Kabanata 18

92 3 0
                                    

Hindi ko alam kung ilang oras kaming magkausap, natigil lang ang tawag namin nang kinatok ako sa kwarto at naghapunan. Tinext ko siya na tapos na akong kumain, naligo muna ako bago humiga sa kama.










Wala na akong gagawin, tutunganga na lang ako sa kwarto at maghihintay kung kailan niya tatawagan o itext man lang. Excited pa akong nagbasa ng text dahil akala ko sakanya nanggaling, bagsak ang balikat ko habang binabasa ang text ni Rp.









Rp:
There'll be a foam party at 12 midnight, are you coming even without Jack?













It sounds interesting, hindi bale na ang exam bukas, makakasagot naman ako at nag-review na rin ako kanina. Nagtext kaagad ako kay Rp na pupunta at nagreply lang din siya ng "ok". Kung alas dose magsisimula, dapat alas onse pa lang ay nakaalis na ako. Hindi na ako pupuslit ngayong gabi dahil wala namang magagawa si Justin kung aalis ako, takot lang n'on sa akin.













Me:
Anong ginagawa mo?









Bakit kaya ang tagal nitong magreply?! Dapat nagsabi siya kung may gagawin para hindi masayang ang oras ko sa kakahintay ng reply niya. Akala ko siya na ang tumawag pero halos mabaliw ako nang si Mama ang tumawag. Umasa pa naman ako.










"Hello," walang gana kong sagot. Narinig ko ang paghugot ng malalim na hininga ni Mama.










Maingay sa kabilang linya, puro politika ang naririnig kong usapan kahit sa bahay lang naman sila!









"Anak, Gwen. Kamusta kayo riyan?" bumuntong hininga ako. Alam naman nila ang sagot, shempre hindi kami okay! Mas okay kung nasa bahay kami.











"Seryoso ka, Mama? Hindi okay." sagot ko.









Pipigtasin ko ang pasensya ninyo dahil ako ang nagdurusa ng lahat ng pangarap ninyo.









"Your Papa is planning to get you some bodyguards. There are many reports of killing here, I will not be at peace while working and thinking about your safety." humina ang boses ni Mama.










Matagal na nilang plano iyan, bakit ngayon lang nila naisip?! Hindi naman kami nawalan ng bodyguards simula nang pumasok sa politika si Papa.









"What? So I will be tied up more? I can't go out freely because I have bodyguards with me." it's not a good choice. It will only be a problem!








"Your Papa is already on it, you can't say no to that." I groaned. It tasted defeat but I will not easily surrender even without trying.











"Sige Ma, gawin niyo ang lahat ng gusto niyo! Tinapon niyo na nga kami rito tapos tataliin niyo pa?! Makita ko lang ang isa sa mga bodyguards, sinasabi ko Mama, wala kang anak na babae!" saka ko binabaan ng tawag.










Bakit pa kami nagtatago rito kung may bodyguards din pala kami?!









I had to calm myself before answering Lucas' call. Binungad ko ang galit ko sakanya.










"Bullshit! I hate this life!" sigaw ko. Kakasagot ko lang ng tawag niya, narinig ko ang mahinahon niyang boses at kahit papaano ay nahiya ako sa ginawang pagsigaw.












Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon