Kabanata 2

657 46 8
                                    

IRENE'S POV:

Madaling araw nang maalimpungatan ako dahil sa kung anong naririnig kong lumalagitik nang paulit-ulit. Nang sulyapan ko ang anak ko ay laking kulat ko nang hindi ko sya makita. Asan yun?

"Mav? Baby.." Mahinang sambit ko dahil baka nasa banyo lang.

Agad akong bumangon dahil walang sumagot kaya dumeretso ako sa banyo pero wala sya. Lumabas na ako at nadatnan si Vinny at Mavi na naglalaro ng kung anong may tunog. Ito yubg naririnig ko kanina pa.

"Kuya Vin, gabi na.." Sambit ko.

"Tita, Mavi is good in playing lato-lato oh!" Sambit ni Vinny.

"Yes but we have to sleep na. Lato-lato ka jan!" Sagot ko sa kanya dahil natatawa pa sya at tila proud kay Mavi na naglalaro ng laruan nya.

Agad naman rin syang sumunod at humalik sa'kin saka kay Mavi bago tuluyang pumasok sa kwarto nila. Pasaway talaga, mukhang pumasok pa sya sa kwarto namin para gisingin ang anak ko at makipag-laro ng lato-lato raw!

"Ikaw naman, who told you na lumabas ng room natin? Hindi ka pa nagpapaalam kay Mimi ha, that's not nice, baby.." Panenermon ko dahil inaantok pa talaga 'ko pero ramdam ko nang pasikat na ang araw.

"Sorry, Mimi!" Masiglang sambit ng anak ko.

Iniwan sa kanya ni Vinny yung isang lato-lato at hanggang ngayon ay pinaglalaruan nya pa rin kaya hinayaan ko nang nakabukas ang ilaw dahil hindi naman sya matutulog. Palibhasa ay mahaba ang tulog nya kanina.

Sinubukan ko na muling matulog pero napapawi ang antok ko dahil sa lagitik ng laruan nila ni Vinny.

"Vi, let's sleep pa po.." Mahinang sambit ko.

Hindi sya sumagot at nagpatuloy lang sa paglalaro. Naririndi na ang buong pagkatao ko sa laruan na 'yan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay biglang may kumatok kaya agad akong bumangon at binuksan ang pinto. Tumambad si Manang na naka-terno pajamas kasama si Matt na may hawak na laruan katulad ng nilalaro ni Mavi ngayon kaya napairap ako.

"Oh? Ang-aga nyo nagising ah?" Bungad ni Manang.

Bumalik ako sa kama para mahiga ulit at sumunod naman silang mag-ina. Humalik pa si Manang kay Mavi bago humiga sa tabi ko. Nang sulyapan ko si Mavi ay nakatayo lang ito sa gilid ng kama habang nakasandal at naglalaro.

"Mukha ba kaming may tulog?" Sambit ko at humikab.

"Bakit? Namamahay ka?" Tanong naman ni Manang at bahagyang yumakap sa'kin.

"Anong namamahay? Ayang si bunso ni Bonget binigyan ng pagkaka-abalahan ang anak ko. Tignan mo ngayon. Kanina pa 'yan silang madaling araw sa labas ng kwarto!" Pagsusumbong ko at natawa naman si Manang saka piningot ang ilong ko.

"Umuusok na naman 'yang ilong mo!" Pang-aasar nya. "Hayaan mo na. Pareho lang pala tayo ng pinagdaanan mula kagabi! Partida isa lang 'yang sa'yo. Sa akin tatlong lato-lato ang lumalagitik!" Sambit ni Manang. "Kakatulog nga lang nung dalawa eh! Ayang isa ayaw matulog." Dagdag nya pa.

"For real?! Nakakaloka!" Natatawang sambit ko nalang.

"Osya, mag-asikaso na at mag-aalmusal na tayo. Ibababa ko na 'tong Unica hija natin para makapag-gayak ka ha." Sambit ni Manang at kinarga si Mavi.

Mag-isa akong naiwan dito sa kwarto kaya ilang minuto muna bago ako tumayo. Nagdasal muna 'ko at nagpa-salamat sa Diyos.

Agad rin akong nag-handa ng susuotin namin ni Mavi. Usually terno kami ng sinusuot o 'di kaya same color.

Naghanda lang ako ng pink dress para kay Mavi at ako naman ay pink polo and white pants. Boots ang ipapasuot ko kay Mavi dahil kapag sandals ay tinatanggal nya. Ako naman ay nude color na sandals.

He doesn't knowWhere stories live. Discover now