CHAPTER 8

123 2 0
                                    

     Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock malapit sa gilid ng kama. Bahagya kung kinusot ang mga mata at nag-inat ng paa kasabay ng pag ngiwi dahil sa naramdaman na hapdi sa parting gitna.

Agad namang kumalabog ng pagkakabilis ang aking dibdib na animo'y may mga kabayo na nag uunahan sa finish line doon ng maalala ang nangyari. Ang dahilan kung bakit may kumikirot na masakit sa parte na ayon. Naramdaman ko ang init na dumaloy paitaas sa aking pisngi na natitiyak ko na parang isang hinog na kamatis ito kung titingnan.

I can't believe for what happen, parang kahapon lang sobrang layo pero kinabukasan ay naabot ko na agad ang aking simpleng pangarap. Simpleng pangarap na sana ay maayos na ang pagsasama naming dalawa ni Judd, sa tagal ng paghihintay ngayon ay unti-unti ng nakakampatan.

Pero paano kung ang kaligayahan at saya na nararamdaman ngayon ay bawiin din agad?

Napailing nalang ako sa naiisip at nagkibit balikat.

Ibinaba ko ang paa mula sa kama at nakita ko pa ang iilang mantya ng dugo doon. Bahagya akong napangiti at nagpapadyak ng paa. Ito ang tanda na siya ang nakauna sa akin, na sa siya ang nauna wala ng iba.

Daig ko pa tuloy ang teenage kung kiligin dahil hinalikan ng crush sa kanto. Like 'totoo ba talaga 'to o panaginip lang?'

Para malaman ay kinurot ko ng kaunti ang aking pisngi ngunit hindi ako kontento kaya naman sinampal ko nalang ang aking sarili.

"Ouch." Daing ko at mabilis na pinispis ang pisngi dahil sa sakit.

I heard the door open, at iniluwa noon si Judd, topless at naka apron. Dala ang pagkain na nasa tray, may magaan na ngiti na isa sa naging dahilan kung bakit ako na inlove sa kanya.

Totoo nga ang lahat natitiyak ko, kasi kung panaginip lang ito bakit hanggang ngayon nasa harapan ko pa rin si Judd?
"Breakfast in bed." He said and chuckled. Nabalik ako sa katinuan dahil sa hagikhik nito. Parang gusto kung mangisay dahil sa kilig na nararamdaman.

Hindi ko alam ang gagawin, ngingiti ba o maiilang sa presensya niya. Lumapit ito sa gawi ko at ibinaba ang dala sa ibabaw ng kama.

"Pwede naman na doon nalang ako sa kusina kumain." Nahihiya na ani ko habang nakayuko.

Ramdam ko ang paglipat nito sa likuran ko at bahagyang niyakap ako habang nakatalikod sa gawi niya. Heto na naman ang ang mga kulisap at paru-paro, nag sisisayawan na naman sa loob ko. Lintek talaga ng walang ganti.

"This is our first day, Sam. Pag bigyan mo na ako." Sabat nito at pinaulanan ng halik ang aking braso hanggang sa likod ng tenga ko.

Sh8t! Agang-aga!

Gusto ko pa sanang kiligin not until he placed his hand in my tights. Napapikit ako ng mariin dahil sa nararamdamang init ng katawan, grabe! Hindi ka ganyan dapat Veron! Labanan mo!

"Let's make love, again." he whispered.

"Nakarami na tayo kagabi." medyo nahihiya ko pa na sagot at narinig ang bahagya nitong pagtawa. "Stop laughing, Judd." Nahihiya kong sita at tinapik ang braso nito na ngayon ay nakapulupot na sa bewang ko.

Grabe! Di ako sanay, noong nakaraan lang sakit at kalungkutan ang nararamdaman ko pero ngayon! Shit! Kinikilig ba ako? Kilig ba 'to?! Kung oo pwede ba na pakisapok ako?

"I'm not laughing." Depensa pa nito sa sarili kahit alam kong nagpipigil lamang ito sa pagtawa. Ramdam ko ang pagyugyug ng balikat niya kaya mas naiinis ako.

"What ever." Maarte kong sabat at nagpasya ng tumayo.

Halos takasan ako ng kaluluwa dahil sa biglaang paghigit nito ng kumot at nalaglag 'yon sa sahig, bigla kung tinakpan ang aking katawan gamit ang kamay ngunit hindi sapat upang matakpan ang kabuuan.

BS 01: The Billionaire's Wedding PlanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon