>>> 5 years later <<<
Elena's POV
"Elena, anak. Kailan ka ba mag-iimpake ng mga gamit mo? Aba'y malapit na ang araw ng alis mo. Hindi ka ba talaga excited? Makakasama mo na si Kassandra araw-araw." Tanong sakin ng aking ina habang naghuhugas ako ng mga pinggan na pinagkainan namin ngayong umaga.
Napahinga ako ng malalim.
"Sino naman hong magiging excited eh kayo na mismo ang nag-decide para sa akin? Ni hindi nga muna ninyo ako tinatanong kung gusto ko bang magtrabaho sa Kassandrang 'yun o hindi." Tumutulis ang nguso na tugon ko sa kanya.
Hanggang ngayon kasi masama pa rin ang loob ko sa ginawa ng nanay. Hindi naman ako galit. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit siya 'yung nagdesisyon para sa akin.
Paano kapag nalaman ni Kassandra na 'yung mataba at panget na Elena noon at ako ay iisa lang? Hayst. Edi nagalit 'yun ng sobra sa akin dahil sa ginawa kong pang-iiwan sa kanya.
Sa makalawa na kasi ang alis ko papuntang Manila. Isasabay na raw ako nina Kassandra dahil ngayong araw ang last taping nila rito sa Palawan.
Hayst! Napapakamot na lamang akong muli sa batok ko.
Ganun ba talaga maglaro ang tadhana? Nakakagulat naman at pinagtagpo pa talaga kaming muli ni Kassandra. Ayos na sana akong maging isang fan niya eh.
Ngunit isang malutong na tawa lamang ang ibinigay ng aking ina na tila ba hindi sineseryoso ang aking mga sinasabi.
"Sus! Kunwari ka pa anak. Eh alam ko namang idol na idol mo 'yang si Kassandra. Atsaka hindi ka ba masaya? Inggit na inggit nga sa'yo 'yung mga kapitbahay natin eh. Dahil magiging personal chef ka ng isang sikat na artista. At hindi lang basta sikat ah, si Kassandra Moreno talaga." May pagmamayabang na wika ni nanay habang taas noo pang sinasabi ang mga katagang iyon.
Muling napailing na lamang ako. Pagkatapos kong maghugas ng mga plato ay lumabas na rin ako ng kusina. Pero itong si nanay, agad din akong sinundan.
"Ay! Oo nga pala anak. May nagpadala na naman ng bulaklak sa'yo. Galing sa personal admirer mo." Sabay nguso nito sa bouquet na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa may sala.
Ngunit hindi ko iyon pinansin at nilampasan lamang.
"Saan ko ito ilalagay anak? Sa kwarto mo o sa tambakan?" Tanong ni nanay.
"Sa tambakan ho." Agad na sagot ko.
"Okay!" Sigaw ni nanay. "Magsimula ka ng mag-impake anak ha!" Pahabol pang dagdag nito bago ako tuluyang makapasok sa aking kwarto.
Tambakan ang tawag namin ni nanay sa mga pinapadalang bulalak sa akin mula sa mga admirer ko.
Naks! 'MGA'. Hehehe. Ang haba ng hair ko 'di ba? Samantalang noon, walang nakakapansin sa beauty ko kundi ang nag-iisang.... ahem! Alam niyo na 'yun. Kilala niyo na kung sino siya.
Limang taon.
Limang taon na ang nakalipas pero siya pa rin.
Alam kong napakalayo na ng buhay niya sa dating normal at tahimik. Alam kong hindi na siya ang Kassandra na katulad noon na pwedeng malapitan ng kahit na sino. Kung gaano kalayo ang estado ng buhay namin noon, ay mas lalong inilayo pa ng tadhana 'yun ngayon.
Well, hindi ko naman masisisi ang mundo. I mean, sino ba naman ang hindi gugustuhin na maging artista ang isang katulad niya? Napakaganda niya inside and out.

BINABASA MO ANG
My First Love Is A Superstar (GirlxGirl) COMPLETED
RandomI love her. But all I can do right now is love her from afar. Kasi sino ba naman ako para mapansin pa niya, 'di ba? Isa pa, hindi naman na niya ako makikilala. She is a superstar now. Hinahangaan, pinagkakaguluhan at tinitilian ng marami. Napakalayo...