"Aalis nga pala ako," walang ganang tugon ni Dreams habang abala na inaayos ang dadalhin niyang bag na nakapatong sa lamesa. "Pupunta ako kina April ngayon, 'di naman ako gagabihin dahil uuwi naman ako agad."
Naroon si Kaiden sa dining table kaharap ang kanyang laptop at kasing bilis pa ng kabayo kung magtipa ang mga daliri niya sa keyboard nito. Tutok na tutok ang kanyang mata roon kaya hindi niya tinapunan ng kahit isang sulyap si Dreams nang magpaalam ito na aalis. Nasa left side niya ang isang can ng san mig at sa right side naman nito ay may slice ng apple.
"K," tipid na tugon ng lalaki rito habang abala pa rin sa pagtitipa sa kanyang laptop.
"Hindi mo manlang ba ako tatanungin kung ano ang gagawin ko don?" Pag-iinarte ni Dreams dahil nakaramdam siya ng kaunting inis dahil hindi manlang nagkaroon ng kaunting pag-aalala si Kaiden sa kanya nang magpaalam ito na aalis papunta kina April.
Sinulyapan siya ni Kaiden at wala pa ring kare-reaksyon ang mga titig na itinapon nito sa kanya. Pinagtaasan niya ito ng kilay. "Malaki ka na, hindi ka na bata."
"Psh! Grabe! Napakaconcern mo talaga sa'min ni baby." Padabog na kinuha ni Dreams ang dadalhin niyang bag saka isinuklib ito sa kanyang balikat. "Makaalis na nga."
Lumarga na si Dreams hawak-hawak ang kanyang payong panlaban sa init ng araw sa labas. Saktong pipihitin niya ang doorknob nang may sunod-sunod silang katok na narinig mula sa may pintuan. Mabilis na napaangat ng tingin ang doktor sa gawi niya, nagtama pa ang kanilang tingin dahil una sa lahat wala silang inaasahan na bisita nong araw na iyon.
"May inaasahan ka bang bisita, Doc?" Tanong niya sa kanyang kasama.
"None," sagot ng lalaki saka ito umiwas ng tingin.
Kumunot ang noo ni Dreams sa sagot ni Kaiden dahil maski naman siya ay wala siyang inaasahang bisita. Marahan niyang pinihit ang doorknob nang senyasan siya ni Kaiden na buksan ito upang tignan kung sino ang kanilang bisita na nasa labas.
"Uy! Pablo, ikaw pala," gulat na tugon niya nang bumungad sa kanya ang kaibigan. "Bakit ka nandito?"
Pasimpleng tumawa si Pablo saka kinamot ang noo nito. "Sinusundo ka, baka kasi wala kang masakyan sa labas e, mainit pa naman, kawawa si baby."
Napangiti si Dreams sa pag-aalalang iyon ni Pablo sa kanya. "Naks naman! Thank you ah," mahinang tinapik ni Dreams ang dibdib ng lalaki saka sila nag-apir. "Sige, tara na at baka maabutan natin 'yong traffic, mahirap na."
"Pre, mauna na kami." Pagpapaalam ni Pablo kay Kaiden at sumaludo pa ito nang silipin niya ito dahil sinenyasan siya ni Dreams na magpaalam sa binata na abala sa kanyang laptop.
"Doc kamo hindi pre," pabulong na suway ni Dreams ito kaya napakagat labi si Pablo.
"Mauna na pala kami... Doc." Alinlangang tugon ni Pablo sa maayos na paraan hindi katulad kanina.
Tanging tugon lamang ang naisagot ni Kaiden saka ibinalik ang tingin sa kanyang laptop. Hindi na sila nagpaligoy-ligoy pa at lumarga na sila pero nakakaisang hakbang pa lamang si Dreams palabas ng unit ay nagsalita si Kaiden dahilan para mapahinto silang dalawa ni Pablo.
"May bata dyan sa tyan mo," malamig na tugon nito, nasa laptop pa rin ang kanyang tingin. "Mag-ingat ka."
---------------------------------------------------
"Hindi pala concern ah, e kung makatingin sa akin konti nalang sapakin ako kanina e." Himutok ni Pablo nang makarating sila sa bahay nina April.
"Ikaw naman kasi, bakit hindi ka nagsabi na susunduin mo 'ko." Tugon ni Dreams saka sumimsim sa iced tea na inilapag ni April sa kanyang harapan. "Malay mo nagulat lang kaya ganon ang reaksyon niya..... Bes, paabot naman nong mais. Thank you." Kumagat siya sa nilagang mais na bagong luto lang na nasa plato malapit kay April.
BINABASA MO ANG
HER UNEXPECTED PREGNANCY (COMPLETED) SELF-PUB UNDER IMMAC
Novela JuvenilDoc. Kayden, isang doktor na walang balak magkaroon ng pamilya dahil para sa kanya mas mahalaga ang trabaho. Sa pagmamahal niya sa kanyang propesyon, nakalimutan na niyang sumaya at planuhin ang pagkakaroon ng pamilya. Ngunit, isang pangyayari ang b...