Friendship Over

84 5 2
                                    

Huminga ako ng malalim. Kaya mo yan, Nichole.

Pumasok na ko sa loob ng classroom habang yakap-yakap ang dalawa kong libro na hindi na nagkasya sa backpack ko. Nakayuko lang ako habang naglalakad at medyo nakahawi rin ang buhok ko dahilan para matakpan ang mukha ko. Dumiretso ako sa upuan ko tsaka nilapag ang mga libro ko sa lamesa. Nakatingin lang ako sa likod niya. Nasa harap ko siya pero ni hindi ko man lang siya makalabit.

Bakit kasi sayo pa ko nagkagusto, ha Nathan? Ang hirap talagang magkagusto sa sarili mong best friend.

Konti palang ang tao sa room. Nakatitig pa rin ako sa likod niya. Lumingon ka naman, please? Mahigit isang buwan na rin tayong magka-away nang hindi ko man lang alam kung bakit. Hindi mo ko kinakausap o binabati man lang. Di kaya.. Di kaya alam mo na? Na gusto kita ha? Kaya ka ba umiiwas? Mas mahirap palang mawalan ng best friend kaysa ng taong mahal mo. Mas gusto ko pa yung dati na inaakbayan mo ko kahit hindi bilang girlfriend mo.. kahit bilang best friend mo lang.

Pinatong ko ang baba ko sa kamay ko habang nag-iisip. Kilala mo naman siya diba, Nichole? Kahit gaano pa kababaw, siguradong may dahilan pa rin siya kung bakit ka niya iniiwasan. Kung bakit siya galit sayo. Kaya sige na! Kalabitin mo na!

Huminga ako ng malalim.

"Bes? Bes, usap naman tayo oh. Galit ka pa rin ba?"

Sabi ko habang kinakalabit ko siya. Hindi man lang siya gumagalaw.

"Bes naman oh."

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko tsaka yun nilayo sa kanya. Padabog siyang tumayo tsaka siya lumabas at sinara ng malakas ang pintuan kaya napunta sa kanya ang atensyon ng lahat ng classmates namin na nandito sa room.

Napayuko na lang ako. Galit siya. Galit talaga. Naiiyak na ko. Ano ba yan, Nichole! Iiyak ka na lang ba ha?!

"Friend, okay lang yan."

Napatingala ako at nakita ko si Rea na nakatayo sa harap ko. Napatingin naman ako sa kaliwa ko at nakita ko naman si Jenny na hinahagod ang likod ko. Pinunasan ko naman ang mga mata ko bago pa lumabas ang mga luha doon.

"Thank you ha?"

"Teka nga, hindi pa rin ba kayo bati ni Nathan ha?"

Sabi naman ni Kristine tsaka niya hinila ang isang upuan paharap sakin. Ganun na rin ang ginawa ng dalawa.

"Obvious ba? Kailangan talaga, ipamukha ha?"

Pabiro kong sabi sa kanila pero deep inside, wala eh. Ang sakit talaga.

"Kasi naman 'teh, sabihin mo na sa kanya yung nararamdaman mo. Sabihin mo sa kanyang gusto mo siya para tapos na!"

Tinignan ko si Jenny tsaka ko siya hinampas.

"Aray ko naman!"

"Sa tingin mo ba ganong kadali lang yun? Alam kong nasa modern world na tayo pero dalagang Pilipina pa rin naman ako noh. Tsaka..gaano ka ba kasigurado na maayos ang lahat ng 'toh kung aamin ako? Mas lalo lang gugulo."

"Alam mo Friend, ang sarap mong iumpog sa pader. Ilang beses pa ba naming isasampal sa mukha mo na.."

Napatingin ako kay Rea nang putulin niya ang sasabihin niya. Nagngitian naman sila tsaka sabay-sabay na sumigaw.

"Gusto ka rin niya!"

Bigla tuloy akong napatakip sa mga tenga ko.

"Aray ko naman! Hindi niyo ko kailangang sigawan!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friendship Over [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon