A/N: Hello! This is just a SHORT update. Here’s the Chapter 10! Hope you’ll like it! Enjoy reading!
Quote for the day:
• Love is the emblem of eternity. It confounds all notion of time. It effaces all memory of a beginning. And all fear of an end.
------------------------
Denzel Sean’s POV:
“A-ano?! K-kayo ang bagong kapit bahay na-namen?!” Hindi makapaniwala kong tanong.
“Oo. Hihi.” Sagot niya.
“Tch. Aalis na ‘ko.” Sabi ko at tinalikuran na siya.
“T-teka, uuwi kana ba?” pasigaw niyang tanong.
“Oo.” Walang gana kong sagot habang patuloy sa paglalakad.
“Hintay naman! Sasabay na ‘ko sayo!” sigaw niya pero mas binilisan ko pa ang paglalakad para hindi niya ‘ko maabutan. Bahala ka diyan kabute, humabol hangga’t gusto mo. Tch.
Rinig na rinig ko ang pagtakbo niya papunta saken. Pero wala akong pakealam. Mas binibilisan ko pa para maiwanan siya. Nakakasira talaga ng araw ‘tong kabuteng ‘to. Minsan kana nga lang lumabas ng bahay siya pa ‘yung makikita mo. Ang masama pa, katapat nalang naming siya ng bahay. Aish. Badtrip talaga. Bahala na siya----
“Aray!” napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. Nakita kong umiiyak na siya dahil sa nadapa siya. Ewan ko sayo. Tch. Aalis na nga ‘ko, “T-tulungan mo naman a-ako, Denzel…” Aish, konsensya ko pa! Bwisit naman oh.
“Napakalampa mo kase.” Sabi ko at naglakad pabalik sa kanya, “Tingnan mo, nasugatan ‘tong tuhod mo. Huwag kana kasing tumatakbo. Dumudugo oh.” Hinawakan ko naman ang tuhod niya.
“Aray, d-dahan-dahan, mahapdi *sob*.”
“Tch. You know what, I don’t like seeing girls crying. So can you please stop it?” iritado kong sabi at inalalayan siyang tumayo.
“Salamat. P-pasensya na *sob*.” She said then wiped her tears.
“Now, let’s go. Umuwi na tayo.” Sabi ko.
“Pero masakit ang tuhod k-ko…” sagot niya at tumulo na naman ang luha niya.
“Tch. Halika nga. Dun tayo sa bench.”
Inalalayan ko siya hanggang sa makaupo siya at ako naman lumuhod sa harapan niya para itali ang tuhod niyang may sugat. Ginamit ko nalang ang panyo ko para matali ‘yon. Baka kase ma-infection para dahil sa alikabok. Nung una naiilang pa siya kaya dinahan-dahan ko na ang pagtali. Pangiwi-ngiwi pa. kung hindi sana niya ko hinabol, hindi siya masusugatan ng ganito.
“Done! H-hey, why are you still crying? What do you want me to do? Hindi ko na alam kung paano kita patatahanin. Maliit na sugat lang ‘yan. Malayo sa bituka. Tinalian ko na nga eh. Tumigil kana sa pag-iyak.” Sabi ko habang nakaluhod pa rin. Bakit ko ba sinasayang ang oras ko sa kabuteng ‘to?
“May dugo kase. T-tapos mahapdi p-pa.” sagot niya na halos pabulong lang.
“Tahan na, Brianna. Kung hindi ka makalakad ng maayos, aalalayan nalang kita hanggang sa pag-uwi okay? Ssshh.” Sabi ko at pinunasan ang mga luha niya.
“S-sige, tara na.” sabi niya at tumayo na.
“Yeah. Let’s go.” Sabi ko at inalalayan siya hanggang sa makauwi kami.
I don’t understand myself. Why am I doing this? Diba naiinis ako sa kanya? bakit sa isang pag-iyak lang niya natatanggal ‘yung pagkainis ko? Am I attracted with a fan girl of mine? No, no, it’s too impossible! But darn, I don’t like seeing her crying! Hey, cut that crop. I’m still young to have that love life! I’m just a fvcking 7 years old for pete’s sake! What’s with you?! Kung ano man ang nasa isip niyo, tigilan niyo na ‘yan. Panira kasi ‘tong babaeng ‘to eh. Magbabasa nalang ako ng libro pag-uwi ko. Malas na araw ‘to. Tch. At isa pa, itatapon ko na ‘yong binili kong libro na Love sickness. Pati ako nadadala sa mga nababasa ko. History nalang ang babasahin ko. Bwsit na libro ‘yon.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...