CHAPTER 9: You're only mine

325 3 0
                                    

"P-partricia?" wika ni Yvo pero ako ay nanatiling nakatitig rito.

Ngumiti siya ng makita ako. May dala itong malita kaya nagtaas ako ng kilay habang nakatingin kay Raph.

"It's been a while, Nice to see you again my dear besty"  She said with fale smile.  Ngumiti rin ako kong nais niyang makipag plastikan,okay!

"Kailan kapa nakauwi? "Aniko at ngumiti rin rito.

Bahagyang tumaas ang kilay ko ng makitang hawakan niya si Raph sa braso at kong makadikit rito siya ang asawa.

"Ngayon lang, Sinundo ako ni Raph sa Airport alamo na matagal kaming hindi nagkita " Umiwas ako ng tingin.. Nag-iinit ang dugo ko sa bruhang yon.

"Ahmmm.. Raph where's my room" At aba aba gusto niya pang tumira dito. Malamig kong binalingan si Raph na ngayon ay nakatingin sakin.

Tumayo ako para makaalis rito pero nakalimutan kong hindi pala ako makalakad at muntik ng bumagsak mabuti at nahawakan ako ni Yvo.

"Sis, Ayos kalang?"Tumango ako at nagpahatid sakanya sa silid ko.

Bigla siyang tinawagan ng mga kaibigan niya kaya agad siyang nagpaalam sakin. Kaya ko naman mag-isa dito. Nag-vibrate yong phone ko pero hindi ko maabot ito.

Sinubokan ko itong puntahan. Napasinghap ako ng mahulog ako sa kama at ang sakit ng braso ko sa lakas ng pagbagsak ko.

Wala pang ilang minuto ng pumasok si Raph sa kuwarto ko. Hinawakan niya ako para itayo pero agad ko siyang tinulak.

"Don't touch me, Madumi yang kamay mo. Kaya huwag na huwag mo akong hahawakan"Bumangon akp mag-isa.
"Wife, Hindi madumi ang kamay ko"Pinakita pa nito sakin ang kamay niya.

"Hah, Hinawakan mo ang lintang  babaeng yon kaya huwag na huwag mo akong mahawak hawakan" Inis ko itong tiningnan pero ngumisi lang ito sakin.

"Natutuwa kapa talaga, Siguro sabik na sabik kana sakan'ya. Ah oo nga naman matagal rin kayo hindi nagkita. At pinatira mo pa talaga  dito without my permission. Bahay korin toh Raph"  Sigaw ko rito.

"Relax, Wife! Kaka-alis lang ni Pat papuntang hotel.. Hindi ko siya pinatuloy dito" Tinulak ko uli siya ng subokan niya akong hawakan kaya napalayo ito.

"Alis, Don kana sa babae mo" Pagtataboy ko sakanya.

Napatili ako ng bigla niya akong buhatin pabalik sa kama. Kinuha niya ang phone na kanina pa tunog ng tunog pinindot niya ito at ni loud speaker pa.

"Hello, Via!! Puwedi ba akong pumonta diyan"

"I'm his Husband, Don't Fucking disturb us to make a baby" Nanlaki ang mata kosa sinagot niya. Agad niyang tinapon ang phone ko dahilan para mabasag ito.

"I'll buy you a new one " Masama ko itong tiningnan.

Nanlamig ako sa kinauupoan ng mabilis niya akong nahalikan at tulala parin ako ng papalabas na siya. Biglang bumokas uli ang pinto at bumalik siya.

Ngumisi ito sakin " By the way, you're fucking cute while you are jealous" Nanlaki ang mata ko. At agad siyang binato ng unan.

Umayos nayong paa ko at nakakalakad narin. Gaya ng sinabi ni Raph ay binilhan niya ako ng bagong phone. Sinundo ako ni Sam dito sa bahay para sabay sabay na kaming pumonta ng school.

Malapit na ang graduation namin so ibig sabihin ay yong pangako  ni Dad na pagkatapos kong mag-aral ay siya na mismo ang gagawa ng paraan para sa Divourse.

Alam ni Raph na ginagamit lang din siya ni Papa para mas lumago ang company niya dati ngayong si Kuya na ang C.E.O  ay gusto narin niya na makipag hiwalay na ako dahil matatapos narin ang kontrata na pinirmahan ko. Yes may kontrata pa bago kami kinalas.

Ako mismo ang humiling non dati na kapag dumating na ang panahong yon pipirma na kami ng Divourse paper.

"Nandiyan naman si Prof, Bakit hindi ka sumabay sa Husband mo?"Masama ko silang tiningnan

"Tsk, Huwag na natin siyang pag-usapan"

Nagtaka ako ng manlaki ang mata ng dalawa at nagbulongan pa.

"May nabuo naba friend, Bakit ang init ng ulo mo?" Kath said.

"Tama ka diyan, Kath! . Via paano niyo ginawa?"  Ano bang pinagsasabi nila.

"Ano.discribe naman diyan" Bakit koba naisipang sumabay sa dalawang ito.

"Walang nangyari,Okay" Inis ko silang tiningnan.

"Why kasi mainit head mo"  Pabibing saad ni Sam kaya muntik kona siyang masapak.

Bumontong hininga ako. "Si Patricia kas---"Hindi kopa natatapos sabihin ng sabay silang sumigaw.

"What?"

"Yong kinukowento mong friend mo dati!" Sam said

"Yong classmates dati ni Raph"Kath said

"Yong Witch nayon" Sam said

"Hindi bat siya ang reason kong bakit kayo ni Raph ay-----Kath! Pigilan mo ako gusto kong mag-mura"   Tumigil ang sinasakyan namin ng makarating kami sa school.

Sinalubong kami ni Yuan at dumiritso ito sakin. Naalala ko bigla yong sinabi sakanya ni Raph. May dala itong flower na binigay niya sakin.

" Yuan---"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko ng pigilan niya akong magsalita.

"I know, Pero may pag-asa pa naman ako hindi ba.. Alam kona ang lahat noon pa at alam korin ang tungkol sa divourse paper. I 'm willing to wait" 

Sinamahan niya ako sa mall para bumili ng regalo. Malapit nayong weeding nila Kuya V at Ariane . Hindi ko naman alam kong anong dapat kong iregalo sakanila kaya pinasama kona si Yuan.

Napatawa ako ng mag papic siya sa Mascot dito sa mall. Agad niya akong hinila para mag pa-picture.

Matapos naming bumili ng gift ay naglibot libot muna kami dito. Napatigil kami ng makita kong sinong nandon sa bilihan ng mga rings..

"Bagay ba?" Ng tumango si Raph ay humagikhik naman si Patricia. At agad na humawak sa braso ni Raph ng makita ako.

Balak kona sanang umalis ng maramdaman ang kamay ni Yuan na hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako ron at agad ring bumalik sa dalawa.

Seryoso itong nakatitig samin si Raph at umigting ang panga niya ng makita ang kamay ko na hawak ni Yuan.. Agad akong hinila ni Yuan paalis don at ako ay nagpahila na.

Naramdaman kong nabasa ang pisnge ko kaya napatingala ako sa langit paglabas namin pero napagtanto kong luha ko pala yon. Agad ko itong pinahid .

Bakit ako umiiyak? Hindi dapat ako naaapektohan? Bakit sumisikip ang dibdib ko?

Tumingin ako kay Yuan na nagtataka itong nakatingin sakin. Kumonot ang noo niya at unti unti niyang nabitawan ang kamay ko.

Mas lalo kong kinagulat ng bigla niya akong hinila at mabilisan ang pangyayari na nahalikan na niya ako.

Hindi nagtagal ay napasigaw ako ng mayroong kamay na humila sakin at malakas na sinuntok ang mukha ni Yuan.

"Walang puweding umangkin sa labi niya,Ako lang. No one can kiss her kundi ako lang.No one can hold her . Kundi ako lang " puro kundi ako lang naririnig ko.

My Husband is my Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon