Chapter 4 - The Event

5 1 0
                                    

SCARLETT P.O.V

It's already the day of the week, ito na ang pinakahihintay na araw ko sa buong linggo. I've been waiting for this day and I'm very excited so I prepared early.

I put light red makeup and then red lipstick to make me look very attractive. I curled my hair a bit, para naman may ayos ang buhok ko kahit papaano. Kinuha ko ang contact lens na binigay sa akin ni Syl nung isang linggo, nang maisuot ko ay kaagad may lumabas na loading.

"What the fuck?" napamura ako dahil sa nakita.

Pinikit ko ang mata na may suot na contact lens at hindi ko nakita ang salitang loading, kaya naman nung binuksan ko ang isa kong mata ay lumabas ulit.

Cool. Naantig ako dahil sa kakaibang mayroon itong contact lens na 'to, kinuha ko ang earing na mayroong nakadikit na hearing device kung saan maririnig ko ang sasabihin ng kasama ko at ako lang ang makakarinig ng iyon.

I stood up and stood in front of the mirror, pinagmasdan ko ang sarili habang paikot ikot sa salamin.

"Gosh, I'm so pretty. Nagmana talaga ako sa mommy ko" papuri ko sa sarili ko.

Ngumiti ako sa salamin at naglakad sa kama saka kinuha ang cellphone. Nabigay ko ba kaya kay Ace yung phone number ko o hindi?. Habang hinihintay ko si Ace ay nanonood ako ng satisfying organizing refrigerator at refilling foods.

"Gagawin ko talaga 'to pagnagka asawa't anak na 'ko" mahina akong natawa dahil sa sinabi.

Maya maya pa ay may tumawag sa cellphone ko na ikinainis ko. Ang ganda ganda ng pinapanood ko, istorbo ka talaga kahit kailan Syl!.

"Moshi Moshi" bati ko.

"Handa ka na?" tanong nito.

"Oo, kanina pa. Alam mo sobra excited nga ako eh" sagot ko rito.

"Don't be too excited" ani nito.

Sumeryoso ang boses ko. "Why? Is there something wrong with being excited?" tanong ko rito.

Natahimik ang kabilang linya ng ilang segundo hanggang sa magsalita ulit siya.

"Nevermind, I'll be there first. Hihintayin na lang kita roon" ani nito.

"Okay" sagot ko.

Binaba ko ang tawag saka humingan malalim at sumilip sa bintana. Wala pa siya, kailan kaya siya pupunta. Napabuntong hininga na lang ako at saka tumayo, lalayo na sana ako sa bintana ng may biglang bumisina sa labas ng bahay kaya naman napasilip ako.

Nakita ko ang isang lalaking naka formal attire at nakaayos ang buhok, tumingala siya at tumingin sa bintana kung nasaan ako saka kumaway.

Aba ang gago napakagwapo. Kaagad king kinuha ang cellphone, wallet, at bag ko saka dali daling lumabad ng bahay.

"Hey" bati nito sa akin na may ngiti. "Ready ka na?"

Tumango ako. "Yes of course, kanina pa nga ako ready" sagot ko.

Natawa ito. "You seem so very excited" ani nito.

Ngumiti ako sa kaniya. "Tara na, baka ma late pa tayo" sambit ko rito saka pumasok sa loob ng kotse nito.

Nang makapasok na siya ay kaagad niyang pinaandar ang kotse patungo sa Red Rose Event kung saan gaganapin ang Party Celebration. I'm very excited!. Hindi mai-alis sa mukha ko ang pagkasabik.

"You look dazzling gorgeous tonight" Kumento nito.

Liningon ko siya. "Thank you. You look handsome as ever, Ace" komplemento ko pabalik.

Darker Than The Darkest Shade Of Black - Mavros Trilogy 1 (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon