Mula sa likod ng kotse na kinatatayuan ko hanggang sa kayang maabot ng mga mata ko ay naguumapaw ang mga zombie.
Hindi ko maintindihan kung bakit naguumapaw ang mga zombie sa buong stretch ng Jose Abad Santos Avenue. Hindi naman malaki ang population ng San Fernando ah.
Saglit kong pinagaralan ang paligid ko kung pano nangyari ang sitwasyon na 'to—sa loob ng limang minuto ay pinagmasdan kong mabuti ang lugar at mga zombie. Ang una kong napansin ay maraming bus sa paligid—dito malamang nanggaling yung mga ibang mga zombie. At dahil highway ang lugar, madaming bus na nadale at naging zombie. Pangalawa, sa gitna ng daan ay may stage at malalaking sound system walang tigil sa pagtugtog; mukang may isang rally na naganap dito at yung malakas na tunog ng sound system ang nag-attract ng attention ng mga zombie. Pangatlo at ang sa tingin kong pinakamalaking dahilan, may isang zombie abnoy sa may gina ng stage na parang ina-attract yung mga zombie na pumunta sa may stage. Naalala ko tuloy yung negrong zombie sa Land of the dead, pero ang pinagkaiba lang nila e um-attract lang zombie ang kayang gawin nitong abnoy.
Mga 100 meters away yung pinakamalapit na convenience store. Ayokong mag take ng risk, pero kailangan kong magrestock ng supply. Hindi ko pa alam kung may makikita pa akong pwedeng pagkunan ng stock dahil nalimas na lahat ang mga essential stock sa mga tindahan na dinaanan ko—malamang isa sa mga nanlimas yung grupo ng mga lalake kanina—Kaasar!
Sinubukan kong sumimple na pumunta sa convenience store habang nagtatago sa likod ng mga kotse at mga poste—hindi mapigilan ng katawan ko na manginig ng sobra. Pakiramdam ko na any moment e pwedeng akong malunod sa dagat ng mga zombie.
Nang mga oras na yun ay dinapuan na ako ng takot at kaba kaya nagdisisyon na akong umatras, pero habang umaatras ako ay may isang zombie sa ilalim ng isa sa mga kotse na napansin ako at sinimulan akong habulin.
Agad kong dinispatcha yung zombie gamit yung rounded crowbar ko. Pagkatapos kong banatan yung zombie ay nagtuloy-tuloy na ako pabalik sa bisikleta ko.
Sa pagmamadali ko ay natamaan ko yung isang kotse at napatunog yung alarm na agad namang kumuhan ng attention ng mga zombie sa paligid.
Hindi na ako nakapagisip kaagad kaya diretso sakay ako sa bisikleta at binilisan ko ang pagpedal palayo sa mga zombie—napakalaking pagkakamali ko na yung simpleng bagay na yun ay hindi ko man lang napansin. Kailangan kong mas maging alisto, pero ang hirap maging alisto kapag gutom at uhaw ka—nagsisisi na ako bakit ko pa binigay yung huling tubig at pagkain ko doon sa sundalo kanina na hindi ko naman sigurado kung buhay pa o zombie na sa mga oras na 'to.
Nang feeling ko na nakalayo na ako sa mga zombie na humahabol sa akin ay binagalan ko na ang pagpedal, pero pag lingon ko sa likod ko ay may tatlong sprinter na humahabol sakin.
Agad kong binilisan ang pagpedal ko sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue pabalik sa Nlex—habang dumadaan ako sa Nlex ay napansin ko na malinis pa rin yung daan at deds na yung mga zombie—dito rin siguro dumaan yung grupo ng mga lalake kanina. Buti na lang at dito ako dumaan dahil kung tinuloy-tuloy ko yung kahabaan ng Jose Abad Santo Ave ay baka dumami pa ang mga zombie na humabol sakin. Tama na 'tong tatlong sprinter na humahabol sakin.
Sa tatlong sprinter na humahabol sakin e yung pinakamatangkad ang pinakamabilis halos 30 meters lang ang layo niya mula sakin, sa sa mga oras na yun ay halos 40 km/hr na ang bilis ng pagpepedal ko sa highway. Yung dalawa naman e 80-90 meters away mula sakin kaya pwede muna akong magfocus doon kay tangkad bago dun sa dalawa—kailangan ko nang tapusin 'to, bago pa maubos ang natitira kong lakas.
Bigla kong pinihit pakaliwa yung bike papunta sa may open space sabay talon pababa. Agad kong sinangga yung crowbar sa atake ni tangkad—medyo nanginginig pa yung binti ko, pero pinilit kong ibaliktad si tangkad pahiga sa sahig at agad ko siyang sinaksak sa ulo gamit yung dulo ng crowbar.
Pagkatapos kong banatan si tangkad ay mga 20 meters na lang ang layo nang dalawa pang sprinter kaya tumakbo ako pabalik sa may highway kung saan maraming sasakyan—pwede kong gamitin yung mga sasakyan para mapaghiwalay sila at isa-isang banatan.
Pumasok ako sa ilalim ng isang truck kung saan sumunod naman yung dalawa—sakto at mas nauna yung isang sprinter—agad akong lumabas sa kabilang dulo ng truck at inabangan yung sprinter. Paglabas na paglabas ng ulo niya ay agad kong sinaksak yung crowbar sa ulo niya.
Pagkatapos kong mabanatan yung pangalawang sprinter ay tumakbo ako ulit para mai-set-up ng maayos yung huling sprinter. Kaya lang pag takbo ko ay bigla na lang na namulikat yung binti ko at napasubsob ako—sinubukan kong tumayo, pero wala na akong lakas para itayo ang katawan ko dahil sa pulikat ko sa binti at mabilis na papalapit sakin yung huling sprinter.
Agad akong gumapang palayo, pero agad naman akong naharangan ng kotse sa likod ko kaya napasandal na lang ako sa kotse. Pagkasandal na pagkasandal ko sa kotse ay ang mabilis na talon ng sprinter paatake sakin—hindi ko expect na may pagka-abnoy pala itong huling sprinter dahil hindi nature ng sprinter na tumalon—buti na lang at agad kong naisangga yung crowbar sa pagatake niya.
Nang mga oras na yun ay sagad na sagad na ang lakas ko at ramdam ko na na bibigay na ang katawan ko. Unti-unti na akong nahihilo at nanlalambot—sa mga sumunod na segundo ay bigla na lang nag-flash lahat ng magagandang ala-ala ng buhay ko at mga pangarap ko sa buhay—dito na ba magtatapos ang buhay ko?
At sa pinakahuling patak ng lakas ko ay itinulak ko yung sprinter, pero hindi man lang siya napaatras—sumuko ang will ko to survive at nawalan ako ng malay.
At ang huli kong narinig ay ang boses ng isang Angel bago nagdilim ang lahat.
BINABASA MO ANG
Zombie nga diba!?
PertualanganBook 2 ng Zombie Sila Tanga! Nagtapos ang Story ni Sam, Jun at Angel sa pagiwan ni Sam kay Jun at Angel sa mall at ang pagdisisyon ni Sam na pumunta ng Malacaniang magisa para i-meet si Dr. G, ang doctor na susi sa lahat ng ka-zombiehan na nangyayar...