ko manatili upang malaman ang buong katotohanan subalit hindi pumayag ang panahon na unti unting ako nag laho na parang usok.

Wala akong magawa kundi ang sumigaw. Napalingon sila saʼkin  direksyon ngunit huli na ang lahat para malaman nila na ako'y nasa paligid lamang.

...

Sa pag mulat ng aking mga mata kagandahan ang unang nasilayan ko subalit hindi nag tagal ay dahan-dahan napalitan ng mala impyerno ang palibot.

Hinanap ko ang daan palabas sa lugar na ito. Kahit anong lipat ko sa kung saan sulok ngunit ako'y nabigo.

“Ano ito?!”

“Nandito ka sa pangitan ng oras ng nakaraan at kasalukuyang. Hindi ka dapat na punta dito sapagkat hindi ka na makakabalik pa sa iyong pinanggalingan…!” natatawang sambit ng nilalang na mula sa kadiliman.

“Hindi ako maaaring mag ka mali ikaw ang nilalang sa panaginip ko at pilit na pumasok sa isipan ko.”

“Ako nga walang ng iba.”

“Sabihin mo may paraan pa...!”

Sa kisapmata ng mata umiikot ang palibot at napalitan ng magandang tanawin na mahalin tulad sa paraiso.

Natagpuan ko ang isang lalaki na kasalukuyang walang tigil kakabasa sa hawak na libro. Sa paglingon nito sa direksyon ko.

“Sino ka?”

“Ako ang nilalang na tinutukoy mo. Nandito ka ngayon para tapusin ang misyon mo ngunit kung hindi ka mag tagumpay alam mo na ang kahinatnat ng bunga ng kabiguan mo.”

“Paano?”

Nalilito ako, hindi ko maunawaan na sinabi niya lahat saʼkin ang dapat kong gawin. Si Lucas kailangan ko isama sa pag balik ko upang ako'y makabalik sa katawan ko.

“Naipaliwanag ko na sa iyo ang dapat kong gawin. Ngunit may hindi pa ako sinabi saʼyo. Sasabihin ko ito sa iyo kung ika'y mag tagumpay. Paalam!”

Umiikot sa buong katawan ng lalaki ang mga dahon at sa pag bagsak nito sa lupa kasabay naman ito nag laho.

Itutuloy...

Del Pasado Romantico (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon