Sabrina's Pov
"You look weird, parang iba ang aura mo ngayon. Tell me did something happened?"
Inalis ko ang tingin sa notebook na sinusulatan ko ko at humarap kay Nicole na weird na nakatingin sakin. We're here in the cafeteria waiting for Bella na hindi na namin alam ngayon kung anong pinagkakaabalahan at bigla-bigla na lang nag didissapearing act.
"Paano mo naman nasabi?" Kunot noong tanong ko.
"Para ka kasing baliw diyan habang nagsusulat ngingiti ka pa na parang kinikilig na hindi ko maintindihan. Kinikilabutan ako sayo promise." Yinakap pa niya ang sarili na aktong kinikilabutan tinawanan ko na lang siya.
"Di nga? Ano nangyari?" Tanong niya, nagkibit balikat na lang ako saka yumuko at pinaglaruan ang ballpen ko then smiled dreamily. Pag naalala ko kung paano ako tawaging best friend ni miko the other day. Hindi ko maiwsan na hindi kiligin at mapangiti. After our little bonding the other day nagusap pa kami ni Miko through our white boards kinagabihan. Ang weird man kasi pwede naman kaming mag text na lang but still I preferred that way nakikita ko pa expressions niya plus I find it sweet. Hindi ko tuloy maiwasan na mag assume that we two were back as being best friends.
"See para ka ng baliw. Natutulala ka tas ngingiti walang dahilan. Mga Inlove lang guma-... Teka wait inlove ka ano?"
Binato ko na lang si Nicole ng ballpen. Ang lakas talaga ng instinct ng babaeng ito biruin niyo nasalo niya agad? She playfully grinned at me. Sinimangutan ko na lang siya.
"Girl nakita mo na ba yung mga pictures na nakapost sa bulletin board?"
"Yeah, grabe hindi ako makapaniwala..."
"Magakakaron na nga lang ng kabit si Miko don pa sa panget."
Parehas kaming natigilan ni Nicole ng tumigil samin yung dalawang babaeng naguusap.
"Diba ikaw yung nasa picture?"
Kunot noong tiningnan ko sila. "Anong picture?"
"Kunwari ka pa!? Yung nasa bulletin board yung magkasama kayo ni Miko."
"Ang kapal naman ng mukha mo na landiin si Miko. Sa panget mong yan."
"Hindi ko ala-"
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko ng biglang hinampas ni Nicole ang mesa sabay tayo iniumang niya ang hawak na tinidor sa dalawa. Nagulat naman ang dalawa at nahihitakutang tumingin lang kay Nicole.
"Aalis kayo sa harap namin o tutusukin ko ng tinidor yang mga mata niyo!?"
Mukha namang nasindak yung dalawa kaya nagmamadali silang umalis sa harap ng mesa namin.
"Ano kayang sinasabi nilang picture?"
"Bakit kaya hindi natin tingnan?"
Tumango na lang ako bilang pagsangayon. Tiningnan namin sa bawat bulletin boards yung tinutukoy nung dalawa ngunit wala naman kaming nakita.
"Baka hindi naman bulletin boards?"
Hinimas-himas pa ni Nicole ang baba na waring nagiisip. Then napatingin siya sakin na mukhang alam na niya kung nasaan, na gets ko naman agad kung anong nasa utak niya.
"Shet! Baka nasa freedom wall!"Nagpapanick na sabi ko. Mabilis kaming pumunta ni Nicole sa freedom wall sa harap ng Aquinosn building. Ang freedom wall ay isang malaking bulletin board kung saan malayang nakakapagpahayag ang bawat estudyante sa WU ng kanilang sa loobin.
BINABASA MO ANG
You Belong With Me ♥(Complete)
Teen FictionHe is a campus prince I am the campus freak He is a basketball heartthrob I am a nobody but a nerd I AM IN LOVE WITH HIM... He is in love with somebody else.... We used to be childhood bestfriends but now? ...