Bakit Pa? (akala ko pa naman! >,<)

21 0 0
                                    

Sakit sa aking puso ay sariwa pa

Na di kayang idala sa konting tawa

Ngunit nang ika’y makilala

Tila naghilom at nagdala ng bagong kabanata

Unti-unting napapawi

Pait na nararamdaman at dalamhati

Sana’y ikaw na nga ang makapagpapagaling

Sa puso kong winasak ng taong akala mo kung sinong magaling

At lumipas ang panahon

Masamang bangungut unti-unting binabaun

Salamat at ika’y nakilala

Nagbalik ang dati kung saya

Ngunit, bakit t’wing tayo’y magkasama

Ako’y may dala paring pangamba?

At baka ako’y iwan kagaya ng iba

Ako’y takot na muling lumuha pa

Nang ika’y nangakong hindi ako iiwan

Ako’y napanatag at nasiyahan

Ngunit, bakit isang araw ika’y biglang naglaho?

Puso’y bumalik ulit sa pagiging bato

Asan ka na at ang iyong pangako?

Bakit ito’y napako?

Akala ko ba’y ikaw na

Ibinalik mo pa masamang ala-ala

Heto akong muli

Nasasaktan at muling nagdadalamhati

Galit ako sa iyo!

Akala ko ikaw ang magbibigay ng bagong yugto!

Bakit binigyan pa ng pagkakataon?

Kung ibabalik din naman ang masamang panahon?

Mabuti pang mag-isa

Kesa magmahal, masaktan, at muling lumuha!

 ^^, wattie

Bakit Pa? (akala ko pa naman! &gt;,&lt;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon