"So, you're an animator?"
Muntik ko ng mabitawan ang drawing tablet at stylus pen dahil sa pagkagulat. Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita na naman ang apparition ng babaeng hindi ko alam ang significant sa buhay ko.
Akala ko magiging okay na 'ko nang makainom ng Epival pero parang wala na talagang epekto ang mga gamot na nirereseta sa'kin.
"Yung animator at graphic artist pareho lang ba?"
"Totoo ka ba talagang multo ka?" Hanggang ngayon kasi ay di pa rin ako makapaniwala. Ni hindi ko nga alam kung anong paniniwalaan. May dapat pa ba akong paniwalaan?
"Multo na ba talaga ako o ligaw lang na kaluluwa?" Tanong din niya sa sarili. "If that's the case, where's my body?" Muli siyang napatingin sa'kin. "Pa'no ako namatay? Bakit di ko alam? Wala akong maalala."
"Aba'y malay ko." At ewan ko ba sa sarili't kinakausap ko pa rin ang multong 'to.
Naglakad-lakad siya at parang nag-iisip. Huminto din siya sa dating kinatatayuan, sa tapat ng bedside table.
"Lexapro. Epival. Triazolam ..." Isa-isa niyang binasa ang mga label sa pill bottles na nasa ibabaw ng nightstand. "Nagti-take ako ng mga gan'to? Am I mentally unstable?" Tanong niya nang di inaalis ang tingin niya sa mga gamot.
"Akin yan."
Bumaling siya sa'kin. "You're mentally unstable?"
"Kaya nga di ko alam kung ilusyon ka lang o ano." Parang inamin ko na rin na mentally unstable talaga ako.
"Hindi kaya naka-drugs din ako? That I'm currently high? Like...this is some sort of...halucination and..." Nagha-hand gesture habang nagsasalita at sa sahig nakatingin na para bang may gustong i-figure out. "I'm on it?" Bigla siyang napatingin sa'kin at halos bumulwak ang mata. "Like a lucid dream!" Muntik pa 'kong mapapitlag dahil sa pagsigaw niya. "Oh my god! I think I remember something." Nagpalakad-lakad siya at muling nagha-hand gesture habang nagsasalita na naka-blank stare sa sahig "We have this friend who likes psychedelic. Maybe I did drugs too and I'm high per se." Dumeretso siya sa kama hanggang tumagos ang mga binti niya rito, ilang ulit siyang nag-atras abante. "Part lang siguro 'to ng hallucination ko." Parang natutuwa pang sabi niya habang pinagmamasdan ang mga binting tila nilalamon ng kama sa bawat pag-abante niya.
"Kung ikaw may ari ng imagination o hallucination o panaginip na 'to, ba't ako nandito? Ba't ako involve?"
"Siguro kasama kitang nag-drugs?"
Imposible.
"Regulated drugs ang iniinom ko na reseta ng doktor ko. Hindi illegal drugs."
At isa pa, hindi kami close. Rebelde siyang babae na may masayang social life at ako ay isa na ngayong boring na anti-social. Magkaiba ang mundo namin para maging magkaibigan and do drugs together.
"Umalis ka na nga dito."
"I told you, this is my place."
"Apartment ko na nga 'to." Giit ko. Nakikipagtalo ba talaga ako sa multo o imaginary chics? Bakit ba kasi nangyayari sa'kin 'to? Gano'n na ba talaga kalungkot ang buhay ko?
"Why are you the only one that can see me?"
Napatingin ako sa nilalang na nagsabi no'n. Nakasabunot ang dalawang kamay sa kanyang buhok. Mukha siyang estudyanteng nababahala sa thesis o babaeng nawalan ng virginity nang di alam. Basta! Yung muk'ang walang idea sa nangyari o nangyayari.
BINABASA MO ANG
Divine Dramedy
Kurzgeschichten"This story will make you feel sane because you'll either feel less alone in your crazyness or you'll realize how crazy I actually am and you'll suddenly feel normal." ―Nobody said this in the book, but somebody should have