Chapter thirty-six: Treasurer
---
Hannah's POV
"Tumigil nga kayong dalawa kukutusan ko kayo"
Hala ano ba kasing nangyari, nagulat nalang kami magsusuguran na sina Seri tsaka Nico.
"Oy, president ka lang sa club pero hindi ka presidente sa klase"
"Ano ba kasing nangyari?"
Nagtatakang tanong ko habang nakikikain ng popcorn kay Lex, pero parang wala lang sa kaniya yun.
Uy caramelized popcorn ba toh?
"I don't have time dealing with a moron like you"
"Sige, umalis ka nalang duwag ka kasi"
Natahimik yung buong klase at nakatingin lang kina Seri, para kaming nanonood ng sine.
Agad kaming nataranta nang bigla nalang humablot ng bangko si Seri, mabilis akong lumapit para pigilan siya. Mabuti at napakalma siya ni Aden kaya wala silang sabi na umalis.
Nakakatakot pala magalit si Seri, alam ko naman na nung una kaming nag-meet na parang nakakatakot siya, hindi ko na nga kukulitin si Seri huhu
Nang makarecover na yung mga kaklase namin ay bumalik na sila sa usapan tungkol sa project, ay! Wala pa nga pala akong partner
"Lucy! May partner ka na? Partner nalang tayo"
Nakita ko si Lucy na nagre-ready nang umuwi
"I'm sorry Hannah pero may partner na ako"
"Nu ba yan, lahat kayo may partner na ako nalang wala"
Si Minzee kasi partner na si Yugen, si Sharlenne narinig ko kanina na tinanong siya ni Lincoln, si Seri naman hindi ko natanong kasi umalis siya kaagad, natatakot naman akong tanungin si Willow dahil baka sungitan niya ako.
Napansin naman ni Lucy yung pagsibangot ko kaya hinawakan niya ako sa balikat
"Don't worry girl, before ako pumayag sa partner ko hinanapan na kita ng partner"
Agad naman nagliwanag yung mukha ko.
"Talaga? Sino?"
"Si Kuya Caspian, tinawagan ko siya kanina and pumayag siya"
Nanlaki naman yung mata ko at hindi na ako nakapag-react nang sinukbit niya naman yung bag niya bago lumapit sa pintuan.
"Puntahan mo nalang siya sa gym, siya na rin maghahatid sa'yo pauwi"
"Teka Lucy--"
"Bye Hannah!"
Kinawayan niya lang ako bago lumabas, naiwan naman ako dun na nakatulala.
Hala si Caspian? Natatakot pa rin akong kausapin siya dahil may atraso ako sa kaniya, maging partner pa kaya. Si Lucy naman kasi
Pinanood ko lahat ng mga kaklase ko na isa-isang umalis habang ako pinag-iisipan ko pa rin kung dapat ko bang puntahan si Caspian sa gym, hanggang sa ako nalang ang naiwan dito sa classroom.
Napatingin ako sa upuan ni Caspian at nakita kong nandun pa rin yung bag niya, dumidilim na rin kaya wala akong choice. Kinuha ko yung bag niya at binitbit kasama ng bag ko, naglakad ako papuntang gym at mukhang nag-uwian na talaga lahat ng mga estudyante.
Nakakatakot tuloy baka bigla ko nalang makasalubong si Casper the ghost.
Nang makarating ako sa entrance naririnig ko na agad yung talbog ng bola tsaka yung tunog ng sapatos sa sahig, mag-isang naglalaro si Caspian.
BINABASA MO ANG
The Pieces Of The Mafia's Heart
Teen FictionThey always say follow your heart, but what if your heart is shattered into million pieces... which piece do you follow? [Language: Tagalog]