Chapter 8

130 9 7
                                    

10 9 8 7 6 5 4 3 2 1 .....


Go Andria, kaya mo yan!


Andito ako ngayon sa labas ng office ni Vince. Oh divah, sosyal. May pa office office pang nalalaman eh isa lang din siyang hamak na studyante dito gaya ko.


Tsk.. oportunista talaga. Porke't anak ng may-ari.


But anyway, it's time to fight for dear life. Hingang malalim.


Whew. I need to convince him na wag ako patalsikin. Sayang ang full scholarship ko.


*knock knock knock*


—— -_- ——


*knock knock knock*


—— -_- ——


Ano ba yan, wala naman yatang tao.


Sinubokan kong pihitin yung seradura at bongga, bukas siya. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip. Yung ulo ko lang ang nakapasok.


Wow! Halos magkasinglawak yata ito at ng bahay namin.


Hay, rich boy nga naman. Spoiled, pampered, arrogant, annoying, OA, handso—- I mean panget. Tama, pangit ang ugali, pangit din ang mukha.


Pilit kong hinahagilap ang kasulok sulokan ng opisina to make sure if may tao ba o multo dito.


"Hmmm, walang tao, wala ding multo. Maka uwi na nga. Langjo talaga, wala naman palang balak magpakita. O sige, habang buhay ka ng wag magp—"


*Bogsh*


"Lintik! Aray ko po!"


Napasubsob ako bigla sa sahig ng biglang bumukas yung pinto.


Humanda ka sa akin kung sino ka mang sanhi ng muntik ng pagkabawas ng kagandahan ko. Aray!


"Pfft. Tanga." narinig kong may nagsabi.


Tanga? Napatigil ako sa pagpaplano kung panu maghihiganti sa nagbukas ng pinto. Dahan dahan akong nagtaas ng mata mula sa sapatos sa harap ko papuntang ulo ng unggoy na nakatunghay lang sa akin.


Wow! Hot! I mean, shit. Unggoy pala.


Nakakadami ka ng panget ka ha. Tinawag pa akong tanga. Maliban sa dalawa lang kaming tao dito kaya malamang, ako sinabihan niya ng tanga. May araw ka din sa akin.


"Di ka ba tatayo diyan o habang buhay ka ng magmumukhang tanga diyan?" sabi niya bago tumalikod at naglakad para umupo.

The Rich Boy vs. The ScholarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon