CHAPTER TEN
SA PAGLABAS niya ay hindi niya na alam kung anong gagawin. Napunta siya sa kung saan na madilim na parte ng bakuran ng ancestral house.
Why?
Why didn't she notice it back then?
"Frances."
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Matthew. "B-Bakit mo 'ko sinundan? Hindi ba iniiwasan mo 'ko? Bakit hindi mo na lang ituloy iyon? You've been doing that for more than a week, Matthew."
"I'm sorry," he said. "I just wanted to—"
"Avoid me? Yeah, I know. At naiintindihan ko iyon. Mas mabuti na nga siguro iyon. We're good that way."
"No," marahas itong umiling. "I just wanted you to miss me, Frances."
Napaamang siya rito.
Sinalubong nito ang tingin niya. "Nagbabaka sakali ako na hanap-hanapin mo ang atensyon ko. At nang malaman mo rin kung may damdamin ka na ba talaga para sa'kin," seryosong sabi nito.
"Matthew..."
"At ako rin ang nagsisi sa hindi pagpansin sa'yo dahil gustung-gusto kong makausap ka at hindi ko alam kung paano akong tumagal ng sampung araw na iniiwasan ka." Kumuyom ang mga kamay nito sa gilid. "Nalaman mo na ba kung ano talaga ang nararamdaman mo sa ginawa kong paglayo sandali?"
Napayuko siya. "I-I did." Nakagat niya ang ibabang labi dahil parang maiiyak siya.
"Mayroon ba o wala talaga?" marahang tanong nito.
Napapikit siya at pinakiramdaman ang napakabilis na pagbayo ng dibdib. Hindi siya makasagot. Parang ang hirap umamin.
Lumipas ang matagal na sandali.
Matthew must have lost his patience. Dahil nagulat na lang siya nang hawakan nito ang magkabilang braso niya at sinandal siya nito sa katawan ng malaking puno.
Sa pagtingala niya rito ay sinalubong agad ng mga labi nito ang mga labi niya.
And she didn't resist. Kahit nagulat ay ipinikit niya ang mga mata at ginantihan ang halik nitong mainit at mapaghanap. He pressed his body to hers.
Something inside her ignited. Yumapos siya sa leeg nito at umangat ang isang kamay niya, kumuyom sa buhok nito.
Matthew's tongue sought entrance and her head went crazy. Naramdaman niya ang paglandas ng malaki at magaspang na kamay ng lalaki mula sa braso niya pababa sa baywang niya.
His warm hands crawled inside her shirt. And Frances won't do anything to stop him. The next thing she felt, her back's lying on the cold grass.
The night's very dark and Matthew's doing wonders all over her.
Hindi na iyon likha ng imahinasyon niya o isang epekto ng sakit niya. Nararamdaman niya ang bumabalot na init sa kanilang dalawa.
Nanginig siya sa lamig ng gabi ngunit agad na tinakpan ni Matthew ang katawan niya ng katawan nito. Madilim na madilim kung nasaan sila kaya hindi niya ito naaaninag—hindi niya nakikita kung anong emosyon ang nasa mga mata nito.
Ngunit base sa paghagod ng kamay nito sa hubad niyang katawan, at ang init nang paghalik ng mga labi nito—she can feel the passion burning both of them.
Filthy, cold, and itchy wild grass—the last place Frances would want to make love at. Dahil madumi at makati sa likod ay alam niyang hindi siya makakapag-concentrate. Anyway, sino bang nakikipagtalik sa damuhan?
BINABASA MO ANG
Indomitable Matthew (TTMT #2)
RomanceMatthew Mark dela Merced, an indomitable NBI agent na takot lang sa isang bagay--ang umasa na naman sa pagmamahal na kahit kailan hindi siya nagawang mapansin. Frances Anne Lorzano, a young single-mom whose under Matthew's protection against her cri...