KABANATA 6

11 0 0
                                    


 💎ISABELLA💎

Alas tres ng madaling araw na nakauwi si lolo sa kubo. Di rin nagtagal dumating na din si Ka-Roger para kunin ang mga pinamili ni Lolo sa bayan.


Yan kase ang magsisilbing buwis namin para sa mga rebelde dito sa Balencia. Habang napapakinabangan pa nila kami di nila kami sasaktan.



" Ka-Tasyo, nabalitaan mo na ba ang medical mission sa Sitio Sampaguita! " tanong ni Ka Roger kay Lolo.


Nakikinig lang kami ni Shadow sa usapan nila dito sa ilalim.


" Hindi! Mag memedical mission na naman sila dito? Hindi talaga nadadala ang mga taga syudad na yan! "


" Paano naman sila madadala,mukhang wala naman silang ka alam-alam sa tunay na nangyayari sa bayan ito "


 " Si Gobernador, sukdulan na talaga ang kasamaan niya. Gagawin niya talaga lahat mapunduhan lang ang masamang binabalak ng mga rebelde dito sa Balencia. "


" Anong gagawin natin Ka-tasyo, manunuod na naman ba tayo habang may mga buhay na naman nakakalas sa ating Sitio. Mga inosenteng doctor at nurse na naman ang mabibihag ng mga rebeldeng Isis. " malungkot na sabi ni ka-Roger.



Nitong nakaraan lang kase sila din ni Lolo ang nag libing ng mga bangkay ng mga huling hinostage ng mga rebelde.Yung iba sa kanila sinunog nalang.

Sobrang kalunos-lunos ang sinapit nila dito sa bayan namin. Lalo na yun mga babaeng doctor at nurse . Hindi ko maatim kong gaanong pagpapahirap ang sinapit nila bago sila pugutan ng ulo ng mga rebelde.Nakakatakot ang kasamaan sa lugar namin.


 " Hangang kelan ba tayo magsusunud-sunuran sa kanila Ka-Tasyo " tanong ni Mang Roger kay lolo.


" Hangat wala pa tayong magagawa para lumaban sa kanila Ka-ROger. Kailangan natin sumunod para sa kaligtasan natin " 


" Wala ba tayong magagawa para hindi matuloy ang medical mission nila dito sa sitio natin. Hindi ba natin sila pwedeng bigyan ng babala para wag na silang tumuloy dito " tanong ni Ka-Roger kay lolo.


" Mainit ang mata nila Cobra satin, alam kong meron silang mata sa simula pa lang ng medical mission. Hindi tayo basta-basta makakalapit sa mga Doctor at Nurses para kausapin sila"


" Anong gagawin natin, siguradong magiging madugo na naman ang gubatnon sa mga susunod na araw "


" Mayroon akong kaibigan sa sitio dahlia, magtutungo ako sa kanila ngayon. Susubukan ko siyang kausapin na bigyan sila babala. At sana makinig sila at wag na tumuloy dito sa sitio Waling-Waling "


" Tama ka-Tasyo, ligtas sila sa sitio Sampaguita dahil madami naman militar na nakabantay doon. Ngunit pag nagtungo sila dito sa sitio natin. Madali silang madudukot ng mga rebelde " sagot ni Ka roger sa kanya.


" Kaya nga't humayo kana, ihatid mo na yan mga gamot at gamit sa kuta nila cobra. At subukan mong mag manman sa kanila baka sakaling malaman natin kong anong binabalak nila sa medical mission na magaganap. "

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon