Chapter 2: Weird Guardian

1.8K 99 4
                                    

-River Ehren Cruzveda's POV -

"Good Morning, ma." bati ko kay mama pagkababa ko galing sa kwarto. Nasa kusina na kasi sila ni Yuwi at kumakain.

"Hey, batiin mo din si Yuwi!" sabi ni mama sabay turo kay Yuwi na tahimik na kumakain. Anong oras kaya nagising to?

"Good Morning, Yuwi " pormal na bati ko na tinanguan lang naman siya.

Naka-uniform na to at mukhang handang handa na. Ang aga siguro niyang nagising samantalang nauna pa akong nakatulog dahil dinaldal pa si ni mama kagabi.

"Hey, Son, wake up! Tulog pa ata kaluluwa mo. Tulala ka pa. Kumain ka na tapos sabay na kayo ni Yuwi pumasok." my mom said while pointing at me. Sabay? Pshhh... Umupo nalang ako tsaka kumuha ng pagkain ko. Wala kaming katulong... Sa laki ng bahay namin. Kami lang ni mama ang naglilinis, minsan nagpapalinis si mama sa mga utility personnel ng Office. Ayaw niya kasing may katulong sa bahay.

"You and Yuwi will be classmates. I also register her to your club and I requested to your teachers that you should be paired with each other ALWAYS." My crazy mother said emphasizing the word "always". Hindi kaya magkaumayan na ng mukha pero kung sa bagay gwapo naman ako kaya di siya mauumay.

"If she's fine with my girls." pabirong banta ko tsaka tinignan si Yuwi na mukhang wala namang pakialam.

"No, It should be ' If your girls are fine with her', son." sabi ni mama sabay wink sa akin. Now, that's gross.

"If that's so." sabi ko nalang at baka kung saan pa mauwi ang usapan.

"Yuwi, kumain ka pa. Make your self at home." sabi ni mama. Tumango tango naman siya ulit.

"Hindi ka ba nagsasalita?" tanong ko dahil pagkatapos niyang magpakilala kahapon ay hindi ko na siya narinig magsalita. Kahit bago matulog kagabi o nung nagkukwentuhan sila ni mama ay panay tango lang siya

"Hahaha... Oh my Son, I forgot to tell you. Hindi nagsasalita si Yuwi pag may pangit sa paligid." sabi ni mama na nang-aasar.

"Stop it ma. Gwapo ako. Not just that, I am perfectly handsome." sagot ko naman sa kanya. Hindi ako nagyayabang, nagsasabi lang ako ng totoo.

"Che! Lumayas ka na nga. Malelate na kayo." sabi ni mama kaya binilisan ko nalang ang pagkain. Nag-ayos muna ko ng mga 30 minutes bago umalis.

"Bakit dala-dala mo pa yang espada mo?" tanong ko. Nakasabit pa kasi sa likod niya yung espada niya.

"Katana." pagtatama naman niya sa akin. Katana, espada, parehas lang naman yun.

"Iwan mo na yan. Bawal sa school yan." sabi ko nman sa kanya dahil ayoko ng abala mamaya sa school pero hindi naman niya pinansin yung sinabi ko at sumakay na backseat ng kotse ko.

"Hey, Do I look like your driver?" tanong ko pagkabukas ko ng pinto ng backseat. Ang swerte naman niya kung kasing gwapo ko ang driver niya.

"Fine." sabi lang niya tsaka lumipat ng upuan. See, tipid talaga magsalita. Hindi na lang ako umimik at sumakay na din sa sasakyan ko. First time komh idadrive tong sasakyan dahil regalo lang to ng isa sa mga ninong ko kahapon. Cool right?

After 20 minutes nasa parking lot na kami. May mga taong nag-aantay sa space kung saan palagi kaming nagpaparking ng mga kabanda ko at malamang nandito na sila dahil nakapark na yung mga sasakyan nila.
Mahirap talaga kapag gwapo, madaming umaaligid.

"Day dreaming?" tanong sakin ni Yuwi na nasa labas na pala at nakadungaw sa bintana ng kotse ko. Lumabas naman ako bago siya sinagot.

"Nope. Just praising myself." sagot ko naman.

My Doll like GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon