Chapter Nine

77.9K 2.4K 149
                                    

CHAPTER NINE

SA PAGLIPAS ng mga araw—accurately, sampung araw—ay halata ang pag-iwas sa kanya ni Matthew kahit nasa iisang bahay naman sila.

Madalas sa umaga, kapag inaasikaso niya si Cyla ay nasa labas si Matthew at nagwo-workout. Pagdating ng tanghalian, mabilis lang na kakain ang lalaki at saka magkukulong sa kuwarto nito. Hindi niya na alam kung anong ginagawa nito doon buong araw at lalabas na lang kapag gagamit ng banyo o kaya ay kapag hapunan na.

For ten days, consistent ang ginagawang iyon ni Matthew. Hindi na rin siya kinakausap nito maliban na lang kung may itatanong siya at mabilisan nitong sinasagot.

Minsan, gusto niya itong pasukin sa kuwarto para makausap dahil nami-miss niyang kausap ito. Buti pa minsan si Cyla, malayang nakapapasok sa kuwarto ni Matthew.

"Mama, are you already okay?" tanong ni Cyla na nasa tabi niya habang nakaupo sila sa buhanginan.

Maaga pa at hindi pa sikat na sikat ang araw kaya naisipan ni Frances na mag-swimming sa dagat at isama si Cyla sa kanya.

"I'm alright, baby. Don't worry about Mama."

Cyla smiled and kissed her. "I love you, Mama!"

Napangiti siya at niyakap nang mahigpit ang anak. Cyla's the sweetest child ever! Kaya wala talaga siyang pinagsisihan na itinuloy niya ang pagbubuntis dito. Dahil sa mga oras na wala siyang kakampi, she would just always think and look at her daughter, then everything would feel alright.

Hinalikan niya ang anak sa pisngi at ilong nang paulit-ulit. "Thank you, baby! You're my most wonderful blessing ever! Hindi talaga kita ipagpapalit sa anuman. And I will always do everything para sa ikabubuti mo. Understand that?"

Umiling si Cyla at pilyang ngumiti. "No, not all, Mama. But I got it a little. I'm starting to understand many Filipino words because Tito Matthew's always teaching me. Five words per day! He made a chart for me!"

"Really?" Di makapaniwalang sambit niya.

"Yes. In his room. There's a big paper pinned in his wall and, and, and it's full of tagalog words. It's for me!" Masayang sabi nito.

Ah. Kaya pala labas-masok si Cyla sa kuwarto ni Matthew. Hindi lang pala nakikipaglaro ang anak niya, tinuturuan pala ito ni Matthew!

"Hindi naman ba kalokohan ang tinuturo sa'yo ng tito Matthew mo?"

"What?"

Umiling lang siya. "Nothing. I just hope you're learning a lot of good Filipino words."

"Opo."

Natutuwang tumayo siya at ganoon din ito. Hinawakan niya sa kamay ang anak. "Let's swim!"

Sabay silang tumakbo ni Cyla sa buhanginan papunta sa dagat. Naririnig sa napaka-peaceful na lugar ang matinis na tawa ni Cyla sa tuwing tumatama rito ang mga alon. Napapatili rin si Frances at natatawang inaalalayan ang anak kapag natatangay na talaga ito ng mga alon.

Kahit sinong makakakita sa kanila ay iisiping nag-e-enjoy talaga silang mag-ina. Later on, the sun got brighter and hotter. Naunang tumakbo sa buhanginan si Cyla.

"I want to eat, Mama!" sigaw nito nang nasa buhanginan na. Cyla's wearing a cute citrus blue swimsuit for kids her age. Nameywang pa ito habang tumutulo ang tubig sa buhok nito.

"Get your towel, first! Wait for me then we'll shower up before we eat!" utos niya sa anak at nilubog muna ulit ang sarili bago tuluyang umahon.

Ito ang isa sa mga na-miss ni Frances—ang mag-beach.

Indomitable Matthew (TTMT #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon